Chapter 13. The Gift

22.8K 420 17
                                    

Wala akong class ngayon pero nagpunta ako ng school para kumuha ng permit para sa malapit na Final exam. Hectic yung schedule ko sa part time job ko sa Manila times kaya naman after the meeting about LGBT parade ay dumerecho na ako sa office ng journalism saka sinubmit yung entry ko naipapublish tomorrow. As usual nagsulat ako tungkol sa anti-discrimination bill na dapat matagal nang inaprubahan ng Senado, ang equal rights namin mga LGBT sa bansa natin.

Puspusan din sa pagrereview si Nicole sa ngayon kaya hindi ko na muna sya pinuntahan, alam ko naman din kasing bilang aspiring Summa Cum Laude sa aming University ay dapat nyang mamaintain yun grades nya.

--

Hapon na nang makatanggap ako ng text mula kay Ivan, na may overnight ang mga Accountancy student at ilan sa mga Tourism students after Finals, kasama na dun si Nicole kaya naman pumayag ako na sumama.

Agad kong tinext si Nicole about overnight kung sasama ba sya.

“Nicole, sama ka ba sa overnight ng mga seniors after finals?” text ko

“Oo, ikaw ba?” reply nya

“Oo, sige baka maistorbo kita,study well.” sabi ko

“Ikaw rin.” reply nya

Hindi ko na pinaalala sa kanya na birthday ko bukas dahil sinabi ko naman sakanya yun kahapon. Nag-invite ako ng mga iilang kaibigan ko sa school . Pagkauwi ko ay naabutan kong kakarating lang nila mama at kuya galing sa mall dala-dala yung mga binili nilang grocery for my birthday tomorrow.

“Andito na pala si Lem.” sabi ni kuya

“Wow mukhang masarap yung lulutuin nyo ni mama bukas.” sabi ko

“Syempre, magbibirthday yung nag-iisang maganda kong kapatid.” sabi ni kuya

“Hehe, kuya…pupunta bukas mga kaklase ko kasama na dun si Nicole.” nakangiti kong sabi

“Mabuti naman at makikilala ko na yung crush mo.” sabi ni kuya

“Of course.” nakangiti kong sabi

--

Birthday ko ngayon kaya naman busy sila mama at kuya na magluto sa may kusina. Ako naman ang naglinis ng buong bahay para sa mga dadating na bisita mamaya including Nicole.

Maagang dumating si Anne kasama ang boyfriend nyang si Ralph.

“Happy Birthday Bestie! “ bati ni Anne sakin na kakarating lang sabay yakap sakin

“Happy birthday Lem.” bati din ng boyfriend nya sakin sabay abot ng regalo nila ni Anne sakin

“Thank you, maupo muna kayo.” sabi ko

Ilang oras ang lumipas saka dumating yung mga kababata ko na sina Sheena at Mikaela sumunod yung mga kaklase ko sa accounting.

Bandang 6pm nung dumating yung videoke machine na ni-rent namin ni kuya at yung 3 case ng beer. Nag-umpisa ng uminom at magkwentuhan ang mga kaibigan ko at yung mga iba pang bisita. 8:30pm na ng gabi ay hindi pa rin dumating si Nicole kaya naman naisipan ko syang tawagan pero hindi ko sya makontak.

Dadating pa kaya siya? Anu ba yan..kung kelan pa na birthday ko saka pa siya hindi nakarating.

“Oh Lemery Gomez, tama na yang pagdadrama at uminom na tayo.” sabi ni Anne sabay abot sakin ng isang bote ng alak

Sa sobrang lungkot ko ay naparami ako nang inom saka ako natulog sa sobrang kalasingan.

-

Dahil sa sobrang rami ng nainom ko kagabi ay tanghali na akong nagising, isang late pa yata ay madadrop-out na ako. Masakit pa rin yung ulo ko hanggang ngayon pero pinilit ko pa ring pumasok.

Habang nasa klase ako ay tinawag ako ng isang kaklase ko, sabi nya hinahanap daw ako ni Nicole kaya pinuntahan ko sya sa labas.

“Lem, sorry nakalimutan ko..nakatulog kasi ako ng maaga kaya hindi ko na naalalang birthday mo pala kahapon, sorry talaga…” sabi ni Nicole

Gustuhin ko mang magtampo ay hindi ko magawa.

“Okay lang yun, alam ko namang busy ka.” sabi ko

“Magkita tayo mamaya after class mo, may ibibigay ako sayo.” sabi nya saka siya nagpaalam at umalis

After ng ilang oras ay dinismiss na kami ng professor namin saka ako nagpunta sa Tourism building para puntahan si Nicole.

“Oh andyan ka na pala, tara dun sa garden…” aya nya

“Sure..” sabay hawak ko sa kamay nya pero tinatanggal nya ito

Pagkadating sa garden ay inabot nya yung isang pink na box.

“Eto pala yung gift ko sayo, sana magustuhan mo.” sabi nya

Medyo namula ako nung binukasan ko yung box ay isang silver na bracelette ang nakita ko na may mga angels na design. Ang ganda ng gift nya, simple but elegant…

“Thank you, ang ganda!” sabi ko, gusto ko syang yakapin pero naisip kong hindi pala pwede.

Nahihirapan kong isuot at i-lock yung bracelette kaya naman si Nicole nalang yung nagsuot sakin.

“Belated Happy Birthday, siguro naman di kana magtatampo.” sabi nya

“Hindi naman ako nagtatampo eh, salamat ulit ha.” sabi ko

“Sige alis na ako ha, may class pa kasi ako.” sabi niya saka umalis

Pagkaalis nya ay hindi ko mapigilang ngumiti, sobrang saya ko dahil kahit nakalimutan nyang birthday ko kahapon ay mabilis din syang nakabawi sakin.. How I wish sya nalang yung gift ko…

Faking It (girlxgirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon