Chapter 4

1 0 0
                                    

Sana huwag na mag bell. Bulong ko sa isip ko kahit alam kong imposible iyon. Malapit na matapos ang English na subject ko. Filipino class na ang susunod, ang pinaka iniiwasan ko.

I used to like that subject mainly because of our teacher si Miss Monserate. Ito yata ang pinaka cool sa lahat na member ng faculty. Old maid siya, sinabi niya samin noon na hindi niya alam kung paano i-handle ang mga bata, so she treated us as equal instead. Sa klase niya, walang nakakatulog mas entertaining pa ito kesa sa TV show. Palaging may bago, interesante at espesyal.

Noong isang linggo ay gumawa siya ng isang Freedom wall. Kung saan pwede mong isulat ang gusto mong sabihin. Sa crush mo, sa kaaway mo or sa taong ayaw mo. Walang makakaalam kung sino ang sumulat, kaya ako sinulat ko doon ang isang tula na matagal ko ng gustong ibahagi.

Pero noong miyerkulis ay bigla nalang kaming ginulat ni Miss Monserate. Tatalayakin namin at magbibigay kami ng opinyon at babasahin niya lahat ng sinulat namin sa wall na iyon sa Friday. Kaya heto ako ngayon imbes na masiyahan ako kinakabahan lalo ako, dahil alam ko na hindi makakatakas ang tula na isinulat ko.

Natapos ang klase namin sa English. Ilang minuto lang dumating na si Miss Monserate sa classroom namin baon niya ang tamis na ngiti sa kanyang labi. At iyon mismo, doon mismo kinakabahan na ako.

Everybody in the class was having fun. While I couldn't even breathe properly.

Napansin yata ni Zane ang pagiging balisa ko. Kinalabit niya ako at may tanong sa kanyang mga mata.

"Okay ka lang ba? May problema ba? mahinang tanong niya sakin.

Ilang linggo narin ng nakalipas simula na mag hiwalay sila ni Angela. Dahil doon back to normal ulit ang buhay ni Zane.

"W-wala ayos lang ako, ano ka ba?" pinilit kong tumawa para itago ang kaba. "Praning ka masyado" dagdag ko pa.

He smirked. "Ako pa ang praning? E ikaw nga diyan ang hindi mapakali. Mag uusap tayo mamaya-"

May mga sinabi pa ito pero hindi na ako nakinig. Dahil nilamon na talaga ako ng kaba.

"I love you, Jessie ng IV Lily" pagbasa ni mam.

"Sh*t ka Sir Baldo" pagbasa ng nakangiwi ni Miss.

Nagtawanan ang mga ka-klase ko sa binasa ulit ni Miss. hindi ako nakikinig. Hanggang natapat ang atensyon ni Miss Monserate sa nag iisang tula doon. Kinakabahan ako ng husto, hindi man nila alam kung sino ang nagsulat noon, ako? Alam na alam ko.

Binasa ni Miss Monserate ang ginawa ko:

Bagong Umaga!
Sa pag gising ko, ikaw agad ang naaa-lala
Bagong Umaga!
Sakit na dulot mo'y lalong lumalala.
Bagong Umaga
Alam ko kahit kailan ay hindi mo ko mapapansin ang maganda kung mata.
Bagong Umaga
Dahil sa tuwing sasapit ang bagong araw alam ko ako'y hanggang kaibigan mo lang pala.

"Ano sa tingin n'yo, class?" nakangiting tanong ni Miss Monserate pagkatapos niyang basahin ang letseng tula ko na'yon. Napaisip ang lahat kung sino ang nagsulat ng tula na binasa ni Miss. Dahil sa pagiging tuliro ko, ako pa ang tinawag niya.

"Calli?"

May kasamang nginig at butil ng pawis sa noo ko. Letse para akong natatae sa ginagawa kong ito.

"Y-yes, Miss?" utang kong tanong.

"Ano ang masasabi mo sa tula na iyon?" nakataas ang kilay na tanong niya sakin.

