[10]Hero

6 1 0
                                    

KINABUKASAN

Naalimpungatan ako sa malakas na katok.

Knock Knock

"Bunso, Gising na! Magsisimba tayo ngayon."

Nagmulat ako ng mga mata nung marinig ko ang boses ni kuya. Bumagon ako para maupo, kinusot-kusot ko pa muna ang mga mata ko bato ako nagsalita.

"Hmm. .maliligo lang ako,kuya."

"Sige, hihintayin kita dito. Bilisan mo!"

Hindi ko na pinansin pa si kuya, dumeretso ako sa CR at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Floral green dress ang isusuot ko ngayon at naka green doll shoe rin, ni-regalo pa ito sakin ni mama last year. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko si kuya na naka upo sa sofa. Naka black pedal, white polo shirt, at white rubber shoe si kuya, kaya naman nagwapuhan ako sa suot niya.

"Gwapo natin kuya ah!"

"Thanks. Hahaha ikaw rin bunso!"

"Psh! Ano ka ba nasa lahi na natin to noh!"

"Hehe, hmm Oh siya Tara na."

Sumakay kami ng jeepney papuntang Church. Maya maya pa ay nakarating na kami, naupo kami sa may hulihan dahil wala nang bakanteng upuan sa unahan. Mainit rin kaya kinakailangang magdala nang sariling pamaypay.Kinuha ko sa pouch ko yung pamaypay ko.

'Buti na lang dinala ko to, kundi haggard na naman ang feslak ng Lola niyo..bwahahaha'

"Pasakop naman bunso oh, ang init init.!" Reklamo ni kuya kaya sinunod ko naman ang sinabi niya.

Maya maya lang ay nagsimula na ang misa..Pakalipas ng dalawang oras ay natapos ang misa. Tumayo kami at naglakad palabas ng simbahan.




Marco's POV

Hey! I'm Marco Ethan Dela Fuentes!
Haha sa wakas binigyan rin ako ni otor ng Pov. Psshh!

Naglakad na kami ni Bunso palabas ng simbahan,masyadong malaki at mahaba ang simbahan kaya naman hindi pa kami nakakalabas ng biglang...

*PAAAAKK*

May sumapak sakin. Malakas ang pagkakasapak kaya napapikit pako bago iminulat ang mata.

O__O

'What the---'

"Cheater!" Malakas na sigaw ni Jian Girlfriend ko. Umiiyak siya kaya naman nakaramdam ako nang kirot sa dibdib ko..Ayokong nasasaktan ang pinakamamahal ko.

"B-Babe, what are you talking about?" Pilit pinapahinahong tanong ko.

"Ano!? Kitang-kita na ng dalawa kong mata, tapos mag mamaang-maangan ka pa? Lier! Cheater! Huhuhuhu" humahagulhol na sabi niya..Kaya naman yinakap ko siya

"Babe, hindi kita maintindihan,ano bang sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya pero humiwalay siya sa pagkakayakap ko. Kinuha ko naman ang braso niya at dinala sa labas ng simbahan sinenyasan ko naman si Courtney na wag nang sumunod dahil mag-uusap kami ni Jian.

Pagkalabas namin ay pahablot niyang kinuha ang braso niya sa pagkakahawak ko. Medyo nabigla ako kaya tinignan ko siya.. Nagtaka pako dahil Galit at Lungkot ang makikita mo sa mga mata niya.

The Amazona Meets Mr. MahanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon