Voice 009

755 25 0
                                    


Ano bang meron sa abs? Kanina kasi, habang nagpe-perform kami, tumaas 'yung damit ni Carlo kaya nakita 'yung tiyan niya. Hiyawan 'yung mga babae. Ang sexy daw ng abs niya. Tuloy, nagsipaggayahan din 'yung co-dancer namin. Kunwari aksidenteng tumaas 'yung t-shirt pero pinagyayabang lang talaga ang abs. Sus. Akala naman nila kagaganda ng abs. Ni wala ngang bakat. Kailangan pang patigasin. Hindi katulad kay Carlo. Effortless. Saka mahahalata mo naman iyon. Braso pa lang niya, mamasel-masel na e. Palibhasa alaga ng gym ang katawan. Hay...

Pero wala akong planong mag-gym o magpakita ng abs kahit sabihin pa nilang ako ang most boring member sa dance crew namin. Sorry na lang pero dancer ako, hindi stripper.

[Hikab]

Good night. Antok na ako.

Left Untold [BxB | FIN✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon