Voice 012

662 25 0
                                    


Hello? Kirby nga pala. (Whispers) Wag ninyo akong isusumbong kay Kevin na pinakilaman ko ang recorder niya, ha?

(Laughs loudly)

Ang landi ng mag-best friend, 'no? Kung straight ako, for sure, mandidiri ako sa kanila. Kaso bi ako at aaminin kong kinilig ako sa kanilang dalawa.

Actually, crush ko si Kevin. Alam naman niya iyon at wala lang sa kanya basta wag raw ako manga-aura. Sabi ko, okay. Hehe.

Ako nga pala 'yung tinutukoy ni Carlo na masama ang titig sa kanila. Nako, walang kahulugan iyon. Saka ang alam ko, nagpipigil ako ng kilig habang nakatingin sa kanila. Sa totoo lang, pwedeng-pwede talagang maging sila.

Pero pwede rin namang kami na lang ni Kevin tutal may nililigawan si Carlo at ibinilin niya sa akin na alagaan ko muna ang best friend niya.

Oh, di ba? Ang sweet lang? Pero wala. Mas bagay kami ni Kevin. Lol. Pero joke lang iyon.

Sige, off ko na to. Baka dumating na si Kevin. Inutusan kasi ng mama niya na mamili ng patis yata. Ewan. Basta, dito na lang ako makikikain ng dinner saka matutulog. Sleepover ba. Ang haba kasi ng assignment namin. Nagra-rush pa kami dahil bukas na yung deadline.

PS lang... feeling ko, walang pag-asa si Carlo sa nililigawan niya. Ewan ko ba bat hindi niya nahahalatang pinapakisamahan lang talaga siya ng babae. Manhid siguro, ano?

Isa pa, hindi rin siguro niya napapansing nalulungkot si Kevin kapag naiiwan siya o kaya nakikita niyang kasama ni Carlo 'yung babae.

Straight ba si Carlo? Feeling ko hindi.

(SFX: Door opening)

Oops, nand'yan na siya.

Left Untold [BxB | FIN✔]Where stories live. Discover now