[12]

4K 137 13
                                    

Here's your chapter 12 readers! Hope you like it! And hi kay @lyckasuelto. Di kita ma-mention. Salamat sa pag vote and comment lycka.



Chapter[12]- A day with him

Rikkisia's POV

GOODMORNING PHILIPPINES!

Ngumiti ako at tumagilid. Nanlaki ang mata ko nang makita ang mukha niya.

Oh,naalala ko pala. Dito siya natulog kagabi.

Di man lang naisipan nitong mokong na 'to na lumapit nang kwarto.

Pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha. Well,di naman masama diba?tulog naman siya.

Idinaan ko ang hintuturo ko sa pisngi niya,papunta sa tungki nang ilong niya..

Napatigil ako sa pag trace nang mukha niya ng makita ko ang natural red lips niya.

Those lips...


Nagulantang ako nang hinalikan niya ang hintuturo ko na nakatapat sa labi niya.

"Goodmorning,beautiful"sabi niya at lumapit sa'kin saka mas isiniksik ang mukha niya sa leeg ko.

Nakikiliti ako kasi yung hininga niya nararamdaman ko sa leeg ko.

"Hmmmm. You smells good in the morning"sabi niya saka hinalikan ang leeg ko kaya napaigtad ako.

"Topher,stop doing that! Nakikiliti ako"sabi ko at pilit na tinutulak siya pero mas hinigpitan niya lang ang pagkakayakap niya sakin.

"No"sabi niya at hinalikan ulit ang leeg ko.

Augh!

"Topher..stop"sabi ko at tinulak-tulak siya. God! Ba't ba ang tigas nang ulo nitong mokong na 'to?

"Hmmm. Ayoko. Dito lang ako. Sa tabi mo"

Oh god! Ayan nanaman ang mga matatamis na salita niya. Ito nanaman tayo. Ito nanaman si puso...ang bilis nanaman nang tibok.

Heart please stop!

You can't fall for this Man!

"Topher,magluluto pa ako nang breakfast natin. Please let go of me"sabi ko.

"No! I won't let you. I won't let you go away from me ... again"


What?

Again?

Anong ibig niyang sabihin? Na iniwan ko siya dati? E? Hindi konga siya kilala!

"Topher,I'm not leaving you. Magluluto lang ako! Kaya please,let go of me now"sabi ko at pilit na tinatanggal ang pagkaka-hapit niya sa beywang ko.

"Please..just stay"he is now sobbing. Oh god! What did you do Rikkisia?! "Please stay with me...Hindi ko na kakayanin pag nawala ka na ulit sa'kin,Riri"

Riri...


Napapikit ako nang kumirot ang ulo ko pero saglitan lang ang sakit. Nilingon ko si Topher na ngayong nakapikit at umiiyak.

Oh god!

"H-hey..Topher. Stop crying. God..."pagtatahan ko sa kanya. Nakapikit pa rin siya at umiiyak. Jusko anong ginawa ko?

"Don't leave me,Riri"sambit niya at mas niyakap pa ako.

Gosh!

Hinaplos ko ang mukha niya at niyakap din siya. Kahit labas sa kalooban ko———joke lang———ang ginagawa ko ngayon,kailangan kong patahanin 'tong baby damulag na 'to.

Ms. Maarte meets Mr. SungitDove le storie prendono vita. Scoprilo ora