[16]Ngiting Inspired ^__^

5 1 0
                                    

Courtney's POV


Pagkatapos mag mall ay nag paalam na ako na uuwi. Umuwi narin si Kian at si Joy.

Haysss

Hindi ko alam kung bakit nagkaka'ganto ako. Naiisip ko palang yong nangyare kanina, Parang mababaliw na ako kakaisip.

OA na naman.

Kung bakit ba naman kasi may patumba-tumba pa akong nalalaman eh.

Di ko alam kung pano ako natumba. Basta ang alam ko ay may nagtulak sakin at gano'on nalang ang nangyare. Napapikit pa ako non dahil ang akala ko ay matutumba na ako ng tuluyan pero naramdaman ko nalang na may sumalo sakin, at laking gulat ko nalang nong makita ko si Kian, na parang mangingite pa.Psh.

Pero aaminin kong nailang ako sa ginawa niya.

Ang Arte mo!

Gabi na nong makauwi kami. Pagkauwi ko pa lang ng bahay ay kumain na ako at ginawa ang night rituals ko, at tsaka natulog.

Tik tok tik tok

Pinilit kong makatulog pero hindi sumasang-ayon ang katawan ko, Panay ang pag-galaw ko. Harap sa kanan, harap sa kaliwa.

Aghhh

Hindi ko parin maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Bumangon ako at napapikit sa Inis.

"Aissh..Aisshhh!"

Kinabukasan.

Kriiingg.

Sinabi ko na nga ba eh. Bangag na naman ako neto eh.

Bumangon ako at ginawa ang Morning rituals ko. Pagkalabas ko ng kwarto ay kumakain na si Kuya kaya kumain narin ako.

"Bunso baka gabihin ako mamaya ah, o baka nga bukas na ako makauwi eh. May Ojt kasi kami eh. Ikaw nalang bahala dito ah. I lock mo yong mga bintana tsaka pinto..Una na ako bye." Paalam ni Kuya. Ginulo niya ang buhok ko at may kinuha sa bulsa niya. "Nagpadala nga pala si Mama, ayan allowance mo. Mag-aral mabute ah."

Psh.

"Sige salamat Kuya, ingat nalang." Nginitian ko lang siya. Pagka-alis niya ay tinapos ko na ang kinakain ko.

Beep beep

O_O

Oo nga pala si Alex. Nako Nako Nako!

Hihihihi....

Tiningnan ko pa ang sarili ko sa salamin at naglakad palabas mg bahay. Ini-lock ko ang pinto at gate.. Pagharap ko ay ayon na nga si Alex nakasandal sa kotse niya at nakapamulsa.

"Good morning." Bati niya at nginitian niya ako..

Gwapo.

"Good morning." Bati ko rin

"So let's go?"

"Yeah." Yeah? Psh..haha katawa ka Courtney.

The Amazona Meets Mr. MahanginOnde as histórias ganham vida. Descobre agora