[24]-Si Chase nagseselos?!

3.5K 65 4
                                    

Rikkisia's POV

"Baby~Daddy's here..."

Kanina ko pa pinag-mamasdan si Tam habang hinahalik-halikan at kinakausap ang tiyan kong medyo lumalaki na.

Hindi ko namalayan na 2 months pregnant na pala ako. May 7 months pa para lumabas ang baby namin.

Ano kayang pwedeng i-pangalan?

"Ay,baby.."tawag ko sa atensyon niya. "..anong pangalan nang baby natin?"tanong ko habang may ngiti sa labi.

Umayos naman siya nang upo saka inakbayan ako. Bumuga siya nang hangin saka umastang nag-iisip

"Maria Isabel.."

What the heck?!

"Yuck! Ampanget!"

Tumawa siya nang malakas saka hinalikan ang gilid nang ulo ko.

"Joke lang.."sabi niya at ngumiti. "Matagal ko nang pinag-iisipan 'to e. Gusto ko Rishie Asther Meizzah Quebres-Mendle"sabi niya na nagpa-nganga sa'kin. 

Ang haba!

Pero pwede na din...

"Pwede. Pero..kaya ba nang baby natin na isulat at bigkasin yon? Mukhang mahihirapan ata siya"sabi ko at nag-isip.

"Madali lang yon. RAM na lang,base sa mga First letter nang pangalan niya"sabi niya habang may ngiting sinusupilpil.

Napatawa na lang ako at napa-tango-tango. Okay na din yon. Parang TAM lang.

Siya kasi yung tatay...


Blue's POV

"Kamusta ka na,cupcake?"nakangiting sambit ni Jaycee saka sinubuan ako nang cake.

Ang swee niya talaga. Hihi

"Okay lang ako,honeybunch. Ikaw? Ang tagal mong nawala"nakangusong sambit ko.

Oo ang tagal talaga. Biro mo yon? Last year siya umalis para tumulong sa Parents niya sa London. Bussiness kasi.

At buti na lang dumating na siya. Kasi muntik na akong mahulog sa iba habang mahal ko pa siya..

"I'm not fine..."sabi niya at lumungkot ang mukha niya.

"Bakit?"tanong ko. Lumipat ako nang upuan na malapit sa kanya. Hinawakan ko siya sa braso saka sinilip ang mukha niya. "...wag ka ngang sad"naka-ngusong sambit ko.

"Because I missed you so much..And I'll missed you.."

Ha?

"Cupcake,di ako magtatagal dito. After 1 month,babalik ako sa London para ipagpatuloy yung Bussiness namin. Dad is sick,kaya gusto ko siyang tulungan. I'm sorry"sabi niya at hinalikan ang gilid nang noo ko.

Napasimangot naman ako. Ano ba yan! Aalis nanaman siya? Parang kagabi lang kakauwi niya ah! Tapos after 1 month aalis ulit siya?!

Ms. Maarte meets Mr. SungitDär berättelser lever. Upptäck nu