Chapter Thirteen

38K 848 49
                                    


Pathetic

Kyla's POV

"Puntahan mo na nga kasi, Nilalandi na niya yata lahat ng empleyado dito." Habang nakaharap ako sa computer ko ay lumapit sa akin si Lotie at bumulong. Napatingin ako kay Corbin na nakaupo na sa Desk ng isang empleyado at kausap na niya ito. Pinahintulotan din naman kasi ng Manager namin na pumunta siya dito.

Paano, Pinsan ng may ari eh.

Pumunta kasi si Corbin dito , Inaaya ko namang maglunch. Ang sbai ko naman sa kanya ay hindi pa time ng Lunch Break namin. Pero sabi niya hihintayin daw niya ako. Pero hindi ko namang inakalang dito mismo niya ako hihintayin. Mahirap namang tumanggi dahil mabait naman yung tao sa akin.

"Ano na ba ang score sa inyo ha." Pinagulong niya ang swivel chair niya at lumapit pa mismo dito sa desk ko.

"Wala, Ito naman papatol pa ba ako jan." Sabi ko naman sa kanya.

Napatingin kami sa kasamahan namin na tumayo na ag pupunta na yata sa Cafeteria. Napatigin naman ako kay Corbin na papalapit na sa amin kaya agad na lumayo sa akin si Lotie.

"So Tara na?"

"Oh Sige." Tatayo palang sana ako para hablotin ang bag ko kaso kinuha na niya ito. Hindi naman ako makapagsalita. Nung nilingon ko si Lotie ay tuwang tuwa naman siya.

Ilang beses ko inattempt na kunin ang bag ko, kaso lakad lang siya ng lakad habang hawak hawak yun.

Crush ba niya ang Bag ko?

"Saan mo gusto kumain? sa Sisig Society? sa Boodlefight? Sa Mcdo? Jollibee? o gusto mo sa mga luxurious? Yung mga may Violin?" Para siyang batang nagsasalita.

"Ako paborito ko sa McDo. Ikaw anong kainan gusto mo?" Natahimik ako nang tignan niya ako. Grabe ang daldal niya.

"Kahit saan. sa cafeteria lang kase ako kumakain eh." Sagot ko naman sa kanya.

"Eh di sa Breadstix na tayo. Jan lang. May Sisig din naman yata sila dun."

"Tara." Sabi pa niya at inakbayan ako papunta sa Elevator. Pasara na sana yung elevator kaso may humabol.

Nang bumukas ulit ang Elevator Nakita ko si Sir Miggy na papasok at may kausap sa telepono. Kaya dahan dahan akong kumalas sa pagkakaakbay niya sa akin, Kasi nakatingin siya sa amin habang may kausap sa telepono.

"Bat ka ba sumisiksik jan sa pader." Nagulat ako nang hinatak ulit ako ni Corbin imbes makawala na sana ako sa kamay niya.

"Okay, Bye." Ibinaba na ni Sir Miggy yung telepono niya at lumapit kay Corbin.

"Lunch?" Tanong niya rito.

"Yup. Kasama ko si Kolen." Sabi naman ni Corbin at tumingin sa akin.

"It's Kyla." Magsasalita sana ako para iwasto yung pangalan ko pero nauna na si Sir Miggy.

"Sabay na ako. Maglulunch rin naman na ako." Sabi naman ni Sir Miggy. Napatingin kami pareho ni Corbin sa kanya. Tumingin din siya sa amin "Bakit bawal bang sumabay? I really think we are all friends."

"Hindi naman. Sabay ka na." saad naman ni Corbin.


*****************

Hindi ko mapigilang mapatingin kay Sir Miggy na nakaabang sa mga babaeng pumapasok dito sa Breadstix. Halos sundan pa niya ng tingin yung mga babaeng ang iikli ng damit. Manyakis din pala ang isang to.

The Sweetest Regret (Enticed Series 2) - RAW/UNEDITEDWhere stories live. Discover now