Gangster 43: [Happy First]

3.7K 111 3
                                    

Ara's POV

Dahan dahan akong dumilat. Puro puti ang nasa paligid ko.

Mejo malabo pa ang paningin ko.

Nung luminaw na ay narealize ko kung nasan ako.

Nasa Hospital ako.

Anong nangyari??

Ay oo nga pala. Naaksidente ako. Pero panu ako nakarating dito??

"Gising ka na Ara!" Napatingin ako sa gilid ko. Nakita sila Kaira, Ryca at Ayen.

Napakunot ang noo ko? Panu nila nalaman na nandito ako?

"Okay ka lang ba? Anong nararamdaman mo? Kilala mo ba kami? Masakit ba ulo mo." Tinignan ko lang si Ryca na nagtanong. Nakalapit na rin sakin sina Onyx, Clyde, Jero at Andrex.

Teka? Nasan si Ian?

"Si Ian?" Tanong ko. Bigla ko siyang namiss. Galit ako sa kanya kanina pero parang biglang nalang nawala at napalitan ng pagkasabik.

Ay ano ba yan!

"Umalis saglit. Babalik din yun." Napahawak ako sa ulo ko. Bigla kasing sumakit.

"May benda? Napuruhan ba ako?" Nagkatinginan silang lahat at parang nagtuturuan kung sinong magsasabi.

"I hate waiting." Masungit kong sabi.

"May tama ka lang sa ulo pero di malala. Buti nga daw at nadala ka agad dito eh. Kundi baka naubusan ka ng dugo." Wika ni Kaira. Lumapit siya sakin at niyakap ako.

"Pinag-alala mo kaming bwisit ka. Kung stressed ka sa nalaman mo pwede mo naman akong takbuhan eh. Makipagbugbugan ka nalang sakin huwag ka lang magpakamatay." Natawa ako sa kanya.

"Di ako nagpakamatay. Naaksidente nga eh. May iniwasan akong car tapos nabangga ako sa puno." Paliwanag ko.

"Sino palang nagdala sakin dito?"

"Di namin kilala eh. Tsaka nakaalis na kasi siya bago kami makapunta dito." Si Ryca ang sumagot.

"Alam mo Arabebe, natakot kami. Kala ko kasi magkaka amnesia ka or something. Saklap lang nun para samin lalo na kay Ian, monthsary niyo ngayon tapos naaksidente ka." Speaking. Wala pa pala akong naiisip na gimik.

Tutal nagsubside naman na ang galit ko kay Ian. Icelebrate na namin. Ewan ko ba pero parang ang bilis kong matanggap na si Dale ang mafia reaper. Though masakit parin ng konti.

"Guys. I need your help." Wika ko sa kanila at pinagplanuhan na namin yung naisip kong gimik.

Inutusan ko si Jero na magmasid sa labas ng hospital. Nagkekwentuhan lang kami ng girls with Clyde at Andrex nung bumukas ang pinto at nagsalita ang hinihingal na si Jero.

"Natanaw ko na siya." Pagkasabi niya yan ay umayos na kami para sa magaganap naming drama.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Naramdaman kong lumapit sakin si Ian at may nilapag sa side table ko.

"Baby." Rinig kong sabi niya. My heart just skipped a beat.

Gusto ko na siyang yakapin. Haha.

Pero I stopped my urges.

Kunyari ay kakadilat ko palang. Tinignan ko siya at halata ang pag-aalala sa mukha niya.

Dapat ang gagawin ko ay cold treatment. Kasu natatawa ako sa kanya kaya ngumiti ako.

"Hello. Ahm. Sino ka?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

Lumungkot lalo ang mukha niya. Hindi siya nakapagsalita. Nakita ko sa likod niya sina Clyde, Andrex, Onyx at Jero na nagpipigil ng tawa.

The Gangster's Love: Great CircleWhere stories live. Discover now