Chapter 3. The Queen Bee

34.1K 569 18
                                    

Pagkatapos ng klase namin ay naisipan naming tumambay muna ni Anne sa may lobby kung saan napansin kong kasama ni Nicole ang boyfriend niyang si Jam, isang sikat na varsity player ng basketball sa school.

Bagay na bagay silang dalawa pero di sila kanais-nais tingnan kaya naman niyaya ko nang umuwi si Anne.

“Oh bakit nakasimangot ka eh andyan naman si Nicole oh di ka ba inspired?” sabi ni Anne

“Umuwi na tayo pagod ako.” naiirita kong sabi

“Uy nagseselos, yaan mo na kaklase mo naman siya sa Eco.” pang-aasar ni Anne

“Hindi ako nagseselos at isa pa bagay naman sila ng asungot na Jam na yan eh,tara na nga.” pagsusungit ko

“Sige na nga, uwi na tayo.” sabi ni Anne buhat-buhat ang sandamakdak na libro

Pagkasakay namin ni Anne sa FX ay hindi ko makalimutan ang magandang mukha ni Nicole habang nakangiti sakin kanina nung inabot ko yung activity sheet. Okay na sana, every Tuesday and Friday ko syang kaklase sa Eco pero naiinis akong makita silang sweet ng boyfriend nyang si Jam. Nakakainis,nakakainis, gusto ko sumigaw >,<

6 p.m na nung nakarating ako sa bahay namin. Sa sobrang pagod ay di na ko nakapagbihis ng pambahay at nakatulog ako .

“Lem, kain na,Lem...” tawag sakin ng mama ko mula sa pinto ng room ko

“Sige Ma, wait lang magbibihis muna ako.” pagmamadali ko saka ako nagpunta sa mesa at kumain

“Kamusta naman yung pag-aaral mo anak? Mukhang pagod na pagod ka.” sabi ni mama.

“Ayun , ginawa po nila akong muse, ang lalakas po ng mga trip >,<” naaasar kong sabi

“Pinili ka nila kasi maganda ka, nagmana ka sakin anak anong mga sinasabi mong trip dyan kaw talaga oo.” natatawang sabi ni mama

“Whatever Ma, asan na nga po pala si kuya?” tanong ko

“Ayun, overtime daw sya sa work nya ngayon kaya bukas nalang daw sya uuwi.” paliwanag ni mama

“Ganun po ba sayang naman papatulong pa naman sana ko sa design ng lanyard namin, pero dibale na ako nalang yung gagawa.” sabi ko

“Bukas ng umaga andito na yun, yaan mo sasabihan ko kuya mo, kelan nyo ba kailangan?” tanong ni mama

“Samakalawa pa ma.” sabi ko habang nililigpit ang mga pinagkainan

“Sige anak, magpahinga ka na ako na bahala dito.”  sabi ni mama habang pinupunas yung mesa

Dumerecho ako sa kwarto saka humiga, ilang minuto na ang nakalipas hindi pa rin ako makatulog. Nangangarap na naman akong maging kami ni Nicole... na imposibleng mangyari pero kunsabagay minsan mas masaya nang gawin ko siyang inspirasyon than pursuing it. Para makatulog, kinuha ko yung scrapbook ko na puno ng mga litrato niya from her facebook. Sinulat ko yung pangalan nya sa scrap book katabi ng pangalan ko, paulit kong tinitingnan mga pictures nya hanggang sa nakatulog ako.

--

Kinabukasan..

Wednesday ngayon kaya naman hindi ko kaklase si Nicole dahil may meeting kami ng mga kasamahan ko sa LGBT o Lesbian, Gay Bisexual and Transgender Group. Bilang isa sa mga advocate ay nagsusulat din ako ng isang forum sa Manila Times. Kilala ako ng mga accountancy students bilang isang openly bisexual kaya naman natatakot manligaw ang mga nagkakagusto sakin dahil sa pag-aakalang suplada ako at babastedin ko lang sila. Kunsabagay, may point din naman sila dahil priority ko muna ang mag-aral at ayoko munang pumasok sa isang relasyon. Si Nicole lang masaya na ako ;-))))

Galing ako ng Theater Arts room kung saan kami nag-meeting nung naisipan kong hanapin si Anne para maglunch. Habang naglalakad ay nakita ko ang media na iniinterview si Nicole tungkol sa pagsali sa isang beauty pageant sa Manila at bilang representative ng university namin. Nahuli ako sa balita, na itinanghal pala siya kagabi bilang Miss Manila kaya naman I feel so happy and proud of her, that’s why I like her a lot, di lang sya matalino, sobrang ganda pa, hayy…hanggang tingin na lang ako.

“Lem! Andyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap.” tawag ni Anne mula sa likod ko

Kanina pa din kita hinahanap saan ka ba nagpunta?’ tanong ko

“Mukha mo, pinapanuod mo lang interview ni Nicole eh, ang ganda niya noh?” pang-aasar ni Anne

Hindi na ako nagsalita kaya naman niyaya ko na syang mag-lunch sa isang malapit na fastfood.

“Lem, alam mo bang group 3 ako?” sabi ni Anne

“Group 3, ano naman?” pagtataray ko

“Group 3 din si Nicole mo.” natatawang sabi ni Anne

“Lintek! Kagroup mo pala sya? Di mo man lang sinabi.” nabigla kong sabi

“Gaga,di mo tinatanong eh kung di ko pa nabanggit di mo pa malalaman, ano gusto mo palitan tayo, ikaw na group 3 ako na group 1?” sabi ni Anne

“Naku wag na no, ako inassign ni Ma’am kaya masyadong obvious kung magpalitan tayo.” sabi ko

“Hindi yan, alam na nang mga kaklase natin, nagkasabwatan na kami kaya pwede tayo magpalitan.” Sabi ni Anne

“Ano?? Ibig sabihin alam na nilang may gusto ako kay Nicole??” nagulat kong sabi

“Oo, anu ka ba naman parang hindi ka advocate ng Lgbt ah, nahiya ka pa ikaw na ngang tinutulungan choosy ka pa, ano game?” sabi ni Anne

“Wag na, kahit kailan ka talaga Anne oo, nakakahiya mahahalata ako ni Nicole >,<” sabi ko habang nakayuko

“Okay walang sisihan ha, at least tinulungan na kita para mapalapit kay Nicole.” pangongonsensya ni Anne

“Thank you pero nahihiya ako at tiyak namang di rin ako papansinin nun eh.” pagdadrama ko

Half day lang ako ngayon kaya nagpaalam na ako kay Anne saka umuwi dahil magpapatulong pa ako gumawa ng design ng lineyard kay kuya.

Habang papasok sa sala, nakita kong nakaupo si kuya habang pinapanuod and interview ni Nicole na ka-eere lamang.

“Lem, andyan ka na pala..ganda pala ng crush mo ano.” sabi ni kuya na ikinagulat ko

“Paano mo nalamang crush ko siya??” gulat kong sabi

“Siya yung nasa scrapbook mo di ba?” sabi ni kuya

“Oo sya nga yun, kuya patulong naman sa design ng lanyard namin.” sabi ko

“Sige,kunin mo muna yung materials.” sabi ni kuya

Malapit kami ni kuya sa isa't-isa kaya naman alam niya na bisexual ako at suportado ako ni kuya, simula nung wala na si papa ay si kuya na yung tumayo bilang tatay ko, siya yung nagbibigay ng allowance ko since scholar ako. Alam na rin ni mama na bisexual ako pero lagi nya kong inaasar na kung bakit wala pa daw akong inuuwing girlfriend sa bahay. Simple pero masaya yung pamilya namin, isang sem na lang at gagraduate na ako kaya naman determinado akong gawin ang lahat maiahon lang yung pamilya namin sa hirap.

Faking It (girlxgirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon