Gangster 39: [Bet]

3.8K 100 5
                                    

Kaira's POV

Kanina pa ako paikot ikot dito sa kama ko pero hindi parin ako makatulog.

Hanggang ngayon ay wala parin si Ara. Bahala siya, May tour kami bukas. Pag napuyat siya, Bahala talaga siya. Hindi ko siya gigisingin.

Dumapa ako at tumitig sa headboard ng kama. Napasimangot ako.

17 years na akong nabubuhay pero ni minsan di parin ako nagkakaboyfriend.

Si Jero kasi taken na. Ang saklap. 3 years ko siyang nagustuhan pero kahit kelan di niya ako gugustuhin pabalik.

Napabuntong hininga ako. Napagdesisyunan kong umakyat nalang sa rooftop.

Tumungo ako sa elevator at pinindot hanggang sa tuktok. Nang nasa last floor na ako, I took the stairs hanggang sa rooftop.

Pagkadating ko sa rooftop ay sariwang hanging ang sumalubong sakin.

"Hey." Napalingon ako sa gilid ko. Nagulat ako nung nakita ko si Andrex na nandoon.

"Hey." Sabi ko nalang at lumapit sa kanya. Tumabi ako sa kanya. Nakaupo siya sa sahig at nakasandal sa pader.

"Nag-iisa ka ata dito?" I opened the conversation.

"May date silang lahat." Sagot nalang niya. Parehas kami ng sitwasyon.

"Kahit si Clyde?" Tanong ko. Napachuckle lang siya bago sumagot.

"Tulog na si Clyde. Karoom niya si Nicollo Ryu ng 4-b." Nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Panu mo alam? Stalker ka ni Clyde?" Tanong ko.

"Nope. Nung iniwan kasi ako ni Onyx sa room namin, Nabored ako kaya pinuntahan ko si Clyde. Kasu naabutan ko lang na palabas ng room nila si Nicollo at sinabing tulog na nga daw si Nerd." Napatawa naman ako. Ngayon ko lang kasi narinig na tinawag na nerd ni Andrex si Clyde.

"Nakamove on ka na?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kalayuan.

"Ikaw? May balak ka pang magmove on?" Pagbalik niya sakin ng tanong.

"Alam mo din pala" Napangiti ako ng mapait. Parehas nanaman kami ng sitwasyon ni Andrex. Parehas na nagmamahal ng taong may mahal na iba. Ang pinagkaiba lang namin, Siya nakaamin na.

"Pansin ko lang kasi. Obvious ka eh." Natawa kami pareho sa naging sagot niya.

"Kawawa naman tayo no? Si Ian may Ara, Si Jero may Ryca, Si Ayen may Onyx tapos----"

"Ako may Ikaw." Tumingin siya sakin sabay wink. Nagulat naman ako sa ginawa niya kaya impulsively, Nasapak ko siya.

"Siraulo ka ba? Huwag ka nga." Pagtataray ko. Loko tong Andrex na to. Ipagpartner daw ba kami?

"Bakit? Ayaw mo sakin? Mas gwapo naman ako kay Jero eh." Kinurot ko siya sa tagiliran.

Playful mode ata si Andrex ngayon?

"Seryoso kasi Andrex. Di ka ba naiinggit?" Hindi lang siya sumagot. Tumingin lang siya sa malayo at ngumiti. Ginaya ko ang ginawa niya.

Nabalot kami ng katahimikan. Walang umiimik saming dalawa. Puro hangin lang ang naririnig namin.

"Tayo nalang kaya?" Sabi ko kay Andrex. Napatingin naman siya sakin. Ilang segundo niya akong tinititigan. Tapos biglang humagalpak ng tawa.

"Miss President naman. Alam kong gwapo ako pero ang bilis mo naman atang mahulog sakin?" Pinalo ko lang siya sa balikat niya. Ang epal ng lalaking to.

Psh. Nagsusuggest lang eh. Gusto ko ng makamove on kay Jero.

"Ang yabang mo. Sisiguraduhin kong maiinlove ka sakin." Wika ko sa kanya kaya lalo siyang napatawa.

"Hahaha. Good Luck. Pero habang ginagawa mo ang lahat para mahulog ako sayo, Pwes gagawin ko ang lahat para mabaliktad ang sitwasyon." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hinawakan niya ang baba ko at nilapit niya ang mukha niya sakin. "Miss pres. Sisiguraduhin kong hindi ako maiinlove sayo kasi ikaw ang maiinlove sakin." Naghahamon ba siya? Ha! Asa siya.

"So deal? Kung sino ang unang maiinlove sating dalawa. Siya ang manliligaw? Game?" Nakangisi kong sabi. Ngumisi naman siya at nagsalita.

"Game."

Napaisip naman ako. Tama ba tong pinasok ko? Nakipagpustahan ako about love?

"So pagbalik na pagbalik natin sa Manila, Start na ng date natin." Wika niya. Teka? Magdedate kami?

"T-teka?? Magdedate?? Tayo??" Nalalaki ang mata ko habang nagtatanong sa kanya.

"Oo naman. Panu natin makikilala ang isa't isa kung hindi tayo magdedate? Tss." Ganun ba yun?

"So hanggang kelan tong bet?" I asked him.

"Hanggang March lang. After Graduation, Tatapusin natin ang bet. Tatanungin natin ang isa't isa kung sino ang nahulog. Pag ikaw, Liligawan mo ako. Vise versa. Pag parehas na nahulog then nagiging tayo na seriously. Pero pag walang nahulog then we'll remain as friends. Ano? Deal?" Napaisip ako.

"Panu kung isa satin magsinungaling? I mean, Pag sinabi mong hindi ka nahulog sakin sasabihin ko ring hindi rin ako nahulog sayo when the truth is, I've already fallen." Ngumisi siya.

"Bakit? Balak mo bang maglie?" He asked.

"No. Gusto ko lang makasigurado." I answered. Nag-isip rin naman siya saglit tapos ngumiti.

"Okay. Ganto nalang. Isusulat natin sa papel yung nararamdaman natin, One week before graduation natin isusulat yun. Tapos 1 day after graduation. Exchange papers tayo. Okay?" Tumango nalang ako. Nagshake hands kami to seal the bet.

OMO. Anong kalokohan ang pinasok mo Kaira?

Ah bahala na. Nasimulan na eh. Sisiguraduhin ko nalang na siya ang mahuhulog sakin.

Tsaka baka makatulong to para malimutan ko yung nararamdaman ko for Jero.

--------------------------------

Author: KaiRex shippers. Haha. EXDI. Oh yan, Lalablayp na si Miss Pres. Ano kayang mangyayari sa bet nila? Hmmm...

VOTE and COMMENT.

~SungHee(Ace)

The Gangster's Love: Great CircleWhere stories live. Discover now