Chapter 11.

4.4K 352 24
                                    


"Maine, do you want to eat shrimps?" agad na tanong sa akin ni RJ habang kumakain kami ng dinner.

Agad akong umiling at tumuhog ng isang pirasong lettuce at agad nginuya, na ikinanguso ni Kris.

"Maine," aniya, "You're eating herbs again."

Dumila ako sa kanya at nagpatuloy sa pagkain ng salad. "I cann't eat seafoods ngayon. I'm watching my weight." Sumimangot ako at agad nilagyan ng apple cider ang lettuce na kinakain ko.

"Ano ka ba, fat-burning din yung gagawin niyo mamaya." Sabi ni Sam na busy lantakan ang balat ng lechon ngayon.

Tumawa ng malakas si Kris at agad namang siniko ni RJ si Sam.

"Gago ka, Sam. Wag ka ngang maingay dyan." Sagot ni RJ. Ngumisi si Sam sa akin sabay kindat.

Huh? Mage-exercise ba kami mamaya? I immediately dismissed the thought at nagpatuloy lang sa pagkain. Halos napuno ang table namin ng halu-halong pagkain na in-order pa nina Sam dahil gusto raw nilang magcelebrate. Iba't-ibang klase ng lutong Pinoy ang nakahain ngayon. Since the three guys are big eaters, naiwan sa akin ang mga gulay na in-order nila.

Pinaglalaruan ko ngayon ang aking plato dahil nawalan na ako ng ganang kumain dahil three girls are currently eyeing our table at naghahagikgikan. Nakataas ang isang kilay ko ngayon although hindi ko alam kung nakikita ba nila dahil malayo sila sa amin.

I have eagle eyes, you know.

Hindi ko alam kung nakita ba ni Kris na tinitignan ko ang mga babae sa table na iyon pero ngayon ay pinag-uusapan nila ang tatlong babaeng nakatapis lang ngayon ng roba.

"Look at that bust, Sam." Bulong ni Kris sabay turo nito sa table ng mga babae. Agad lumingon doon si Sam, causing the girls to wave at our direction.

"Yeah..." Sam replied absentmindedly. Nginitian naman nito ang mga babae at ang isa sa kanila ay tumayo, papalapit sa table namin. I gritted my teeth and continue murdering the last piece of lettuce on my plate.

Nang nakalapit ang babae ay agad tumayo si Kris para kuhaan ito ng upuan. The girl sat beside RJ and the wench smiled at my husband shamelessly.

"Hi," her high pitched voice irked the hell out of me. "My name is Brittany. Kanina pa naming kayo napansin, thankfully your friend here noticed us."

Tumango si RJ at bumalik sa pagkain which earned a smile from me. Good job, husband!

"What brings you here, Brit?" tanong ni Sam gamit ang malalim niyang boses.

Yeah, he normally uses that tone when hitting on a girl. Narinig ko na 'yan, ilang beses na.

"Oh nothing, just want to meet you guys formally." She giggled and extended her hand. Agad itong tinanggap ni Sam at Kris. Samantalang hindi naman interesado si RJ na ngayon ay iniinom ang kanyang juice.

Siniko siya ni Sam para lang tanggapin ang kamay ni Brittany. "Nice to meet you," walang buhay niyang sabi.

"Thanks," she breathed dreamily.

And to my disappointment, parang di naman ako nakita ng babaeng ito at hindi na nag-abala pang magpakilala sa akin!

"So we're going to hit the club tonight, do you guys want to go with us? We'll reserve a seat for you." Malanding sagot ni Britanny.

Agad tumango si Sam at Kris at nagplano na na sasama sa kanila. 

"Ano RJ, sama ka?" Tanong ni Sam.

"No thanks." Malamig na tugon ni RJ. "Busy kami ni Maine mamaya. Right, wife?" he asked again, causing Kris to cough.

"Ah...uhm... O-oo." nagdadalawang isip kong sagot. Kasi wala naman kaming plano ngayong gabi except matulog? Maybe he has other plans?

"What a waste, maybe you and your girlfriend can join us?" Brittany asked sweetly. Hindi ba niya narinig na 'wife' ang tawag sa akin?

"Do you want to party, Maine?" RJ asked me again while leaning on my shoulder. Nagpapababy na naman.

"I think I want to..." makahulugan kong sagot. I also want to party here sa Boracay. But I guess I'll ask RJ not to be with the girls for my sanity.

"Alright. We'll go, then." RJ said with authority.

"Great! That sounds like a plan." Agad tumayo si Brittany at bumalik sa kanilang upuan. Nakita kong nagbulungan silang tatlo at nagtilian.

Ugh. Haliparots.

Nang natapos na kami sa pagkain ay agad din kaming umakyat para magpahinga muna saglit. Meron pa kaming apat na oras bago ang pinagkasunduang time nina Sam para lumabas kaya lahat kami ay nakalampak ngayon sa sofa, eating chips. 

Daig pa ni Sam ang babae dahil naghahanap siya ngayon ng maisusuot para sa party mamaya. Talagang pinaghahandaan ng kumag ang party mamaya. Napailing ako at tumayo upang kumuha ng panibagong chips sa fridge.

"What are you going to wear tonight?" RJ asked lazily. Nakaupo siya ngayon sa pang-isahang sofa at nakahilig ang balikat sa sandalan ng upuan.

"I still don't know," I replied honestly. "Wala pang pumapasok sa isip kong susuotin. I'll just wear something comfortable. Foam party mamaya di'ba? I asked.

Well, I think I'll wear shorts and pair it with a sweetheart top.

Tumango si RJ at in-open ang TV. Agad naman akong dumiretso sa aming kwarto para magplano na rin ng aking susuotin. Nang nakapili na ako ay nagpaalam na akong mauuna sa banyo dahil...well, matagal akong maligo. After an hour, agad na akong nagsuot ng roba at sinenyasan sina Sam na maligo na.

Napatayo si RJ at lumapit sa akin. "Are you wearing something inside?" he whispered.

Agad akong umiling. "Kalalabas ko lang ng CR."

He tsked and dismissed me already. "Wear something that covers you, alright?"

What's with Manong RJ today?

----------

CH11! :D I'll appreciate it so much if you leave comments (and votes) for this chapter hihi! Have a nice Sunday, guys!

PS: Monday na bukas TT^TT

PPS: Nakakatamad magtrabaho :'(


♥ Lots,

Lovely 

Careless (MaiChard) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon