[18]

3.5K 95 8
                                    

Chapter[18]- Tampo

Rikkisia's POV

Naalimpungatan ako dahil sa may nararamdaman akong sumusundot sa pisngi ko. Pagkamulat ko nang mata ko sakto namang bumaliktad ang sikmura ko.

Tumayo ako sa kama habang takip-takip ang bunganga ko. Tumakbo ako papasok sa banyo saka dumuwal sa toilet.

"Aaacck!"

Kadiri! Ang pait nang lasa

"Hey,Riri,okay ka lang? May sakit ka ba? Ba't lagi kang nagsusuka?"tanong niya. Nagmu-mog at nag-brush muna ako nang teeth saka hinarap si Tam.

"Morning sickness"sagot ko. Nag-search ako kagabi sa google. At yun ang lumabas. Ganun daw talaga 'pag buntis.

Lumabas na ako nang banyo saka humiga ulit sa kama. Haaaayyy!

"Hey,breakfast is ready"sambit ni Tam at tinabihan ako sa higa. He hugged me and kissed my forehead. Tumango ako at ngumiti.

"Okay"halos bulong na lang na sambit ko. Tumayo na ako at kinusot-kusot ang mata ko habang palabas nang kwarto. Naunang lumabas si Tam,kaya naabutan ko siyang ihinahanda ang pinggan naming dalawa

"Halika na"sabi niya at pinaghila ako nang upuan. Umupo naman ako at nagsimulang sumandok nang kanin.

"Anong ulam? Ba't wala dito?"tanong ko. Nagmamadali naman siyang tumayo at may kinuha sa kusina.

Napahawak ako sa tummy ko. Awww,may baby na kamiii. Haaaayyy! Excited na akong maging Mommy.

"Here you go"napalingon ako kay Tam na inilapag ang...

"Ang baho! Ayoko niyaaan~"sabi ko at tinakpan ang ilong ko. Ba't ang baho?

"Panis na ata yan,Tam e"sabi ko at lumapit sa kanya.

Kumunot ang noo niya sa'kin at inamoy saka nilasahan ang ulam.

"Hindi naman e"sabi niya at hinarap ako. "Hindi panis,Riri."naka-kunot noong sambit niya. Napanguso naman ako

Umaandar nanaman ang pagiging mapili ko sa pagkain. Ang sabi kasi sa google talagang ganun daw ang buntis. Mapili sa pagkain. At yung iba naman,yung dating favorite e ngayon hindi na.

"Ih~gusto ko nang scrambled egg. Tapos fish na walang tinik"sabi ko at nag-cling sa braso niya. Ngumiti naman siya sa'kin at kinamot ang batok niya. Ang kyooooot~

"Riri,yan lang yung nakalagay sa ref natin—ay este niyo pala. 'Di pa tayo naka-grocery e"sabi niya at kinamot ang kilay. Ba't ang kyot niya? Why is that? HAHAHAH

"Oo na! Yan na lang"pag-surrender ko. Bumalik ako sa pwesto ko at umupo nang nakabusangot. Hmp! Ang baho nga e!

Sinandukan niya ako nang kanin at nilagyan rin nang pagkain ang pinggan ko.


"Tikman mo na"sabi niya. Umiling naman ako at ngumuso. Napabuga siya nang hangin at naglagay nang ulam sa kutsara niya.

"Say 'ahhh'"sabi niya. Para naman akong bata diyan sa pinagga-gagawa  niya sa'kin,kaya mas lalo akong bumusangot. Umiling ako sa kanya at iniwas ang mukha sa kutsara

"Come on,Riri. Eat. Nagugutom din si Baby"sabi niya at itinapat sa bunganga ko ang kutsara. Napa-pout naman ako sa sinabi niya saka napahawak sa tiyan ko. Oo nga pala,meron si Baby sa tummy ko. Napabuga na lang ako at sumuko na. Ngumanga na ako at sinubo na ang kutsarang may pagkain na ang baho.

Pinilit ko itong nginuya kahit na suyang-suya na talaga ako.

"Eeee~Tam! Ayoko talaga! Ang baho tapos ang pangit nang lasa!"pagrereklamo ko at ngumuso.

"E di wag! 'Wag ka na ngang kumain!"pagalit na sabi niya saka kinuha ang pinggan ko. Padabog niya ring inilagay ang pinggan naming dalawa sa lababo. Oops~nasobrahan ata sa arte,Rikkisia. Nagalit si haring sungit.

"Uy,Tam. Galit ka?"tanong ko sakanya. Di niya ako pinansin at dumeretso sa kwarto ko. Wew! Pil na pil niya sa kwarto ko ah! Well,ayaw rin naman niya sa guest room,ayaw niya rin sa room ni Kuya—si Kuya pala ang may ayaw. Arte 'non e. Nag-mana ata ako sa kanya-.

Sumunod ako sa kanya sa kwarto. Nakita ko siya 'don na nakahigang nakatalikod sa pwesto ko.

Awtsuuu~tampo naman ang Tamypot koo!

"Uyy~Tam! Sorry na. Ganito talaga 'pag naglilihi"sabi ko na lang. E totoo naman e. Naglilihi ako at madami na talaga akong ayaw. Sensitive na rin ako. Mabilis umiyak. Masyadong emosyonal. Ewan ko ba! Tulad ngayon,naluluha na ako. Suminghot ako at tumabi sa kanya. Niyakap ko siya mula da likod kaya naramdaman kong na-tigilan siya

"Bati na tayo. Tamoo ka naman. E sa ang pangit nang amoy at lasa nang niluto mo e"malambing na may halong inis na sambit ko. Naramdaman ko naman ang pagbuga niya nang hangin at hinarap ako

"Sorry din nasigawan kita"malambing na sabi niya. Ngumiti lang ako at hinimas ang tiyan ko. Tumingin ako sa tiyan ko at ngumiti


"Baby oh! Si Daddy mo,nagso-sorry sa'kin. Hihi~"I said and giggle. Natawa na rin si Tam sa inasta ko.

"Mapili kayo ni Mommy mo,baby. Pero kakayanin ni Daddy para sa inyo"sabi niya na nagpangiti sa'kin. Aww! Ang sweet talaga nitong si Tam! May tinatagong sweetness sa kasungitan niya.

"Syempre naglilihi nga"sabi ko at pabirong hinampas ang braso niya. Ay wow! Eng tegesh!

Dahil sa kakatitig kay Tam,di ko namalayan na nakatulog na pala ako



-------
A/N: short update for you guys. Sorry matagal ako mag update. I'll make it up to you! Ay wow! English! Pinag-aralan ko pa yan! HAHAHA! De joke! Hanuba! Marunong naman po ako...KONTI LANG!

Pinagmamalaki e.

Enjoy readiiiiing! Mwua!


Blackdite

Ms. Maarte meets Mr. SungitWhere stories live. Discover now