Chapter 30. Eternal Flame

25.6K 465 43
                                    

Lem's POV

Pagkagising ko ay hinahanap ko si Nicole pero di ko sya makita. Sinabi nina mama sakin na magdamag akong binantayan ni Nicole at kaninang umaga lang umalis para magpunta sa training.

Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil naging successful naman ang operasyon ko. Ganunpaman ay sinabi ng doctor sakin na kailangan ko pa ng sapat panahon bago makarecover kaya ilang araw pa kong magsstay dito sa hospital.

"Okay ka lang anak? nahihirapan ka pa bang huminga?"nag-aalalang sabi ni mama

"Medyo okay na po,kumikirot lang po yung sugat ko."sabi ko

"Mabuti naman anak hayaan mo gagaling din yung sugat mo,at least okay ka na."sabi ni mama

"Ma'am Lemery,i-checheck lang po natin yung blood pressure nyo."sabi ng nurse na kararating lang

"Sige.."sagot ko habang kinakabit nya ang sphygmomanometer sa braso ko

"Normal na po yung blood pressure nyo. Ang ganda ganda nyo po pala sa personal."nakangiting sabi ng nurse

"Salamat."nakangiti kong sabi

"Ma'am kailangan nyo po munang kumain tapos babalik po ako mamaya para ibigay sa inyo yung mga gamot."sabi ng nurse

"Okay,thank you."sabi ko saka sya umalis

Pagkatapos kong kumain ay bumisita si Anne at ang boyfriend nya.

"Best,musta ka na?"bati ni Anne habang papalapit

"Okay na ko,for recovery na lang."sabi ko

"Eto nagdala kami ng prutas,kumain ka nang gumaling ka agad."sabi ni Anne

"Thank you best."sabi ko

"Asan si Nicole?"tanong nya

"Nasa training daw.."sagot ko

"Alam mo tingin ko bumabawi na sya sayo."nakangiting sabi ni Anne

"Oo nga eh kaya malaki pasasalamat ko at pinagpapasensyahan nya kong bantayan."sabi ko

Nicole's POV

Habang nagbibihis ako bago magpunta sa training ay napansin ko ang bracelette ni Lem na isinilid ko sa bulsa ko nung operasyon nya kahapon.

Siguro sa mga oras na to gising na sya, sana mabilis syang makarecover dahil di ako sanay na makita syang nanghihina.

Pagkatapos ng walong oras na training ay umuwi na muna ako ng bahay para makapagpahinga, kulang pa kasi ako sa tulog mula kahapon.

Gabi na nang nagising ako kaya kumuha ako nang ilang mga damit ko at saka nagdrive papunta sa hospital. Tatlong araw din kasi akong walang training from Sunday until Tuesday.

Pagkapasok ko ng ward ay nakita kong gising na si Lemery at kausap nya ang mama nya na maya maya palang ay umalis na rin para kumain.

"Kumain ka na ba?"tanong ko kay Lem pagkapasok ko

"Oo tapos na, ikaw?"tanong nya sakin

"Mamaya na lang,okay ka na ba?"pag-aalala ko

"Wag kang mag-alala, I'm feeling better."nakangiting sabi ni Lem

Gusto kong sabihing mahal ko sya pero hinawakan ko na lang ang kamay nya habang tinitingnan sya.

"Maam Lem, eto na po yung mga gamot nyo."pag-iinterupt ng kakapasok lang na nurse kaya umupo muna ako sa sofa

"Thank you..."nakangiting sabi ni Lem

"Uhm ma'am matagal ko na po kayong idol ikaw po kasi yung girl crush ko, eto po pala yung gift ko sa inyo."rinig kong sabi ng nurse kay Lem na may inaabot na paper bag

Faking It (girlxgirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon