[19]Diskarte'ng Malupet 2

7 0 0
                                    

Kian's POV

Natapos ang buong klase namin ngayong hapon. Pagkalabas ko ng room ay dumeretso ako sa Gym, at pinatawag lahat ng teammates ko sa basketball. Dumating narin si coach kasama ang reperi. Mukhang pagkatapos ng announcement ay magpa-praktis na.

Haysss, pwede bang bukas nalang! I'm already tired!

"May magaganap na School meet ngayong buwan, kinakailangan na nating mag-ensayo." Panimula ni Coach. Nagulat naman ang karamihan sa Teammates ko, at ang iba ay parang wala lang. "Siguro mga last week ngayong buwan magaganap iyon. Lahat ng school ay maglalaban-laban. Kaya kailangan nating galingan para ipanalo ang school nato. Naiintindihan niyo ba?"

"Biglaan naman yata coach. Dapat noon pa nila yan sinabi, para napaghandaan natin." Sabi ni Aldrin.(Si Aldrin po yung classmate nila Courtney)

"Oo nga naman coach, tuloy para tayong nagmamadali." Sang-ayon naman ni Martin, Assistant ko.

"Wag nalang kayong mag-reklamo dahil nangyare na wala na tayong magagawa. Ang tanging magagawa nalang natin ay ang maghanda."

"Okay coach." Sagot nilang lahat maliban sakin.

"Kaya ngayon palang magpa-praktis na tayo. Understand?"

"Ha?" "What?" "Seriously coach?" Di makapaniwalang sabi nila.

"What? Am I look like joking here?" Sabi naman ni coach.

"Ahhhhh..." Sabay-sabay nilang sabi. Parang nanghihinayang na nababagot na tinatamad na ewan ang mga ka-teammates ko. Psh!

"Go lazy boys! Move! Move!" Sigaw ni coach habang pumapalakpak pa. Kami naman ay tinatamad na pumunta ng locker para magbihis.

"Grabe naman pre! Ang bilis. Bakit ngayon lang nila yan sinabi. Para tuloy tayong mga pagong na nilagyan ng turbo." I heard Aldrin said.

"Oo nga eh." Rey said.

"Come on guys! Cheer up. We have to practice harder, we have to win this game." I encouraged them as a team leader.

"Owss! Si Captain Inspired eh nuh! Hahaha.." Pang-aasar nila sakin.

"Oo nga. Wuushuuuu!"

"Shut up!" Siway ko sa kanila.

"Siguro may napupusuan ka na naman nuh?"

"What's the connection with that? I'm just cheering you up guys! Psh!" Naiinis kong sabi.

"Wusshuuu si Captain---" Di na natapos ni Martin ang sasabihin niya.

"Ano!?"

"Gwapo mo. Hehe."

"Shut up."

"Ang init naman ng ulo mo."

"Bilisan niyo na nga. Hinihintay na tayo don ni coach. Dali!" Sabi ko.

"Aye aye captain!" Sabay-sabay nilang sabi. Napapailing naman akong lumabas sa locker room at pumunta sa court.

May mangilan-ngilan nang mga studyante ang naroon. Siguro ay manonood sila ng practice. Iginala ko ang paningin ko at sa labas ng Gym na ito ay kitang-kita ko ang nagkukumpulan na mga studyante at naghihiyawan. Kung saan nag-eensayo rin ang mga volleyball player.

"Move! Move!" Dinig kong sigaw ni coach

Ililipat ko na sana sa ibang direksyon ang paningin ko ngunit nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na babae. Tinanaw ko'ng mabuti ang gawi niya para masigurong siya nga iyon. At hindi nga ako nagkamali dahil siya talaga iyon.

The Amazona Meets Mr. MahanginWhere stories live. Discover now