"Ice ? Ano ba talaga ako sayo ?"
Napalunok ako sa tanong nya .
"Hindi ko alam , Royce . Siguro , noong mga panahong yun na sinabi mo sa akin yang nararamdaman mo , naw-weirduhan pa ako . Pero patuloy ka lang rin kasi lagi na nagpapakita sa akin ng mga bagay na nagpapatunay na totoo nga yung sinabi mo . At dahil sa mga ginawa mo , inakala ko na baka nga gusto na rin kita kahit papaano . . ."
Nakatitig na ako ngayon sa kanya at ganun din sya sa akin . Nagbabadya nang tumulo ang mga luha nya . Pero nagpatuloy pa rin ako . Once and for all , paninindigan ko na ito .
"Pero . . ." Nag hesitate ako na ituloy . Parang natakot ako na baka makasakit ako sa sasabihin ko .
"Pero ano ?"
Tumingin ako sa kanya . "Pero hindi talaga e . Hindi ko nararamdaman sayo yung naramdaman ko noon kay Jed . At hindi ko rin nararamdaman sayo ang . . ."
Kaya ko bang sabihin ?
"Ang nararamdaman mo para kay Chester . Tama diba ?" mapait na ngumiti ito .
Hindi ako nagsalita pero tumungo ako para ipahiwatig sa kanya na oo , tama ang sinabi nya . Siguro , gusto ko si Royce na maging kaibigan . Pero hindi na hihigit pa doon .
Nilakasan ko ang loob ko at humarap sa kanya . "Oo . Ganun na nga ."
Sa sinabi ko ay tuluyan nang nag unahan sa paglandas sa pisngi ni Royce ang mga luha nya .
***
Kumatok ako nang marahan sa pintuan ng unit ni Chester . Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman . Para akong kinakabahan na pinagpapawisan na excited at the same time . Eh ang gagawin ko lang naman ay iabot sa kanya itong binili kong Korean Ramyun noodles na alam kong pabborito nya . Yung totoo , first time ko syang bibigyan ng something na hindi nya hiningi sa akin . Kanina kasi nung mag grocery ako , naisipan kong bumili ng dalawang balot ng Ramyun at ibigay sa kanya ang isa .
Nang bumukas ang pinto ay dumungaw ang ang ulo ni Chester . Ngumiti ito pero mas kapansin-pansin ang malaking black eye nito sa kaliwang mata . Biglang akong napuno ng pag aalala nang makita ko sya .
"Ch-chester ! Anong nangyare sa mukha mo ?" sabi ko habang sinisipat ang mukha nya .
Pinalis nya ang kamay ko . "I know right ? Nabawasan ang kapogian ko ? HAHAHAHA !"
Tinapunan ko sya ng masamang tingin . Ibinato ko sa kanya ang noodle pack .
"Uyy ! Ano to ?" sabi nito na nagniningning ang mga mata .
"Noodles , obviously ." walang gana kong sagot .
Pinitik nya ang noo ko . "Pilosopo ."
![](https://img.wattpad.com/cover/7286830-288-k660994.jpg)
ESTÁS LEYENDO
The Ice Breaker [COMPLETED]
Novela JuvenilFollow Ice , an easy-go-lucky boyish gal as she experience the ups and downs of love and life . *WARNING : If you don't want SPOILER ALERTS , DO NOT . . . I repeat , DO NOT READ THE COMMENTS .* :D
Chapter 38
Comenzar desde el principio