[20]

3.3K 90 5
                                    


Chapter[20]- Party 0.1

Rikkisia's POV

"Riri. . ."

Kanina pa siya ah! Naiinis na ako. Kagabi pa siya kulit nang kulit sa'kin na mag-bati na daw kami. Hmp! Bahala siya diyan. Do'n na siya sa Missy niya! Bwisit siya!

Baby,ayaw na ata tayo nang Daddy Tam mo

Hinimas ko ang tiyan ko at ngumuso sa kanya. Hinarap ko siya at pinalo sa dibdib. Ang tigas bes!

"Do'n ka na sa Missy mo! Magsama kayo"bulyaw ko saka tinalikuran siya. May naramdaman akong mainit sa gilid nang mata ko.

Narinig ko siyang bumuga nang hininga saka naramdaman ko na lang na niyakap niya ako mula sa likod. I started sobbing when he kissed my head.

"Sorry na nga po e. Si Missy,pinsan ko 'yon. Ikaw naman kasi,bigla kang umalis. Kilala siya nila Red. Dapat nga ako 'yung nagtatampo sa'yo e"sabi niya at pinatong ang baba sa balikat ko. Nilingon ko siya kaya konti na lang magkakalapit na ang labi namin.

"Nadala ako sa selos e,bakit ba? Atsaka,ba't naman ikaw dapat ang magtampo?"tanong ko at tinaasan siya nang kilay. Kanina nag-iiyak-iyak ako ngayon nagsusungit-sungitan. Mood swings.

"Ba't BebeRed ang tawag mo kay Pula?"naka-ngusong tanong niya at pinaharap ako sa kanya pero still nakayakap siya sa'kin.

"Ih~ang cute cute kaya niya! Hihi~he's sooooooo adorable!"sambit ko at sabay pisil sa pisngi ni Tam na parang si Red. Imagine ko lang.

"'Yon? Cute? Sa'n banda? Riri naman. . . Ako na lang sana ang paglihian mo kesa sa pula na 'yon? Baka maging barumbado 'yung anak natin e"sabi niya at hinalikan ang tungki nang ilong ko. "Bati na tayo,Riri,ah? 'Wag ka na ulit magtatampo at magse-selos. Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko diba? 'Wag mo na ulit gagawin ang isang gabing hindi magpapansin sa'kin. Mababaliw ako"mahabang litanya niya at napangiti naman ako. I cupped his face and kiss him on the lips. Smack lang. How lucky I am to have this man standing infront of me while hugging me tightly na parang sinasabing 'I won't let you go'

"I love you. Bati na tayo"sabi ko at niyakap siya.

"I love you too"sagot niya kaya mas napangiti ako. "Bati na kami ni Mommy,Baby"dagdag niya pa kaya natawa na ako.

DING*DONG

"Buksan mo na,Tam. Tinatamad ako"sabi ko at naupo sa sofa. Haaay! Iba talaga 'pag buntis.

Isinandal ko ang ulo ko sa headrest nang sofa at nag-isip kung anong pwedeng gawin ngayon. Medyo boring e. Mamaya pa naman ang pasok namin. Ah! Oo nga pala. I need to find some gowns. Para sa Aquintance namin sa Friday. Wednesday na kaya ngayon!

Kinuha ko 'yung iPad na nasa tabi ko lang pala. Kay Tam 'to. Gagamitin ko muna,pang-search lang. Hmm,ano kayang magandang kulay?

"Andun oh! Puntahan mo na,dami pang sinasabi diyan e"

Napalingon naman ako nang mag-salita si Tam.

"Ate Trina?"

"Rikksiiaaaaaaa!"

Napatakip kaming dalawa ni Tam sa tenga nang sumigaw si Ate Trina. Yes,I know her. Some of my memories that I remember,she was there with us. Basta. Andun 'yon. I can't remember na rin 'yung iba.

"Hi po,Ate Trina. Kamusta?"tanong ko at ngumiti sa kanya. Lumapit siya sa'kin at mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sa kanya.

"Ate! Maawa ka naman sa baby namin"suway ni Tam.

Ms. Maarte meets Mr. SungitWhere stories live. Discover now