Napalunok pa ako bago sinagot siya. "P-parang ang b-baduy po, miss." shit nauutal na talagang sagot ko. At tsaka ako umupo kahit hindi niya pa ako pinapaupo. Bakit kaya ako ang tinawag niya? Alam niya ba na ako ang salarin na iyon?

"Okay" simpleng sabi niya lang. "Ikaw anong masasabi mo" nagsimula na naman siyang magtukso. "Zane?"

Shit
At dahil pasaway ang mukong, hindi ito tumayo at panatiling naka upo parin.

"Okay lang, miss. In love iyong tao, eh. Hayaan na natin." simpleng sagot ni Zane.

The class cheered, and to my relief the bell rang. Dahil nga napaka cool ni Miss. binigay niya muna ang assignment niya para samin bago mag dismiss.

But Miss Monserate asked me to stay.

"B-bakit po, Miss?" kinakabahang usal ko ng lumapit ako sa table niya. Napalingon ako sa mga ka-klase ko na unti-unting nauubos sa loob ng kwarto.

Maya maya lang ay si Zane nalang ang natira. Nag aatubili pa siyang umalis at iwan ako. Pero nagsalita si Miss Monserate. "Pwede ka na ring umalis, Zane."

Noon lang umalis si Zane pero halatang napipilitan lang. Panigurado maghihintay iyon sa labas at uusisain ako, chismoso pa naman iyon.

"Mukhang concerned na concerned si Zane sa iyo?" nakangiting sabi ni Miss.

Hindi ako umimik dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi niya.

"Alam mo ba kung bakit kita pinaiwan?" tanong nito.

Umiling ako. Natural miss, magpapaiwan paba ako rito kung alam ko? Kainis naman talaga oh.

Sa halip na e-explain niya kung bakit ako pinaiwan. Ay muling nagtanong ito sakin. "Alam mo ba kung bakit ako naging old maid, calli?"

"Hindi po" nagtatakang sagot ko sa kanya. Ngayon lang ako nakasalamuha ng isang guro na ikwe-kwento ang talambuhay nila sa estudyante nila.

Tumayo ito at lumapit sa bintana, tanaw nito ang bigfield ng paaralan. "Dahil na in love ako dati ngunit na duwag ako na ipakita iyon sa lalaking mahal ko. Hanggang sa nawalan na ako ng pagkakataon na aminin iyon sa kanya."

"Ano po'ng nangyari?" hindi nakatiis na tanong ko.

"He married my best friend. Tatlo na ang anak nila ngayon. Marami nang nagbago." tumawa siya ng saglit. "Malaki na nga iyong tiyan niya at malapit na siyang mapanot. Tatay na tatay na talaga. Pero alam mo ba kung ano ang hindi nag bago?" tumawa uli si miss. Pero kabaliktaran iyon sa saya. "Ang damdamin ko para sa kanya. Mahal na mahal ko parin siya." may luha sa mga mata ni Miss ng bumaling siya ng tingen sa akin.

Nilapitan niya ako at hinawakan sa kamay. Napalunok ako. "Masyado ka pang bata, pero alam kong matalino ka. Sinasabi ko ito sa'yo hindi bilang isang guro mo, kundi bilang isang babae na nagmamahal. Ang pagmamahal hindi isip ang ginagawa kundi puso. Hayaan mo ang sarili mo na mahalin siya, huwag kang matakot. At kung may pagkakataon, umamin ka kay Zane bago pa mahuli ang lahat." sabi nito.

Nagkulay suka ako sa narinig ko. "P-paano niyo po nalaman?"

Ngumiti siya sakin. "Pamilyar ako sa mga ganyan. Dahil ganyan rin ako dati. Huwag kang matakot magmahal, calli. Huwag kang matakot na ipakita ito sa kanya."

I knew she was referring to the poem and I understood what she meant. I nodded.

Tumango rin siya sa akin. At tumingen muli sa labas ng bintana. Tumingen rin ako doon at hindi ang bigfield ang nakikita ko. I was seeing my past, which was my present now.

I'm the girl He never choseWhere stories live. Discover now