Chapter 15

4.8K 367 32
                                    

"Wag mong pisilin diyan... nakikiliti ako." sabi ko sabay kislot. Nagpatuloy sa pagpisil dito si RJ at napangiwi ako.

"Don't move too much." he warned me and moved to the left foot and massaged it. Agad akong pumiksi dahil masakit!

Nang lumabas ako kanina sa kwarto ay hindi ko alam na madulas pala ang sahig at nadulas ako. I think I sprained my ankle and RJ helped me to ease the pain. Pero ayaw mawala ng sakit.

"I think we should go to the hospital." aniya at agad tumayo. Pinigilan ko siya gamit ang paghawak sa kamay niya at umiling.

"Ayaw ko, okay lang ako dito. Lalagyan lang natin ng hot compress at magiging okay na ito." I said and sat down the bed. He sighed and went outside to get the hotbag para ilagay sa paa ko.

Overprotective as always. Napangiti ako at tinignan ang picture namin nung kasal. I cannot help but giggle and smile. I feel so lucky. Like, the luckiest bride ever. Syempre mas swerte ako kung mahalin din ako pabalik ni RJ. I'm not really in a rush. I just want him to remain caring and understanding kagaya ngayon. Kuntento na ako sa ganon.

Nang pumasok siya ay iniangat ko ang dalawa kong paa sa kama at nilapat niya ang bag sa gilig ng paa ko. It felt good. Nababawasan na ang sakit pero hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Nagpadala na lang siya ng pagkain kay Nana Delia at parehas kaming sumalampak sa kama. Ngayon ay nanonood lang kami ng Spongebob Squarepants--RJ's favorite.

"Nga pala," I mumbled while we're busy eating the popcorn on his lap. "Kamusta pala si Trisha? Is she still working sa firm? Hindi ko siya napansin nung lumipat ako."

Tumango lang si RJ na nakapako ngayon ang tingin sa TV. "Hindi ko na alam. Nung sinabihan mo ako na may gusto sa akin 'yun, umiwas na ako." aniya at kumuha din ng popcorn.

Ngumisi ako at sinundot ang baywang niya. "Uyyy... mabait na asawa." I giggled and leaned onto his shoulder. Nilapat niya din ang kanyang tenga sa aking ulo. Suddenly, spongebob looked so romantic.

"Mabait naman talaga akong asawa. Willing nga akong magpatali." aniya na parang wala lang.

"Asus. If not for my parents and your Daddy malamang babaero ka pa din." I rolled my eyes.

"If not for your parents, wala ka dito ngayon sa tabi ko." he looked at me and winked. Galing talaga bumanat pag dalawa lang kami. Palibhasa nasanay na asarin ako. Hindi ko na siya pinansin at nagpaalam nang maliligo dahil late na rin naman. Tinulungan niya ako papasok ng banyo. Siya pa ang kumuha ng mga underwear ko na parang normal lang niyang ginagawa.

Hindi ko alam pero doble ang nerbyos ko ngayon. Ngayon lang talaga kami maiiwang dalawa after the marriage and the honeymoon kaya medyo tensyonado ako. Pinilit kong ayusin ang pag-iisip ko dahil pakiramdam ko, hindi ako makakatulog ngayong gabi. Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang naiapak ko ang na-sprain kong paa, causing me to land on my butt.

Damn, it hurts! Halos mapaiyak ako sa sakit nang biglang bumukas ang pinto. I immediately covered my boobs dahil nakaunderwear lang ako ngayon. Ang asawa ko naman ay parang walang pakialam na nakahubad ako ngayon at agad dumalo sa akin para alalayan ako.

"Are you okay?" his voice thick with concern.

I nodded, unable to process the things happening right now. Nakahubad ako sa harap ng asawa ko at parang wala lang siyang nakikita.

"Let's get you out of here, Maine." aniya at binuhat ako ng bridal style, causing me to unwrap my breast at kumawit sa braso niya.

"Uhm... I am naked?" sabi ko sa kanya habang buhat buhat niya ako.

"I saw that already. Yesterday." aniya at inihiga ako sa aming kama bago pumasok sa aming walk-in closet. Inabutan niya ako ng damit na agad ko namang sinuot. Agad niyang sinuri ang namamaga kong paa at napamura siya.

"Lalong namula. We should get it checked tomorrow, Maine." The way he looks right now, I definitely cannot argue. So I nodded.

"I'll file a leave tomorrow, sasamahan kita." aniya at umupo na rin sa tabi ko.

"You have a trial tomorrow, di'ba?" I asked when I remembered something. "Teka, you saw me naked? Yesterday?"

He nodded, na parang napakasimpleng bagay lang ng tinatanong ko. Lahat ng dugo ay umakyat sa pisngi ko at agad akong humiga at nagtalukbong ng kumot.

"You're such a perv, Faulkerson!" I screamed.

"Hey... nagsuka ka sa damit mo. Alangan namang pahubaran kita kay Sam at Kris? Asa sila. And you don't have to be shy. Makikita ko naman na sila anytime soon." Damn this pervert!

"Ah basta. manyak ka!" sagot ko pa rin sa ilalim ng kumot.

He chuckled and removed the blanket that I used to cover my face. Tinignan ko ito ng masama. He seemed unaffected. In fact, he finds this humorous!

"Don't be shy, wife. You have a very wonderful...uhm... valleys." he laughed and hugged me from the back. "Bati na tayo. Hindi ko naman sinasadya yung kanina. Malay ko bang nakahubad ka pala."

Lumabi ako at tinignan siya. He reciprocated my stare until I felt his gaze turn darker. Napalunok ako at lumingon na lang sa baba just to divert my attention from his blazing eyes. Noticing my awkwardness, hinawakan ni RJ ang baba ko at marahan akong hinalikan sa labi.

***

Alam niyo na sa next chapter uhm... Rated 18. Hahahaha


Thank you for the votes, reads and comments! Number 39 na po tayo sa fanfic category (wait 39 ba o 29 di ko na tanda hahaha)

Careless (MaiChard) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon