MGD 4 - Philippine Airport

Start from the beginning
                                    

"Hoy suplado.." pagtawag ni Iana sa kapatid kong nakapamulsa lang at nakapoker face, "Magpapakabait ka don.." sabi n'ya.

"Why don't you try to say that to yourself thin girl?" napasimangot si Iana sa sinabi ni Tristan.

"Same as you. Suplado talaga yung kapatid mo malds. Sana huwag kayong mag-away sa loob mg eroplano 'no?" inirapan ko na lang si Iana sa sinabi n'ya.

"Trist!" tawag ni Luke sa kan'ya. Nag-angat naman si Tristan ng tingin, busy kasi s'ya sa pagkakatikot ng iPhone n'ya.

"Oh?" bored na tanong nito. Lumapit naman si Luke at sinuntok si Tristan sa braso. "You punch like a girl, dude.." napatawa na lang ako habang si Luke naman ay hindi maipinta ang mukha.

"I really respect a girl like you, dude." pambabara naman ni Luke sa kapatid ko.

"Says the one who punch like a girl. Oh please, get out of my sight before something bad might happen to you Colton." amaze na amaze si Iana habang tinitingnan ang boyfriend n'ya.

"Oh boy, shut your filthy mouth." he snapped. Inilayo ko na si Tristan kay Luke, knowing Luke, maloko din ang isang 'to. Hindi n'ya lang talaga ako malaban labanan dahil mas mautak ako sa kan'ya. Isa pa, uto uto s'ya. Bwahaha!

"And for you stubborn girl, I'm gonna visit your country soon. So see you there.." kinindatan n'ya ako. Pero ako ay umacting na masuka suka. After ilang minuto ay tinawag na ang flight namin, kaya naman ay yumakap na ng mahigpit sa akin yung dalawa. Si Tristan? Umalis na at iniwanan na ako.

Suddenly my phone rings, "God Liam!" I beamed. Sinagot ko kaagad ang tawag n'ya. "Bakit ngayon ka lang nagparamdam?" tanong ko sa kan'ya.

"Hindi naman ako multo para magparamdam.." I heard him chuckled. Ang sarap sa pandinig ng tawa n'ya.

"Pinagtatawanan mo na ako ngayon huh? At kanino mo natutunan na sumagot ng gan'yan?" tanong ko sa kan'ya.

"Sa'yo..kanino pa ba?" tawa parin s'ya ng tawa habang ako naman ay naiinis na. "Ingat ka sa flight mo princess. . W-wait.." nakarinig ako na bumagsak ang phone n'ya at namatay na ang tawag n'ya. Napa-sh*t na lang ako.

Hindi ko pa nga s'ya nakakausap ng matagal ay nawala na kaagad? Holy mother of cows, what happened?

Tinawag na naman ang flight namin kaya naman ay pumasok na ako sa loob, hinanap ko kaagad si Tristan. At nakita ko naman s'ya kaagad, sa tangkad n'yang 'yun ay imposibleng hindi ko s'ya makita.

Umupo ako kaagad sa tabi n'ya, as usual. hindi n'ya ako pinansin. Nagsaksak lang ako ng head phones sa tainga ko, ipinikit ko ang mata ko at hinayaan ang sarili ko na lamunin ng antok.

Nagising ako sa isang malakas na pagyugyog ni Tristan sa balikat ko, unti unti kong iminulat ang mata ko.

"Tss.." nag-cross arms s'ya. Ako naman ay nag-ayos ng buhok at ng mukha ko. Kinuha ko ang foundation ko at ni-retouch ko ang sarili ko. Nag-apply din ako ng shade ng mamahalin kong red lipstick. Inayos ko ng slight ang nagulo kong buhok dahil sa pagtulog.  I think, I'm damn ready.

"Ladies and gentlemen. Welcome to Philippine Airport. The local time is 2:30 in the afternoon and the temperature is 35 degrees celcius. On behalf of the France Airlines and the entire crew. I'd like to thank you for joining us on the trip. We are looking forward to see you on board again in the near future. Have a good afternoon.."

Nagsilabasan na ang mga taong hampaslupa na excited sa paglabas ng plane. Pinauna na naman sila ni Tristan at kami ang kahuli hulihang lumabas.

Isinuot ko ang shades ko at ang sosyal kong hat, paglabas ko ng eroplano ay naramdaman ko na ang mainit na pagtanggap sa akin ng Pilipinas.

Kaagad napaso ang balat ko noong nadampian ito ng naglalagablab na sinag ng araw. Napalingon naman ako kay Tristan na may hawak na payong. Pinayungan n'ya ako ng labag sa loob at nag-umpisa na kaming maglakad papunta sa loob.

Pagpasok namin sa loob ay napalingon sa amin ang mga tao. Ganoon na ba talaga ako kaganda at kagwapo ang kapatid ko? Nagmistula kaming mga head turner. Bawat tao ay napapalingon sa amin, hanggang may lumapit na isang batang babae sa akin.

"I know you.." sabi n'ya. Inikutan n'ya ako at in-inspect, "You are a model right? Ohmygahd! That's you! That's you.." napangiti na lang ako sa batang babae. Kahit hanggang Pilipinas pala ay kilala nila ako, who would have know na marami pa lang nakakakilala sa akin?

"Shh.." sabi ko sa kan'ya at kumalma naman s'ya sa pagsigaw. May kinuha s'ya sa bulsa ng pants n'ya at inilabas ang phone n'ya.

"Pwede po papicture?" she said. Bihira lang talaga ako magpapicture dahil naiirita ako. Mabilis akong mairita. Tumingin ako sa camera at ngumiti.

Hinila naman ako ni Tristan pagkatapos ng pakikipag-usap ko sa batang babae. Tanaw na tanaw ko ang mga nagkakagulong tao sa gate ng NAIA. Kasabay nun ang pagflash ng mukha n'ya sa screen ng tv.

"Terrence Sy is in NAIA. He went there because it has something to do with his caree—" hindi ko na natapos ang pakikinig ko sa tv.

No, this can't be. He's not here..

******
 Masayang makabasa ng maraming maraming comments! Binabasa ko yan eh! Thank youu!

Terrence on the side 

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Where stories live. Discover now