067 | narration

259 48 13
                                    

Kris (baejinswifeu)
perspective

Matapos isend sa akin ng wattpad user na nagngangalang waitformyrevenge, nangangambang pinindot ko yung website na mediafire.com, at tumambad sa akin ang isang filename.

'paintelpain is son of a bitch'

medyo malaki ang size ng file, approximately 169.96 mb. buti na lang at hindi pa masyado full ang cellphone ko.

Makalipas ang halos sampung minuto, nadownload na rin ang file. Hinanap ko yung earphones sa kwarto ko at isinaksak ko sa dalawang tenga ko. Video pala itong nadownload ko.

Tumambad sa akin ang isang video ng dalawang lalaking nag-uusap sa isang restaurant.

"Look who's here, alam ba ng anak mo ang tungkol dito?"  tanong ng lalaking matangkad, nakasuot siya ng itim na sumbrelo kaya hindi ko masyado maaninag ang mukha niya, yung isa naman, medyo nasa mid-40's na siya at medyo kaliitan. Yung matangkad, nakasuot siya ng black t-shirt, ay yung maliit naman ay nakasuot ng stripes na blue at red.

"Hindi, a-ano ba ang ipapagawa mo sa akin?" nauutal na untag ng lalaking nakasuot ng stripes.

"Simple lang,"  maya-maya may inabot ang lalaking nakaitim na t-shirt sa lalaking naka-stripes.

"Kill this girl, her name is Jeon Somi. I don't want my name to become dirty just because of her threats."

Nagitla ang lalaking naka-stripes, "Hindi, hindi ko magagawa 'yan."

"Gagawin mo, o ako ang gagawa?" natakot ang lalaking nakastripes dahil sa banta ng lalaking nakaitim na t-shirt. Puno ng awtoridad ang boses nito.

"Kapag ako ang gumawa, papatayin naman kita, gusto mo isama ko pa si--"

"Oo na! Gagawin ko na... Basta huwag mong idadamay ang anak ko dito!"

"Dapat, by the time of February 13 or 14, she is no longer alive."

Tila natakot na talaga ang lalaking nakastripe, nanginginig siya sa takot habang inaabot ang papel na siguro ay ang litrato ni Somi. Maski rin ako, hindi talaga ako makapaniwala na gagawin ulit ni paintelpain ang ginawa niya kay Eunkyung.

Nilalamig ako, kumakabog din ng mabilis ang dibdib ko. Bakit ba kasi nangyayari ito?

Matapos tumango ng lalaking nakastripes ay agad siyang kinindatan ng lalaking naka-black t-shirt.

"Aasahan ko yan, kill her whatever way you do, as long as she is no longer breathing."

Nawala na ang paninikip ng dibdib ko nang matapos ang video. Kuha ata ito sa hindi nagpakilalang si waitformyrevenge, gustong-gusto kong malaman kung sino siya, kung ano ba ang gender niya. Pero wala man lang ako ka-ide-ideya kung sino siya.

Mayamaya lang ay nakatanggap ako ng message sa kaniya, kay waitformyrevenge.

**************

bittersweet ╱ lee daehwiWhere stories live. Discover now