"Aray naman!" inis na sabi ko sabay napahimas sa noo ko na pinitik ni Kaizer. "Bakit ba napaka-sadista mo huh?!"

"Ako pa ngayon sadista huh?" bagot na sabi nya sabay upo sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Tita pahingin din po ako ng pancake."

"O, sige sandali lang!"

Isa pa 'to sa mga ginagawa ni Kaizer.

Magmula nung makauwi na ako sa bahay mula sa ospital, lagi na syang pumupunta sa bahay ng mas maaga para makakain sya ng breakfast sa amin tapos sabay kaming papasok sa school.

Tsk! Kawawa naman kami. Nadadagdagan yung pinapalamon namin sa bahay.

Ilang sandali pa, natapos na kami sa pagkain namin sabay lumabas na kami sa bahay at naglalakad na papasok sa school. Ilang minutong lakaran lang naman yung layo ng school sa bahay namin eh!

Habang naglalakad kami, bigla na lang nagsalita si Kaizer.

"Sigurado ka na ba na gusto mo ng pumasok?"

Napansin ko yung pag-aalala sa boses ni Kaizer pati na din sa mukha nya nang mapatingin sya sa akin.

Pinilit ko na lang ngumiti sa kanya para hindi awkward saka para hind imaging madrama yung mood ko ngayong umaga. Malas yun sabi ng Chinese.

"Kahit na ayoko ko na talagang pumasok sa school, kailangan ko pa ding pumasok. Responsibilidad ko iyon eh! Estudyante pa din naman ako kahit na na-ospital ako. May tungkulin akong mag-aral at tapusin yung taon ko sa school."

"Pangmatalino sagot mo ah? Aba! Tumatalino ka na, TG!"

"Inaasar mo ba ako?" tinapunan ko sya ng masamang tingin.

"Bakit? Naasar ka?" sabi nya sabay ngisi at taas ng kilay sa akin.

"Hindi." sabi ko sabay taas din ng kilay sa kanya. "Alam ko naman kasing matalino ako eh!"

"Pffft!" biglang natawa si Kaizer sa sinabi ko. "Hahahaha!"

"Bakit?! Anong nakakatawa?!"

"Sinabi mo kasing matalino ka....pfft!" tapos natawa na naman sya. "Grabe ka talaga, TG! Ikaw talaga laging nagpapasaya sa akin sa umaga. Hahaha!"

"Sige! Tawa pa! Sana mabilaukan ka—"

"Ano ba?! Itigil nyo na yan!"

Nabitin sa lalamunan ko yung iba ko pang sasabihin nang marinig ko yung boses ni Margaret. Nagulat ako na nasa school na pala kami at nasa may entrance na ng school building namin.

"Itigil nyo na nga sabi di ba?!"

Nahinto ako sa paglalakad at pinanood si Margaret na mag-alis ng mga tuyong dahon sa buhok nito.

'Anong nangyari sa kanya?' sa isip ko.

"Para 'yan sa paggagamit mo sa amin, bitch!"

"Oo nga! Ikaw pala ang malandi dito eh!"

"Dahil sa'yo nagalit sa amin si Prince! Kaya hetong sa'yo!"

Napanganga ako nang makita ko yung mga babaeng classmate ko na pinagbabato ng tuyong dahon si Margaret.

Si Margaret Torres, yung Queen Bee at ultimate bully sa Eastton, pinagbabato ng mga dahon?! Imposible!

"Isa! Ano ba?!" inis na tili ni Margaret habang pinipilit nitong takpan yung mukha nito mula sa mga lumilipad na tuyong dahon papunta sa kanya.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon