Voice 044 [The End]

395 14 0
                                    

Kevin...

Iyon ang pangalan niya. Best friend ko. Na naging first boyfriend ko rin.

...

P-Patay na siya...

(sniffs)

...

Kaya ko binigay sa kanya ang recorder na ito e dahil nararamdaman kong may hindi siya masabi. Kilala ko siya mula pagkabata. Hirap siyang masabi ng nararamdaman niya. Hindi niya kayang ilabas ang saloobin niya.

...

Anxiety...

Kevin bakit kailangan mong magpatalo dyan? Naiindintihan ko naman ang dahilan mo kaya ka nakipag-break sa akin. Masama lang ang loob ko talaga nang araw na iyon. Pero sana hinintay mo man lang ako. Di mo ako ma-contact dahil may walanghiyang nagnakaw ng cellphone ko. Hindi kita iniwan. Hindi kita iniiwasan. Kailangan ko lang magpalamig ng ulo bago kita ulit kausapin.

(Sniffs)

Kasalanan ko ba to lahat? Pinalala ko ba ang anxiety mo? Kevin, bakit?!

...

Nang sinabi kong mahal kita... Mahal talaga kita. Hindi ko iyon sinabi dala ng awa o kung ano pa man. Mahal kita. Kaya nga nasaktan din ako nang makipag-break ka sa akin.

(Sniffs)

Kevin masama ang loob ko. Bakit mo ako iniwan?

...

Ang sakit.

...

Parang binibiyak ang dibdib ko sa sama ng loob.

...

Bakit mo kinakailangang magpakamatay?

...

Makasarili ka, Kevin...

...

...

...

(Heavy breathing)

Sorry. Hindi ko dapat sinabi iyon. Nasaktan lang ako. Nadala lang. Tao lang, nasasaktan. Hehehe.

Kevin... naniniwala ako sa afterlife. Nasabi ko na iyon sa iyo dati pa, hindi ba? Naniniwala pa rin ako hanggang ngayon.

...

Naniniwala at umaasa na sana sa susunod nating buhay, magtagpo tauo ulit.

...

P-Pero ibang sitwasyon. Yung mas mabuti. Yung tatanggapin tayo sa lipunan. Wala akong pake kung pareho tayong lalaki. O kahit babae pa. Kung ano ka, mamahalin pa rin kita.

Ikaw lang talaga ang mahal ko. Wala nang iba. Ikaw lang.

(Cries)

Hindi ko man lang nasabi sa iyo sa huling pagkakataon na mahal na mahal kita...

(Cries)

...

Dapat siguro...

Dapat siguro...

...

[Thud!]

...

...

...

...

...

...

...

...

...

[sfx: DOOR OPENING]

[Car-- CARLO?!]

[CARLO!!!]

[Anong nangyayari dito?]

[Tawagin mo si Dad! Ihanda niya ang sasakyan!]

[sfx: noise of panicking people]

...

...

...

...

...

...

...

...

Left Untold [BxB | FIN✔]Where stories live. Discover now