P*t**g *na!!!!!!

14 1 1
                                    

Hello!!!!! Pasensiya na kayo, matagal akong di nag-update, di naman ako busy, sadyang nawalan lang ako nang pag-asa sa libro na to. Lol. Joke na medyo seryoso. Anyway my friends, yeah so eto na mag-a-update na ulit ako sa book na to. And yung isang book ko ewan ko kung anong gagawin don hahahaha. Dudugtungan ko pa din yung story kahit boring na lol. Sooooooooo, tara let's enjoy this next chapter of this book na sooooobrang random.

*********************************

Mic test, hello, hello, mic test.

At exactly 7:47am, sinulat ko ang chapter na to. Pero napaisip ako, ano bang ilalaman ko dito? Hmmh, medyo wala akong maisip, kaya random sh*ts na lang isusulat ko muna habang nag-iisip ako nang may sense na topic.

At kung mapapansin niyo, censored yung sh*t hano, bakit? Wala, cool tingnan e hahaha. Wala akong hinto sa pagmunura sa personal na buhay, oo, pero it's not offensive. Ewan ko, may mga tao ata na maiirita sa "way" nang pagsasalita ko, pero wala e. Anong magagawa ko? Hahahaha.

Pero naka-encounter ako ng isang kachat na ganoon din, mura din nang mura (madalas ako sa chat apps). Pero iba siya, like yung pagmumura niya, mayabang ang dating, nakakainis, nakaka-offend. Di ako biased sa sarili ko pero naobserbahan ko naman din na yung ibang mga kachat ko lalo sa GC (group chat sa mga may hindi alam.) eh hindi sila nagagalit everytime na nagmumura ako, at natatawa nga pala sila. So mabalik tayo sa kay ate na ka-chat ko. Yun na nga nakaka-offend yung chat niya at yung way she handles things kapag may hindi siya gusto sa nabasa niya, eh nakakairita.

Chatmate 1: luh, deathnote

Si ateng: bakit? Anong luh sa deathnote?

Me: baka naman kasi favorite niya din yung deathnote kaya na-surprised siya kumbaga.

Si ateng: di mo dapat nila-luh ang deathnote!

Galit teh? Hahahaha anyhow, nakwento ko lang naman, kasi ayun nga parang ang simple ng bagay nag amok na siya. Well di ko na idadagdag yung other conversation namin kasi, wala namang mapapala.

So sa dinami-dami ng topic, bakit pagmumura? Ewan ko, yun yung lumabas sa utak ko e hahaha. Pero, yeah, naisip niyo ba kung ano ang significance nang pagmumura? Bakit meron nito? At ang totoong gamit lang ba nang pagmumura ay para manglait o mang-inis nang kapwa? Gandang tanong di ba? Sige subukan nating sagutin yan.

*20 minutes later*

So, nakaka-triggered hahahahaha!

Well, sinubukan kong magresearch about sa pagmumura at syempre puro negative ang lumabas.

Pero sige, oo, masama magmura, pero may masasabi din naman ako na kahit papano nakakatulong ang pagmumura. Pero let's focus sa mga nabasa ko muna, eto yung mga bagay na nahanap ko sa internet.

Mga sinasalamin daw kapag ang tao ay nagmumura:

1. Masama kang tao.
So kapag nagmura agad ay masama ka nang tao? Kahit once ka magmura? Oo siguro may mga tao dito na hindi nagmura simula nung ipinanganak sila pero, is that enough na tawagin silang mabuting tao? Likewise, sa mga taong simula pinanganak ata e nagmumura na, maituturing na din natin silang, masamang tao? Personal opinion, hindi, at wala kang karapatang manghusga nang katauhan nang isang tao base sa itsura, anyo, o kilos niya.

2. Nagpapakita ng kababaan ng talino.
Okay, okay, so kapag nagmura, bobo agad? Easy lang mga pre. Hahahaha, natitriggered ako na natatawa. Pero sige ganito na lang, alin ang mas nakakababa nang talino, ang magmura o ang husgahan ang kapwa na "mababa ang talino mo dahil nagmumura ka?" Ekis doy. Next!

3. Pagpapakita nang "immaturity".
Okay dito medyo, 50-50 boto ko, pero, ang mali dito ay, karamihan sa nagmumura matatanda na ho. Hindi ko nilalahat pero pansinin niyo, yung iba medyo spanish pa magmura, hahaha. Pero, medyo tama din kasi madami ng mga bata ang nagmumura e, pero bakit sila natututong magmura? Syempre, dahil sa ating matatanda.

