Wuut?

"Bakit?"

"Aissh! Basta gusto niya eh, problema mo?" Nakakunot noong tanong niya. "Saka wala namang masama kung mag-ce-celebrate tayo ng early Christmas diba?. Kasi sa 24 may family dinner sila kaya hindi ko siya makakasama sa pasko."

"A-ahh siya lang ba ang p-punta dito?" Tanong ko.

"Bakit may inaasahan ka bang pupunta rito?"

"W-wala ah!" Depensa ko. "Nagtatanong lang eh. Malay mo makikikain rin satin yung mga kapit-bahay diba? H-hehehe."

"Tss..kumain ka na nga, dami mong sinasabe eh."

"A-ahhm k-kuya m-may s-sasabihin a-ako sayo. P-pero wag kang magagalit ah?" Nauutal na sabi ko. Ayokong ilihim kay kuya ang meron sa amin ni Alex and besides kilala naman na ni kuya si Alex as my suitor. Tumigil siya sa pagkain at inilapag ang kutsara't tinidor at tinignan ako ng diretso.

"Ano yun?"

Nako paktay! Eto na Courtney! Diretsuhin mo na! Aisshhh..Dapat pala hindi ko na muna sinabi, kinakabahan talaga ako. Kahit pa kasi mabait yan si kuya eh minsan may topak rin yan. Kagaya nalang ngayon mukhang ang init ng ulo niya.

"A-ahhm, p-pwede ko bang i-invite s-si Joy. Oo tama.." Haysss nako Courtney! Palusot pamore!

"Cge ba. Ikaw bahala."

"Hehehe." Ngumiti ako ng pilit at uminom ng tubig..

Makalipas ang ilang oras at hapon na. Naghahanda na kami ngayon ni kuya para sa pagdating ng Girlfriend niya..

Nagluluto si kuya. Habang ako naman ay nag de-decorate sa Christmas tree. Maya maya lang ay may narinig kaming nag door bell.

"Nandiyan na ata sila, pagbuksan mo na bunso!." Sigaw ni kuya sa kusina.

Huh? Sila? Kala ko ba si ate Jian lang! Psh!

Lumabas na ako at pinagbuksan sila ng Gate. Bumungad sakin ang napakaaliwalas na ngiti ni ate Jian at ang pa-cool na si Kian.. Psh sabi ko na nga ba eh..

"Hi Courtney! Merry christmas!" Masayang bati sakin ni ate Jian. Nginitian ko lang siya at binati rin.

"Merry Christmas rin po." Tinignan ko muna ng masama si Kian at pinapasok na sila. "Tara tuloy po kayo."

"Nako! Masyado ka namang magalang Courtney! Haha.."

"Hehehe.." Pilit kong tawa. Okay naman kasama si ate Jian eh.. Mabait, maganda, palangiti at higit sa lahat marunong makisama.

"Hi babe!" Bati ni Ate Jian kay kuya. "Merry christmas!"

"Merry Christmas rin.. May surprise ako sayo mamaya.." Nakangiting sabi ni kuya.. Wow ah! Kanina lang ang sungit sungit niya tapos ngayon? Woahh epekto nga naman ng pag-ibig oo.

"Yieehh excited na ako sa surprise mo babe..hihi." Kinikilig na sabi ni ate Jian at nagyakap sila tapos...Woaaahh! Nag kiss pa talaga!? Naalala ko tuloy yung hinalikan ako ni Kian! Aisshh boyset! boyset! boyset!..

Medyo naging awkward yung atmosphere lalo na't nagkatinginan pa kami ni Kian! Huhuhuhu...

PDA talagang dalawang to! Hindi ba nila alam na may mga inosente sa paligid nila! Charot! Haha.

"Pero babe, hindi ka na sana nag abala pang maghanda ng mga foods." Sabi ni ate Jian.

"Bakit naman?" Tanong ni kuya.

"Kasi pupunta tayo sa beach!!!" Masayang tugon ni ate Jian at napanganga naman ako.

Sumakay kami ng private plane papuntang Bicol. Oo tama ang narinig niyo sa Bicol kami pupunta.. Taray ng pamilya Grande ha! May pa private plane pang nalalaman..haha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Amazona Meets Mr. MahanginWhere stories live. Discover now