Chapter 5

1 0 0
                                    

"Hoy, Calli. Kanina ka pa tulala? Ano'ng problema mo"

Napailig ako ng ulo ng pumitik si Jenny sa harap ko. Pinsang buo siya ni Zane, at kaibigan ko din siya. Kasalukuyan kaming nasa restroom at nag re-retouch bago umuwi, gawain ng mga high school students. Nakakainis lang kasi uwian na kailangan parin ng kaibigan kong ito mag paganda.

"W-wala" kaila ko. Paulit-ulit kasi na nag re-rewind sa isipan ko ang pinag usapan namin ni Miss Monserate as expected, paglabas ko ay kinulit nga ako ni Zane kung ano ang pinag usapan namin sa loob. Panay iling lang ang sagot ko sa kanya.

Ngayon pati itong pinsan niya ay kinukulit rin ako. Hinding hindi ko sasabihin kay Jenny na may gusto ako sa pinsan niya kesahodang kaibigan ko pa siya.

Panay ang dutdot ni Jenny ng brusher sa mukha niya at habang nakataas ang kilay na nakatingen sa'akin.

"Asus! Tigil-tigilan mo ako sa pa wala wala mo na'yan, Calli. Alam ko na ang hitsurang iyan." angil nito sa akin sabay dutdot ng brush niya sa ilong ko.

Natatawa akong hinawi ko ang kamay niya. "Bakit ano ba ang mukha ko ngayon?" tanong ko.

"Ano pa edi mukha ng taong in love, duhh" maarte nitong sabi.

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya, alam ba nito ang sikreto ko? Alam ba ni Jenny na may gusto ako sa pinsan niya?

I decided to push her luck even further. "At kanino naman ako ma i-in love?"

Nagkibit-balikat siya sakin. "Aba malay ko kung kanino. Basta alam ko at nakikita ko na madalas hindi ka mapakali, at natutulala ka. Ano pa ang ibig sabihin non?"

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Hindi pa nito alam na may gusto ako kay zane. Pero alam nito kung ano ang problema ko. Ganon ba talaga ako ka obvious? I sighed

"Oh?, at para naman saan yang buntong hininga mo? Alam mo, Calli hindi naman masama ang ma in love, kaya dapat hindi mo iyan pinoproblema." saad nito.

Napangiwi ako sa sinabi niya, nagsalita ang animo'y expert daw.

Kunsabagay madami naman talagang  karanasan sa pag ibig at crushes si Jenny. Grade four palang nga ito noong unang magka boyfriend. Oh diba, lapitin kasi siya ng mga lalaki. Para itong in-demand sa negosyo , kahit hanggang ngayon. Siguro nasa lahi na nila iyon.

"Jenny?" tawag ko ng pansin sa kanya.

"Hmmm?" sagot nito sa akin, habang nag lalagay ng kung ano sa mukha.

"Paano nga kung in love ako? Ngunit hindi ko masabi sa taong gusto ko?" hindi ko napigilang tanong ko sa kanya.

Sumeryoso ito. "Alam mo kasi kung in love ka parang salamin lang yan. Paano mo makikita ang repleksyon mo kung nakapikit ka? Open your eyes, Calli. Mahirap matakot sa isang bagay kung tutuusin ay dapat mo itong harapin at ipaglaban."

I looked in the mirror and saw my petrified reflection staring at me. Maybe it was time I faced my fear....

GRADUATION malikot ang mga mata kung saan saan tumitingen may pilit akong hinahanap. As usual sa school ground idinaos ng low budget namin eskwelahan ang graduation. Tapos na ang commencement exercise. Nakiraan ako sa dalawa kong ka-klase na naghahagis ng graduation cap. Nagpasya ako na ngayon ko na sasabihin kay Zane ang nararamdaman ko.

Simula ng mag break si Zane at Angela ay palagi na naman kaming magkadikit. In fact lalo pa yata kaming naging malapit sa isa't isa. I felt hopeful. Hindi naman siguro masisira ang pagkakaibigan namin kung magiging matapat ako rito, and who knows, baka kapag sinabi ko ay baka ma realize niya din na ganoon rin ang nararamdaman niya sa'akin. Nagpapasalamat ako sa payo ni Miss Monserate at sa lukaret ko na kaibigang si Jenny. Nakahanda na akong sumugal at magpakatotoo.

Nang makita ko ang taong hinahanap ko ay, may kasama itong babae, chinita, maputi at medyong payat na babae. Kamukha niya si Kim Chui. Ngiting ngiti ako na nilapitan ni Zane, kahawak kamay iyong babae. Napalunok ako at hindi ko mapaliwanag kung anong sakit ang nararamdaman ko.

"Calli, si Lesly." pagpapakilala nito sakin.

New girlfriend, kumpirma ng isip ko. It was obvious nag uumapaw ang sweetness nilang dalawa.

Zane made a brief introduction. Pinsan pala si lesly ng isang ka-klase namin. On the other hand, he introduced me as the best friend. Ano pa ba ang aasahan ko.

Kinamayan ko si Lesly. Tintigan ko ang mukha niya. Wanting to find out what made this girl so different from me? Bakit siya ang ma label na girlfriend? At bakit ba hindi pwedeng maging ako?

Ang bilis makita ni Zane ang babaing ito? Bakit samantalang ako na matagal ng nasa harap niya hindi niya parin ako magawang magustohan. Ano ba ang mali sa akin? Ano ba ang kulang?

Bago pa nila makita ang sakit sa mga mata ko. Mabilis ako nag paalam sa kanila para bumalik kina mama. Pakiramdam ko hindi ako makahinga ng maayos, may malupit na kamay na pinipiga ang puso ko.

Hindi ko alam kung paano ba ako nakabalik sa pwesto ng magulang ko. Everything became a great big blur. Then I realized the reason why. I find myself crying.

"Tahan na anak, ganyan talaga kapag high school graduation." sabi ni mama, sabay yakap sa akin.

Hindi ko na itinama ang maling akala nito. Marami kasi sa paligid na nag drama kaya akala siguro nito ganoon rin ako.

Gumanti ako ng yakap kay mama. Bakit ang sakit, ma! Ang sakit sakit..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm the girl He never choseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon