Chapter Seventeen

36.2K 892 42
                                    


Grabe pasensya na po sa sobrang tagal. I was busy at school at sa events namin. Natawa nalang ako nang may nakita na akong nag mumura sa Comment Box. Hahaha! Sorry na po. Patapos na po kasi yung HHBW kaya yun ang inuuna kong inuupdated. Pasensya na po talaga.

So Here You Go

********************************

Secret Crush

Kyla's POV

Nagulat ako nang pagpasok ko ay may orientation yatang nagaganap. Nakita ko si Sir Miggy na may kasamang mejo matandang babae.

"Kyla Aragon." Napatigil ako nang marinig ko ang pangalan ko. Napatingin ang ibang kasamahan ko sa akin.

"You're late? Stay here." Turo niya sa tabi nila. Wala an akong nagawa kundi sumunod. May Tatlo na yata akong kasama dito. Nagtawag pa siya ng ibang pangalan.

"That's all." Sabi niya. Napatingin ako sa mga itsura ng mga kasamahan ko. Para silang nadismaya. Hindi ako nakaligtas sa mga masasamang titig nila jovie.

"Teka ano ba?" Mahinang tanong ko sa kasamahan ko.

" Sasama tayo sa Business trip ng Comapany."

"Okay sa mga hindi natawag. Keep up the good work." Nagsalita yung Babae nanagtatawag ng pangalan kanina.

"Hindi ko maintindihan?" saad ko habang nakatingin ako kila Sir Miggy na papalabas na ng Silid.

"May Bagong Investment ang Company na pinasok. For the following three months sasama tayo sa Business Trip. Hindi pa daw sigurado pero on going pa ang proposals Kailangan nila ng Members mula sa bawat department. Dun muna daw tayo mag wowork." Pagpapaliwanag nung kasamahan ko habang papalakad kami sa table namin.

"Bakit tayo?"

"I think dahil sa credentials natin. Hindi naman ang Management natin ang pumili sa atin. It's the Investors from abroad. Wala tayong magagawa." sabi naman nung isa.

"International Board Exam passer ka diba?" Kinalabit pa ako nung isa. Tumango tango naman ako. "Yun, I think yun ang dahilan bakit tayo napili.."


Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Sa susunod na tatlong buwan wala ako dito. IIwan ko ang tatlong anak ko. Paano yun? Sinong mag aalaga sa kanila.

Nung Break time namin ay nagtungo ako sa opisina ni Sir Miggy. Kasi nasilip ko kasing may kausap siya sa telepono. Hindi ko tuloy alam paano siya iaaproach.

"Pasok na lang po kayo Ma'am." Nagulat ako nang Lumabas yung assitant ni Sir at kinausap ako.

"Okay lang ba? Baka maakistorbo ako sa kanya eh." sabi ko naman sa kanya. "Siya po mismo nagsabi." Napangiting saad nito.

Pumasok ako sa Opisina ni Sir Miggy. Napatingin siya kaagad sa akin nang pumasok ako mula sa pintoan.

"Okay, I'll call you back." Sabi naman nito sa kausap at ibinaba ang telepono.

"I see you've been staring outside for awhile. What can I help?" ani naman nito at lumapit kaagad sa lamesa niya para magkaharap kami.

"Sir, dederetsuhin ko na po talaga kayo." Huminga ako ng malalim. "May tatlo po kase akong anak, Alam niyo naman po ang sitwasyon ko diba. Wala po akong Katulong para mag alaga sa mga bata. Ito po yung unang beses na mapapalayo po ako sa kanila kung sakaling matutuloy po ako sa Business Trip." Nag isip si Sir. Mukhang ngayon lang niya naisip na may chikiting nga akong maiiwan.

The Sweetest Regret (Enticed Series 2) - RAW/UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon