Chapter 1

58 4 3
                                    

Do we even need a chapter for this? Lol.

"Do not take life too seriously. You will never get out of it alive."
-Elbert Hubbard

Hello friends. Oo, feeling close ako. Hahaha. Sana you will take time to read this, lalo na kapag bored ka.

Gusto ko lang nang may makausap, yung tipong, magbabasa lang kayo, at since gawa ko to, well, wala kayong choice kundi magbasa lang (pwede ba i-disable yung comment button dito?).

Anyhow (na manok), kamusta naman kayo? I hope you are doing great today, if hindi naman, tara samahan niyo ko, talon tayo sa bangin, or sa tulay,bsa building, or talon tayo sa new year nang tumangkad naman tayo.

Di ko alam kung paano sisimulan ng maayos to, I mean baka all through out ng book na to panay random stuff lang masulat ko dito, so random na baka isang chapter may 10 topic na mapag-usapan.

Just to explain, the way I wrote this kasi, kung ano lang lumabas sa isip ko, parang ngayon, very random, basta isulat ko lang nasa isip ko. At wala akong idea kung maganda ba tong i-publish sa Wattpad. Baka kapag nabasa nang Wattpad to burahin na lang bigla, lol. (Cries)

My friends, (feeling close nga) kapag nabasa niyo to, o kahit mawaglitan lang nang mata niyo to, tanggapin niyo na, na kaibigan niyo ako. Wala kayong magagawa lol. I need friends. (Forever alone)

Speaking of friends, we all have that one friend na talaga namang tagapakinig lang. Tipong kahit anong sabihin mo, and I mean kahit aaannnooonng sabihin mo, eh makikinig lang siya. Kahit tinatanong mo na (tamaan wag magalit).

Pero syempre, minsan, iintindihin din naman natin sila. Baka may problema din sila, tapos nagsabi ka ng problema mo, ayun, dumagdag ka, kaya napatulala na lang siya, napaisip ng malalim, pamaya-maya napabuntong hininga, at biglang nagpaalam na aalis na. (Ganyan ako minsan) Kaya naman dapat he sensitive din.

Imbes na puro sama ng loob ang sabihin mo, why not, mag enjoy kayong dalawa? Tipong kapag medyo may pera kayo labas kayo, (talking to myself), kapag naman wala kayong budget kahit mag ihaw ihaw kayo sa labas (still talking to myself) or kung ano lang trip niyo like MOBAs, chick hunting (sa lalake) hunk hunting (sa babae), or magnetflix kayo, and chill, no, hindi yon, yung totoong magnenetflix kayo, saka magchichill ganun. Whatever you are doing in life, lalo na't problemado ka, dapat may katuwang ka sa buhay, may kaibigan ka. Ika nga "no man is an island", kahit di ka msyadong friendly, siguro naman meron kang mangilan-ngilan na friends, yung tinatawag mo kapag may problema ka, yung kinakausap mo kapag masaya ka, at yung inaaya mo kapag may gala ka.

"Friend may date ako sama ka ha, reto ko sayo"

Ka-date: "Ouch!"

Of course, of course, of course mga kaibigan, eh kahit papano kasi yang kaibigan mo eh may problema din (kagaya nga nang nasabi ko kanina.)

Kasi lahat naman siguro ng tao may problema hano, lahat ng tao may hinanakit sa mundo, depende na lang talaga kung paano mo yon dadalhin, tama, kung papano mo dadalhin, ang dalas kong madinig yan, sobra. Pero eto tandaan mo, never ever tell someone na ang babaw niya, NEVER!!! (OO GALIT AKO). You need to understand na ang mga tao, may kanya kanyang kalakasan yan, may iba't ibang level ng pain tolerance ika nga. Hindi porket madali lang sayo makamove on kapag nawalan ka ng sampung piso, eh madali na din sa kaibigan mong mawalan ng sampung piso, gets mo yung logic?

"Pre bakit ka umiiyak?"
"Nawalan ako ng sampung piso pre"
"Hah? Sampu lang?"
*kumuha ng baril*
*Bang!!!
*binaril sa ulo yung kaibigan*

I have NOTHING to WriteWhere stories live. Discover now