4. Nakakawala nang simpatya.
May mga tao kasi na kapag nakaranas nang kabiguan sa buhay, sa sobrang sakit ay napapamura sila. Siguro masasabi ko dito, depende sa sitwasyon. Kapag ang isang tao ay nagmura dahil sa galit at hindi hinagpis, masasabi kong oo, nakakawala nang simpatya, pero kapag ito ay pinaghalong galit at hinagpis, nako, talaga naman, parang ikaw mismo yung gustong gumanti para sa tao na yon.

Sa totoo lang, ang dami nito, pero ito yung top 4 na pipiliin ko, kasi dito sila nagkakatulad.

So yeah, nakuha ko, di natin nasagot yung tanong ko. Hahahaha! Sasagutin ko yung mga tanong na yon sa sarili kong opinyon.

Una, para sa akin ang pagmumura ay pagpapakita nang isang bagay, pangyayari, o ideya, sa eksaheradong pamamaraan. Yes, ginagawa ko to, kapag nagkukwento ako, para dama nang makikinig di ba? Medyo masakit man sa tenga nang iba e, kapag exaggerated ang pagkukwento di ba nakakalibang? Mapapahinto ka talaga para pakinggan ang kwento at sa huli mo na lang malalaman na, ang topic lang pala e lugaw.

"Tang ina pre hano, dun sa kanto, puta! Babalik-balikan ko yung bwaka ng inang yon."

"Oo nga pre, sarap nang lugaw don e."

Haha! Tipong mapapahinto ka sandali kasi akala mo away. Langya, lugaw pala. Hahahaha!

Para sa akin, ang pagmumura ay isa ding paraan para ilabas ang nabubulok mo nang emosyon na pagkatagal-tagal mo nang kinimkim. Or kahit hindi matagal, basta paglalabas yan nang emosyon, kapag di mo na kaya. Eto na siguro yung pinaka mahalagang gamit nang pagmumura so far. Lahat tayo ay nagdaan dito, kahit gaano ka pa kabait, aminin mo na may pagkakataon na nagmura ka na. Kahit isang beses lang, at kung hindi naman, malamang di mo pa naexperience ang pinakatuktok nang emosyon mo, whether negative emotions, or positive emotions. Pero for me mas lumalabas ang pagmumura sa negative emotions, lalo kapag sobrang sakit, sobrang lungkot, o sobrang galit na.

Masasabi kong isa pang gamit nang pagmumura ay para magmukhang astig. Oops! Oo, tama, umamin na ang iba sa atin, kaya tayo nagmumura ay para magmukhang astig, o tunog astig. Umamin man kayo o hindi, magviolent reaction man kayo o hindi, wag niyo nang ikakaila na isa talaga to sa dahilan o gamit kung bakit kayo nagmumura. Ako? Hmmh, di. Di naman kasi ako nagpapakaastig hahaha. Pero naging sistema ko na kasi ang pagmumura kaya ayun, nasasabihan ako nang astig, lol (kahit boses bakla.)

Ginagamit ko din ang pagmumura bilang "fillers". Kainis hano? Hahaha kaso ganyan ako minsan. Para humaba yung sasabihin ko lalagyan ko nang mura yung pagitan nang sasabihin ko. Minsan nakakairita din pero nagagawa ko siya "unintentionally". Since part na siya nang system ko minsan talaga e bigla bigla ko na lang nasasabi hahaha. Eto na siguro yung pinakawalang kwenta na gamit sa mura. Yung pinaka walang sense at pinakabasurang gamit nito.


And last but definitely not the least, and masasabi ko na sa lahat siguro nang gamit nang pagmumura ay eto na yung pinaka-negative. Ito ay yung mang-insulto nang kapwa. Yes, kapatid, minsan sa buhay natin, o sa akin lang siguro, o bahala na kayo, e nagawa na natin yon. Magmura para mang-insulto nang kapwa. Eto na din kasi ata yung pinaka dahilan kung bakit naimbento ang pagmumura, ayoko magresearch kung saan nagmula ang pagmumura, ayoko ding magresearch kung kelan ito nauso, basta alam ko ito yung pinaka original na gamit nang pagmumura. Hindi man ito totoo, pero yun yung pakiramdam ko. HAHAHAHAHAHA!

Hay nako, hahaha eto na nga. Sana ay nagkaroon nang sense ang pinagsasasabi ko dito, hahaha. Kahit na tungkol sa pagmumuta ang topic ay sigurading may sense pa din ito. At tandaan niyo na karamihan sa mga nasusulat dito ay sariling opinyon ko lamang, kung may opinyon kayo, pwede ninyong gamitin ang comment box, or kahit ano, bahala na kayo. Hahahaha.

Hanggang sa muli nating pagkukwentuhan mga kaibigan. Bye bye!!!!

I have NOTHING to WriteDonde viven las historias. Descúbrelo ahora