[19]

3.9K 118 11
                                    


Chapter[19]-Bebe Red

Rikkisia's POV

"Riri. . . Gising na"

Napamulat ako nang may maramdaman akong sumusundot-sundor sa pisngi ko.

"Hmmm"

Tumalikod ako sa pwesto niya saka nagtalukbong nang kumot. Ayoko pang bumangon.

"Wake up. Papasok pa tayo"sabi niya at tinanggal ang pagkakatalukbong nang kumot sa'kin.

"E~inaantok pa ako,Tam"reklamo ko't ngumuso.

"We need to go to school. Kaya tumayo ka na diyan. Come on,Riri"

Mas humaba ang nguso ko nang sapilitan niya akong itinayo at ipinasok sa banyo. Nakaka inis naman e.


—after 30 minutes—

And done! I look fresh! Hihi~

Malamang! Kakatapos nga maligo e. Utak nga Rikkisia. Hindi mo nagagamit e.

Baliw na ata ako. Sinasagot ko sarili ko.

"Riri. . . Are you done? Bumaba ka na diyan,aalis na tayo"

Napalingon ako sa pintuan. "Aye aye,Captain! Hihi~"I said and giggled. Kinuha ko na ang bag ko at isinukbit 'yon sa balikat ko. Okay na ako sa red ribbon na naka-head band sa ulo ko.

Lumabas na ako sa room ko at nadatnan si Tam na nakasandal sa pader. Ang gwapo talaga nang Tamypot ko. Hmmm! Kakagigil!

"Come on"sabi niya saka hinawakan ang kamay ko. Ih~'yung puso koooo! Sasabog na ata ako! Ang bilis nang tibok e!

"Teka,Tam!"pigil ko saka tumigil sa paglalakad.

"Ano?"tanong niya. Bakas sa mukha niya ang pagkairita.

"Maha-heartattack ata ako. . ."sabi ko habang sapo-sapo ang dibdib ko

"Ha?"naguguluhang tanong niya. Tumingin ako sa kanya at ngumiti nang malawak

"Kinikilig kasi ako"sabi ko at ngumiti nang matamis sa kanya. Natigilan naman siya at nakatitig lang sa'kin.

"Tara na?"aya ko at hinila na siya papunta sa kotse niya.



—Harvey Ford Academy—

Welcome me again HFA! Waaaa! I miss being here! Wohooo! Aral aral uliit!


Nandito na ako sa room,hinatid ako ni Tam. Kilig na kilig nga 'yung pito e. Halos maging isang bulati sa kulit. Parang mga baliw.

"So class,may announcement ako. This coming Friday,will be having an Aquintance party. . ."pagkasabi ni Mrs. Dallia 'yon,nagsigawan lahat nang mga kaklase namin.

"Okay,shhhh! Quiet!"pagpapatahimik ni Ma'am saka pumwesto sa gitna at sumandal sa gilid nang mesa. "All girls need to wear gowns and boys need to wear tuxedos. Understood?"dagdag niya. Nagsi-tanguan naman kaming lahat at nagsimula nang magbulungan ang mga kaklase namin tungkol sa Aquintance party na 'yun.

"Okay,good day. Goodbye"sabi ni Ma'am at umalis na. Nagsi-tayuan naman na ang lahat at pumunta sa kanilang mga kaibigan.

"Girl! Anong gown susuotin mo? Buti sumakto 'yung Aquintance kasi 'di pa masyadong halata 'yang umbok nang tiyan mo"mahinang bulong sa'kin ni Seira. Ngumiti lang ako at hinimas ang tiyan ko. "Oy,Rii ah! Ninang kaming lahat!"dagdag niya pa na ikinatawa ko. Nakitawa na rin silang lahat at naupo kami sa ibang pwesto at nagkwentuhan na.

Ms. Maarte meets Mr. SungitWhere stories live. Discover now