Chapter 1

6 0 0
                                    


Sana computer nalang ako. Hiling ko sa utak ko, habang nasa harap ko iyong mga taong bangungot sa buhay ko. Sina Zane at Vaine. Inimbitahan ako ni Zane na mag almusal kasama ang soon to be wife niya. Oo ako na iyong pinaka martyr na babae sa mundong ito.

Napatingen ako sa kay Vaine walang kahit anong salita na masasabi ako sa kagandahan niya. Kahit anong pagpapaganda ang gawin ko, wala parin. Dumating ako sa restaurant na ito na parang isang godawful-mess.

Saglit nagpaalam si Vaine sa amin para mag CR. Lahat ng lalaki napapatingen dito. She's like a goddess, sana ganyan rin ako. Kinulang ako sa taste ng pag aayos.

Dumako ang tingen ko kay Zane. Tila gusto ko itong kantahan ng "Pretty boy" para kasi itong jowa ng barbie na naging tao. He was also tall, fair skinned with an angular jaw and prominent cheekbones. But unlike the doll, he was rugged in character, with eyes that hinted mischief. A naughty boy in a grown man's body. That was Zane.

Nawala ako sa pag iisip ng bigla niyang nilagay ang kamay niya sa mukha ko at pinababa ito. Ganyan ang lagi niyang ginagawa pag natutulala ako sa kawalan. I know alam ko kung ano ang kasunod sa ginawa niya.

Then came the dreaded question I knew he would ask. " So what do you think?"

Saan? Kay Vaine? Sa'yo? Sa kasal niyo? Kung sasabihin ko ba ang totoo, ano ang magiging reaksyon mo?

Nilunok ko muna ang kinakain kong cake, pati narin ang sakit na nararamdaman ko. I tried to smile.

"I think you made the right decision" i said.

Ngumiti si Zane sa akin at tinitigan ako sa mga mata. "I know"

Hinayaan ko siyang mag salita sa mga future plans nila. Hindi ako nagtankang mag salita dahil na'rin sa wala akong interes.

"Plano nga naming mag live-in muna. Mas madaling ayusin ang kasal if we're staying in the same house" dagdag pa nito.

Zane broke my heart a second time that day. But he would never find out.

Dahil hindi naman dapat malaman, walang kahit na ano na dapat niyang malaman. Pero sana kaya ko pang lunokin lahat ng sakit. Sana kaya ko pa.

Dahil kaonting salita niya lang nawawasak na ng tuluyan ang mundo ko. Kaonting galaw niya lang para na akong aso na nag aantay na amuhin ng taong napamahal na sa akin.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta after namin maghiwalay nina Vaine at Zane. Basta nag drive nalang ako, at umaasang sa bawat kambyo at arangkada ay hihinto itong sakit na nararamdaman ko.

Mahirap magkimkim ng sakit na overdue na for more than ten years. Sa lahat ng buhay ko sinikap kong maging extraordinary. Pero ang kinalabasan napabilang parin ako sa libong libong babae na nagpapakatanga sa pag ibig.

Mahirap talaga mag mahal sa taong may mahal na iba. Pero mahirap mag mahal sa kaibigan na ang turing lang sa'yo ay isang kaibigan lang talaga.

Hindi ko alam kung paano ko nakaya sa loob ng sampung taon ang lahat ng sakit na dinaranas ko ngayon.

Siguro noon nabubuhay ako sa simpleng pagpapakita niya ng pag alala sa akin. Dahil doon nakukuntento ako. Kahit alam ko sa aming dalawa ako dito ang talo.

Bakit sa mundong ito hindi pwedeng maging masaya ang mga taong nagmamahal ng sobrang sa taong gusto nila. Bakit hindi pwedeng mahalin din sila ng taong iyon? Kahit panandalian lang. Bakit Ipinagkait ng langit sa isang anghel na gustong makatapak sa paraisong gusto niyang makamtan.

Napakagat ako ng labi ko at hindi ko na napigilan ang pag iyak. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang makita ang taong ginawa kong mundo na ikakasal sa iba.

Binilisan ko pa lalo ang pag drive, dahil sa pamamagitan iyon, gusto kong takasan ang pait, sakit at inggit na nararamdaman ko.

Dumating ako sa bahay ng hindi ko alam. Wala ako sa sarili ko. Nakita ko si mama na nakatalikod at nag aayos ng mga plato sa lamesa.

Napabuntong hininga ako, bago lumapit sa kanya. Niyakap ko siya ng patalikod at inilagay ko ang mukha ko sa balikat niya.

"Oh, mag k-kwento ka ba? Or huhulaan ko nalang kung anong nangyari sa pagkikita niyo?" Aniya na ramdam lahat ng hinanakit ko.

Napapikit ako at umiyak sa balikat niya. Nararamdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

"Anak?" untag niya ulit.

"Alam ko naman po na kahit kailan hindi siya magiging akin. Pero ang sakit sakit lang po talaga. Ang sakit sakit po ma!" ani ko at umiyak ulit.

Hinayaan ako ni mama na umiyak, at ilabas lahat ng luha na kinikimkim ko kanina. Pinayuhan niya ako, at hinayaan na umalis para makapag pahinga.

Walang makakatumbas na gamot sa yakap ng sarili mong ina.

Pumasok ako sa kwarto ko at nilagay ang bag sa side table ng kama ko, naupo ako at pumakawala ng malalim na hininga.

Ipinikit ko ang mga mata ko at inalala ang nakaraan. At pilit na binabago ito kung pwede pa ba.

Hindi maiwasan na mag isip ng kung ano anong bagay pag ako lang mag isa. Hindi ko namamalayan na nakatulog pala ako sa ginagawa kong iyon.

I'm the girl He never choseWhere stories live. Discover now