Shhh! Sa atin lang ito, ha? Mayroon akong picture sa family pictures nila Kevin. Nilagay ng mama ni Kevin. Cute ko daw kasi tsaka lagi naman akong nandito sa bahay nila Kevin kaya para na rin n'ya akong anak.
Saka ganyan din si Mama kay Kevin. Mas marami pa yatang picture si Kevin kesa sa akin, e. Nag-tweet pa nga dati na pinapakita yung collection niya ng pic ni Kevin. Daya no?
Isa pa pala. Panay sundot sa akin si Kevin, lalo na sa bandang tiyan. Bakit kaya? Naho-hotan na naman siya sa akin. Hehe.
YOU ARE READING
Left Untold [BxB | FIN✔]
Teen FictionSabi niya, i-record ko raw sa recorder na ito ang lahat ng thoughts ko para mapakinggan niya. Dito ko na lang din kaya sabihin ang nararamdaman ko sa kanya? ------------ CHANSOO FANFICTION! ^_^