Ang pagpunta namin ni Brent sa grandfair ng school ay ang panghuli naming labas nung nawala si Jonnah. Palagi nalang kaming nasa office nya or sa condo.

Desisyon naman naming dalawa yun para maging ligtas kami sa chismis at hindi ako masyadong makita ng mga tao.

"Sabihin mo malapit na tayo." Sagot nya habang focus sa pagdadrive.

Ginawa ko ang sinabi nya at nagtipa sa cellphone kong latest. Hindi na nagreply si Jonnah dahil narin siguro sa pagod.

"Hi babe." Bati ni Brent kay Jonnah at hinalikan ito sa pisngi. Umiwas ako ng tingin, nagsuot ng sunglasses at lumabas sa passenger's seat para tulungan sila sa mga bagaheng dala nila.

Humalik rin ako sa kabilang pisngi ni Jonnah at nagmano kila Aunt Brenda at Tito Vic. Nagtulungan ang dalawang lalake para ilagay sa pickup ang dala nilang maleta.

"Kamusta ang Hawaii?" Tanong ko kay Jonnah.

Ngumiti sya ng malawak pero halatang bangag, kulang sa tulog at pagod. "Maganda! Sobra. Yun ata ang pinakagreen at malinis na lugar na nakita ko!"

Pumasok kaming dalawa sa backseat, sumunod si Auntie. Sa harapan naman pumwesto si Tito.

"Talaga? "

"Oo! Tska, ang daming gwapo at sexy dun. "

Nakita ko ang paglingon sa amin ni Brent sandali dahil sa sinabi ni Jonnah. Napatingin din ako sa kaniya sa ginawa niyang paglingon. He's very protective of her, yung tipong palaging nakamasid, palaging may alam sa lahat ng ginagawa ni Jonnah.

He used to be like that to me. Noong hindi pa sila ni Jonnah at kami pa ang magkasangga noong college. As I said before, palagi akong hot topic, palaging nachichismis kaya grabe ang protekta niya sa'kin dahil sa kung anong issue ako nasasangkot kahit na wala naman akong kinalaman.

May mga pinakita sya sa aking pictures na ang nasa background ay mga taong nakaswimwear. At totoo nga ang sinasabi nyang maraming gwapo at sexy. Sobrang liberated ng mga tao roon, which is sobrang rare dito sa Pinas dahil halos yata lahat ng galaw mo ay pinagchichismisan.

"May pasalubong nga pala kami ni mama. Galing Hawaii."

Binigay nya sa akin ang bag na kanina nya pa hawak hawak. Dalawa yun actually, kay Brent daw ang isa.

Nagsimulang magmaneho si Brent paalis ng airport at ako ay isa isang tiningnan ang nasa loob ng bag.

Mga branded na chocolate, coin purse, wallet, necklace, at kung ano ano pang mabibili doon.

Magabal ang naging byahe namin, pasulyap sulyap naman si Brent sa rearview mirror at di ko alam kung ano at sino ang tinitingnan nya sa'ming dalawa ni Jonnah.. Maya maya lang ay naramdaman ko ang pagdantay ng ulo ni Jonnah sa balikat ko.

Hinayaan ko lang sya. Siguro sobrang pagod sa byahe. Nakita kong hawak nya ang cellphone na nasa hita nya. Kumunot ang noo ko at kinuha iyon. Alam ko naman ang password kaya inopen ko.

Inuna kong tingnan ang gallery para makita ang pictures nya sa Hawaii. May mga isla silang pinuntahan, snorkeling din at banana boat.

Sunod ay ang messenger. Inuna ko ang messages nila ni Brent at nagbasa. Nakaramdam ako ng konting selos sa pinaguusapan nilang maliliit na bagay at sa sweetness nila.

Bbyquh:
Babe, kain na :)

Peachmuffin:
Ikaw rin babe. I miss you na :(((((

Bbyquh:
I miss you too sugarpiehoneybunch :*

Nagbrowse pa ako at may nakitang interesting na convo nila.

Steal You (YouSeries #1)Where stories live. Discover now