PROLOGUE

8 0 0
                                    

Parang sinilihan ang pwet ko ng makatanggap ako ng sunod sunod na tawag mula kay Zane. Ang talumpadas na ito kung kailan nasa kalagitnaan ako ng meeting sa opisina, dito pa talaga mangungulit.

Sumulyap ako ng patago sa cellphone ko. Atat na atat na akong basahin iyon, ngunit panigurado mahihirapan ako. Nagtext lang naman ang walang hiyang best friend ko na lihim kong iniibig mula noon. Si Zane Aden Fontavilla.

Ewan ko ba sa isang ito, at kanina pang tawag ng tawag. Palibhasa kasi siya ang CEO sa sariling kompanya niya kaya wala siyang ginagawa. Samantalang ako ito, para akong tuyong dahon na nakanganga sa boss ko na explain ng explain, at hindi naman ako nakikinig.

Nabigla ako muli ng mag vibrate ulit ang cellphone ko. Hudyat na tumatawag ulit si Zane. Naiinip na siguro ito kasi kanina ko pang hindi sinasagot ang tawag niya. Likas pa naman dito ang pagiging makulit.

Hindi na ako nakatiis, nagtaas ako ng kamay. At agad iyon napansin ng boss ko, napakunot noo siya sa akin, at nagtaas ng kilay. Para bang nagtatanong kung bakit nakataas ang kamay ko. Si Mr. Centl talaga ang tanda na pero hindi parin alam iyong ganitong gestures, alangan naman na may isa-suggest ako sa mga sinabi niya, ni kahit isang kusing walang pumasok sa utak ko lahat ng pinuputak niya sa harap kanina.

"Mr. Centl" tawag ko ng pansin sa kanya.

"Yes" agad na umaliwas ang nakakunot nitong noo. I am his one of favorite employees after all. So hindi mahirap mag paalam.

"I was wondering if I could possibly make one phone call, Sir? Its really important?" sabi ko.

Sandaling natigilan ito at nag isip pa kung papayagan ako sa sinabi ko. Nang tumango ito senyales na pinayagan ako. Agad agad akong lumabas ng conference room. Huminto ako sa hallway malapit sa elevator tanaw ko ang mga naglalakihang building sa makati. Mabilis kong pinindot ang phone ko para tawagan si Zane.

Habang nakikinig ako sa ringback tone ng cell phone nito na parang punk rock. Uso pa pala ito, kakainis lang pakinggan. Napatanaw ako sa unti-unting pag lubog ng araw.

"Calli" bungad agad ni Zane sa telepono pagkasagot ng tawag ko.

Napatigil ako sa pag tanaw sa papalubog na araw. Para sa akin, wala nang mas importante pa kaysa kay Zane at sa kung ano pa ang sasabihin nito. Sensitive at observant ako sa lahat ng bagay na may kinalaman sa kanya.

Tulad ngayon, I could sense excitement in his voice, a notch higher than usual. Nangyayari lang iyon pag may sasabihin ito na hindi na makapag hintay na ibalita sa akin.

"May maganda akong balita sa'yo. I'm sure matutuwa ka" anito sa kabilang linya

I smiled. "Feeling ko nga, hindi ka na kasi makapag hintay na matapos ang trabaho ko. At tawag ka ng tawag" I laugh.

He chuckled. "Right. Naisip ko bilang best friend ko. Ikaw ang dapat unang makakaalam sa ibabalita ko." He paused for effect. "Calli....... I'm getting married" pagtatapos nito sa sasabihin.

Nanghina ang tuhod ko sa narinig ko mula sa balita niya. Iyong masasaya kong mukha pati nagkikislapan kong mata, nawala ng parang bula. Alam na alam talaga ni Zane kung kailan ako mapapasaya, at kung kailan ako sasaktan.

May long time girlfriend ito si Vaine. She's the most beautiful girl I've ever seen pero siya rin ang babaing kina-iinggitan ko ng sobra.

Bukod dahil sa maganda siya, she have Zane in her life. And me? I left nothing. Sino ba naman kasi ako? I'm just the girl best friend of her soon to be husband.

Lucky girl, aniya sa isip ko hanggang bunbunan ang inggit at bitterness.

"Uy, nanahimik ka diyan?" Untag nito.

I tried to find my voice, I think I lost it. "Kay V-Vaine ba?" tanong ko na lumulunok.

Narinig ko ang patawa niya sa kabilang linya. "Syempre, kanino pa ba? Ikaw talaga Calli, kung saan saan na naman ang isip mo" natahimik ako, at muling nagsalita si Zane, i-kwinento niya sa akin kung paano siya ng proposed at kung paano napa-oo si Vaine sa kanya.

Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya, pero kahit isa wala akong naiintindihan, dahil kahit isa ang hirap intindihin. I thought I needed something beautiful to distract myself from pain. Muli kong pinanuod ang paglubog ng araw, at unting unti na pagdilim sa paligid. Pero iyong sakit nandito parin, nag unahan sa pag bagsak ang mga luhang kanina pang nagbabadya. Please take all the pain away

I'm the girl He never choseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon