[14]Beast Mood

5 1 0
                                    

Kian's POV

Monday

Kriiiiingggg

Nagising ako sa malakas na alarm. Dali-dali kong pinatay ang alarm clock at nagmulat ng mga mata, nagtama ang paningin ko sa Wall clock at. .

7:15am

"What the!?" Bulalas ko. Dali-dali akong bumangon at dumeretso sa banyo para maligo.

'Bakit 7:15 nag alarm yung clock!? Pshhh bwiset!'

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng uniporme ko at mabilis na nag-ayos. Bumaba ako at dumeretso sa Dining area, naabutan ko na si ate'ng kumakain.

"Bakit Di mo'ko ginising?"

"Aba malay ko, ano pang silbi ng alarm clock mo?" Tanong niya habang ngumunguya.

"Eh yun na nga eh, pasado alas siete na non'g nag alarm yun..Psh."

Binilisan ko ang pagkain ko, pagkatapos ay sumakay sa kotse at tumungo sa school. Pagkarating ko ron ay basta ko nalang pinark ang kotse ko at lakad-takbo'ng pumunta sa classroom namin.

"Ang aga mo naman yata para sa next subject Mr. Grande." Mataray na sabi ni Mrs.Tailor.

"Sorry ma'am." Paumanhin ko. Hindi ko na hinintay na sumagot ang prof at naupo na ako sa armchair ko.

Discuuuuuusssssss. . .

Kriiiiiiiinnnggg.

Nagsilabasan na ang mga kaklase ko habang ako naman ay inaayos ang mga gamit ko.

"Ano pare umuunti unti ka na ba?" Dinig kong sabi ng isa sa mga kaklase ko, hindi ko naman siya liningon at nagpatuloy nalang ako sa pag-aayos.

"Haha kung alam mo lang para'ng maiihi na yata yung sa kilig eh..haha.." Sabi ng isa pang klasmeyt kong lalake.

"Hahaha loko ka talaga pare. Ano nang plano mo?" Sabi naman nung isa pa. Batid kong tatlo sila.

"Plano ko? Hmm. Mukhang mabilis lang naman mauto yun. Haha. Kaya next level na mga pare..haha.."

"Nice trip."

'Ano bang plano nila? Nantitrip ba sila? Psh. Mga walang magawa.'

Umalis na ako sa room at bumaba para pumunta sa cafeteria. Nag-order at kumain sa may bakanteng table.

"Hi Kit." Lumapit sa harapan ko ang isang babae. Pag-angat ko nang tingin ay nakangiti na siya.

"Oh, Morresset." Walang ganang bati ko sa kaniya at tsaka nagpatuloy ulit sa pagkain.

"Can I Join you?" Maarte'ng tanong niya.

"May bakante pa naman don oh." Nguso ko sa kabilang mesa.

"Ugh! Don't be rude Kit, I'm just being friendly here." Maarte na naman'g sabi niya.

'Bakit ba may mga konyo dito?'

Umupo na siya sa harapan ko, hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy nalang sa pagkain.

"So,How're you?" Tanong niya.

"I'm okay before, but now I'm not." Seryoso akong tumingin sa kanya at bumaling ulit sa kinakain ko.

The Amazona Meets Mr. MahanginOnde histórias criam vida. Descubra agora