070 | narration

284 42 15
                                    

Jin (softiesung)
perspective

Nanonood lang ako ng balita habang kumakain ng piattos. Kahit sinabi sa akin ng parents ko na bawal daw sa akin 'to, eh sa masarap talagang kumain, eh. Eto naman kasing si Jihoon, nahawa na tuloy ako sa katakawang taglay niya, lol.

At saka lahat ng nasa chatroom, nanonood ng balita ngayon, grabe talaga yung isyu tungkol kay somiplanes, bakit ba kasi hindi na lang nila hulihin yung paintelpain na yun para matapos na? Tss.

"Mastermind sa aksidenteng kinasangkutan ng biktimang si Jeon Somi, nahuli na."

Teka--bakit ang bilis naman ata? Gano'n-ganon na lang ba ang paghuli sa kaniya?

Ibig sabihin ba nito...may tumulong sa amin para mapakulong 'tong si paintelpain? Sino naman?

Nakita ko sa mukha ni paintelpain na wala siyang emosyon habang hawak-hawak siya ng mga pulis. Halata namang nakalanghap siya ng rugby dahil sa sobrang payat niya, hindi 'ata siya kumakain ng gulay, eh. Siguro nga gano'n?

Pinicturan ko yung nakaflash na balita sa tv at sinend sa chatroom, pero nabaling ang atensyon ko sa nagmessage sa akin sa wattpad.

*************

10 parts to go!

btw, happy 3k followers to meeeeee HUHUHU T_T♡

bittersweet ╱ lee daehwiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon