"Ex na nga. Past na. Move forward na tayo," I said. We began walking towards the stairs. 'Di kasi kami mahilig mag-elevator unless sobrang nagmamadali. Una, nakakatakot kapag biglang nawalan ng power tapos na-stuck kami sa elevator. Nangyari na kasi dati, though hindi naman kami iyong na-stuck. Being safe lang. Besides, healthy maghagdan. Exercise na rin.

"At saka masaya naman siya with Andrea, so I'm happy for him," I continued.

Psalm nodded, but he didn't seem convinced with my answer. 'Di ko na pinilit kasi hindi ko naman siya mapipilit na maniwala sa akin kung ayaw niya, e. That's what I learned the hard way about people. Kahit magmakaawa ka pa sa kanila, if ayaw nilang maniwala, wala kang magagawa. Sometimes, they're already contented with whatever story they already formed inside their heads.

Pagdating namin sa baba, dumiretso na kami sa parking since sa sasakyan ni Psalm kami sasakay. After wearing my seatbelt, Psalm asked for the address of the review center. Sinabi ko tapos nilagay niya sa GPS niya.

Habang papalabas na kami ng gate ng school, naghanap ako ng tissue sa dashboard ni Psalm. Dahil wala doon, binuksan ko iyong glove compartment. Agad na kumunot iyong noo ko nung may makita ako na Cartier bangle.

"Kay Ate Maggie?" I asked. I didn't want to assume na kay White Lady itong bangle.

Psalm turned a little to look at what I was holding. He fucking swerved! Muntik na kaming mabangga sa gate!

I frowned, tapos binalik ko iyong bangle sa compartment. Yaman ni White Lady! Nag-iiwan na lang ng Cartier na bangle sa glove compartment ng ibang tao! Siya na talaga!

"She probably just left it," he said.

"Okay."

"I'll return it immediately," he continued.

"Okay."

"Joey..."

"Oh?"

"Are you mad?"

"Bakit ako magagalit? Ano naman kung nag-iwan siya ng bangle dito sa sasakyan mo?" sabi ko. Doon lang ako naka-tingin sa labas. Binibilang ko iyong mga sasakyan na nalalagpasan kami dahil sa kabagalan magdrive ni Psalm dahil naka-tingin siya sa akin. Kapag talaga kami nabangga, makikipagmultuhan ako sa White Lady na 'yun!

"I didn't even know she left it here."

"Bakit ka nag-eexplain?" naka-taas ang kilay na tanong ko kahit 'di naman niya nakikita. Ugh! Nahahawa na ako sa kamalditahan ni Kitty! Dapat ba kwentuhan ko na rin si Psalm tungkol sa problema ko sa bahay?

"Right," Psalm uttered under his breath. Hindi na siya nagsalita pagkatapos nun, which annoyed me even more! At talagang 'di na nag-explain!

Tahimik na lang ako na nanood sa mga nangyayari sa kalsada. Nawala lang ako sa focus sa panonood nung sabihin ng GPS na nag-iba na kami ng way.

"Saan tayo pupunta?" I asked kasi 'di na talaga ito iyong daan papunta sa review center. But Psalm, the annoying broccoli, didn't answer me! At siya pa talaga may ganang magalit!

I was killing him with my glares nang mapansin ko na sa bahay nila kami papunta. Great! Bwisit na nga ako kay Psalm, mukhang makikita ko pa iyong mga taksil na bibe! Napapaligiran na talaga ako ng mga nilalang na nabiktima ng White Lady!

Kakasabi ko lang kay Kitty na 'wag mang-badmouth kay Kia kasi sa amin lang babalik, but what was I doing?! Bakit ang daling magpayo sa iba, pero ang hirap gawin sa sarili?!

"Magpapa-sundo na ba ako kay Manong?" I asked him when we pulled over. "Ang sungit!" I shouted nung iwan ako sa sasakyan. 'Di niya naman ako narinig kasi lumabas na siya.

Lumabas na rin ako sa sasakyan. Pumasok si Psalm sa loob ng bahay nila, but not a minute later, lumabas na rin siya. Naka-kunot lang ang noo ko dahil 'di ko na gets kung ano ang nangyayari.

My forehead creased when he clicked the key fob, and a black Everest roared. "Let's go," Psalm said, opening the door to the driver's seat. Pumasok na siya sa loob nun habang ako, naiwan pa rin sa labas na nagtataka. Did we really go here para magpalit siya ng sasakyan? Nasiraan ba iyong Range Rover niya ng 'di ko namamalayan? Kaya ba kami nagswerve kanina?

"Nasira ba iyong sasakyan kanina?" I asked, still weirded out.

Psalm wore his seatbelt. The car was brand new. May plastic pa nga iyong salamin. Amoy brand new din. At nung sinilip ko iyong sa side niya, ni wala pang ten kilometers tinatakbo nito! Bago nga.

"No," he simply replied. He already revved the engine, at palabas na ulit kami ng bahay nila.

"E bakit ka nagpalit ng sasakyan?"

"Because I don't want to hear you nag about some girl leaving something in my car," sabi niya kaya biglang umawang iyong labi ko. "This car's brand new. No one left anything here. Ikaw pa lang nakaka-sakay na babae," seryosong sabi niya kaya mas lalong umawang ang labi ko. 

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Where stories live. Discover now