Chapter 2

7 0 0
                                    

Year 2010

"Bakit nga ba ulit hindi pwede sa resort? Ha?"

For the 10th time na tinatanong ni James— na hindi Reid ha. Feeling niya lang siguro na kamukha nito ang gwapong aktor.

Naririndi na ako sa boses niya na mas malala pa sa chipmunks. Ang sarap niyang lagyan ng karatola, at isulat doon ang rason kung bakit nga hindi pwede sa resort.

Pinagtatalunan kasi nila kung saan gaganapin ang prom. Iginigiit nila na sa Resort idaos ang JS Prom namin. Sa pagkat pagkakataon na ito ng mga manyak na lalaki at mag syotang ilegal na makagawa ng kung ano ano.

Mga pasaway talaga, naiiling na sabi ko sa isip.

Sa totoo lang wala naman talaga akong pakialam kung saan man na lupalop idaos ang prom namin. Ang concern ko lang bilang President ng Student Council at isa sa mga head ng organizers ay maidaos iyon ng mabuti. Period.

Bumuntong hininga ako bago ulit nag salita. "Katulad nga ng sinabi ko, ikaw james" tinuro ko si James na feeling James Reid daw. "Makinig ka ng mabuti ha. Kagaya ng sinabi ko hindi tayo pinayagan na idaos ang prom sa labas kaya sa gym nalang uli. Simula na bukas ang pag practice ng cotillion." mariing sinabi ko.

Tumitig si james sa akin na may halong hiya sa mukha. Kainis to, kailangan pang i-special mention ang pangalan niya para maintindihan niya ang sinasabi ko.

I sighed again and left the room. Mayamaya lang ay may naramdaman akong nakabuntot sa akin si Zane. He was the campus heartthrob moonlighting as my best friend.

Inakbayan niya ako at sinabayan sa paglalakad.

"Hi, miss. Meron ka no?" tanong nito sa akin.

Manyak talaga tong lalaking ito. "Bakit?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya.

"Ang sungit sungit mo kasi kanina" Nakangising niya sagot sa akin.

"Kainis naman kasi, ang kulit kulit. Makailang sabi ba ako na hindi pwede sa labas idaos ang prom." Nanggigil na sabi ko.

"Ikaw naman, hindi ka pa nasanay. Makulit talaga sila, napikon ka naman." Nanggigil na kinurot niya ang pisnge ko. Napasimangot ako sa ginawa niya.

"Smile ka na diyan. Sige ka mag mumukhang Senior Citizen ka niyan." Aniya ulit sa akin, sabay tawa.

Hindi ko talaga inakala na magiging magkaibigan kami. High school kami ng magkakilala. Masyado akong tahimik, control freak, at puros pag aaral lang ang alam ko. Samantalang si Zane ay anak mayaman, solong anak kaya walang masyadong responsibility.

Hindi pa ako nagkaroon ng boyfriend dahil hindi ako interesado sa boys. Pero nag bago ang lahat. Actually, sa isang lalaki lang ako nagkaroon ng interes. It was ken, but It was a secret too.

Hindi kasi ako kagandahan para magkaroon ng lakas ng loob para sabihin sa kanya iyon. My hair is long but a wavy style, my nose was way too ordinary nasa tama lang siya. And may lips felt like excess skin. Iyong mata lang ang maganda sa akin. Iyon lang ang asset ko na meron ako. Hindi ako katulad sa mga babaing nagugustohan niya. Ang mga babaing pwedeng ipagmalaki, ang mga babaing parang mga modelo kahit sa murang edad pa lang.

Kapwa kami freshman ng magkakilala, itinabi siya ng teacher namin sa akin. Para naman daw magkaroon ng kaonting katinuan si Zane. Noon ko nalama na hindi pala ako immuned sa lalaking may forever clean cut hair. Pares ng dimples at ang amoy ng pabango niya na kahit sino hindi magsasawang amoyin iyon.

"Ay nako ewan" sabi ko, tsaka nag paunang mag lakad. Mga engot ang taong nakakasalamuha ko ngayon, kasama na doon si zane.

"Baka naman may crush sa iyo si James?" pang aasara niya pa sakin.

Napatingen ako sa kanya, sa mga mata niya. Seryuso iyon, ngunit puno ng malisya ang magaganda niyang mata. Tuwing napapatingen ako roon, para akong natutuliro.

"Hindi ako interesado sa kanya, tsaka hindi ko siya type no. Ayoko sa makulit."

God. My denial sounded feeble ever to my own ears. But Zane did not– or chose not to– notice that and it hurts. Tinawanan niya lang ako sa sinabi ko tsaka binago ang usapan.

"Maaga nga pala akong susundiin ni Manong Julyo" anito sa akin. "Dapat pagka bell mamaya, deretso na tayo sa parking lot Calli." Pagpatuloy niya pa.

Lagi niya akong sinasabay, sinusundo at inihahatid sa bahay. Papayag na sana ako, ngunit naalala ko bigla ang bilin ni mama.

"Hindi yata ako makakasabay mamaya, dadaanan ko pa iyong mga pinalaba ni mama kay aling silya." Sabi ko

"Aling Silya? Iyon bang may anak siya na parang mukhang Japayuki?" Nakataas kilay na tanong nito.

"Oo, kilala mo siya?" minsan nagtataka ako kung bakit ang mga taong malapit sa akin ay kilala niya. Mas updated pa nga siguro siya sa mga latest issues kesa sa akin.

"Hindi siya, iyong anak niya ang kilala ko" He grinned.

Nanliit ang mga mata ko. Ang manyak talaga ng lalaking ito. Hindi na ako nag usisa pa kung paano niya nakilala. Dahil alam ko sa sexy at puti ng babaing iyo, magiging pa popular siya sa lugar namin.

Lumabi ako. "Gusto mong sumama? O baka gusto mo lang yata makita iyong anak niya e?" Pang aasar ko.

Sumimangot siya sa akin, Ang cute. "Hindi ako interesado don, Calli."

Lihim na umusbong ang tuwa sa puso ko dahil sa sinabi niya. Ngunit agad din iyon nawala ng magsalita siya ulit.

"Kay Angela ako interesado." Anito ulit.

Ang tinutukoy niya bang Angela ay ang schoolmate namin na kasimputi ng coupon bond, kasinlandi ng GRO, at papasang sexy dahil malaki ang boobs. Napataas ako ng kilay.

"Igawa mo naman ako ng love letter para kay Angela, Calli? Please" ungot pa nito sa akin.

Gusto kong mag protesta sa pinapagawa niya. Pero kinagabihan si Zane parin ang nasunod. Sumama siya sa bahay namin at nakinuod ng TV kasama si papa. Hinintay niya talagang matapos ang love letter na pinapagawa niya sa akin. Napa buntong hininga ako at binaliwala ang nararamdamang sakit sa dibdib.

Kinabukasan rin noon ay nakita ko na magka holding hands ang bagong love team sa school namin. Sina Zane at Angela. Hayop na babaing iyon, kahit dalawang araw lang sanang pagpapakipot hindi niya ginawa.

Alam kong proud lang siya dahil sa dami ng babaing lumalandi kay Zane ay siya lang iyong naging official girlfriend sa lahat.

Maraming luhaan ng araw na iyon, at marami din na dismayado dahil sa nagkalat na tsismis tungkol kay Angela. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat. Ako ang pinaka apektado, ako ang pinaka nasaktan sa lahat ng nangyayari. Heto ako tanaw siya na hawak ang kamay ng iba. Ang best friend niya na hindi man lang makaamin sa totong nararamdaman.

Pilit kong nilunok ang sakit. At tumalikod nalang para umalis sa lugar na iyon. Iyon ang unang sakit na naranas ko simula na mahalin ko si Zane.

I'm the girl He never choseWhere stories live. Discover now