Chapter Six

46.7K 1.1K 97
                                    

So Familliar, Yet not so Familliar

Para akong Detective. Lingon ako ng lingon sa likoran ko kung may nakasunod ba sa akin. Kung bakit naman kase ako yayain pa ni Sir?

Hindi ko alam kung paano ko soya haharapin, Pagkatapos ko siyang kunan ng buhok

Oo napakabaliw ng ideya na iyon. Pero masyado na akong desperada. Kung ikaw ba, May makita ka kang prospect tatay ng tatlo mong anak, Hindi mo ba gagawin ang lahat lara malaman kung totoo nga ito o hindi? Nababaliw na ata ako kakaisip!

"Welcome Ma'am" Pinagbuksan ako ng pintoan nung Waiter. Pumasok alo sa loob, Napakaclassy. Enclose ang buong retaurant at parang mejo antique ang designs dito sa loob

"Did you refuse to come?" Nagulat ako nang may narinig akong boses sa likoran ko. Nang lumingon ako ay sumabay ang waiter na naglakad sa tapat ko at kamuntikan ko na siyang matabig pero..

May mga maiinit na palad ang humawak sa baywang ko at humila sa akin ng maingat para itabi ako.

"Sir.."Nanginginig na sabi ko at napayuko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko pang nakapatong ang mga kamay ko sa dibdib niya.

Jusko Lord! Ang KAPAL!

Ang KAPAL NG MGA PALAD KO!

"Nagulat yata kita." Sabi naman nito. Buti nga at nagsalita siya at naisipan ko pang kumalas sa kanya.

"Ah. Hindi. Hindi po Sir. Kain na po tayo nagugutom na ako." Grabe! Sobrang inilagan ko ang mga mata niyang tumingin sa akin. Para akong napasukan ng kuryente sa sistema ko at hindi ako makakalma

Kaya naman nagtungo ako sa lamesa at umupo na.

Pero laking gulat ko nang may nakita akong lalakeng hindi ko naman kilala na nakaupo sa harapan ko at may katawag.Foreigner siya! Nanlaki ang mga mata niya nang magtama ang mga tingin namin

"I'm so sorry. She's just flustered." Lumapit si Sir Miggy sa akin at pinatayo niya agad ako.

"Our Table is there." Pinatiuna niya akong maglakad at bumulong siya sa tainga ko!

POTA.

ang init ng hininga niya!

Ser Meggey. Ano bang ginagawa natin ngayon dito!

Sobrang hiya ko. Para akong timang na nawawala sa pagiisip. Pinaghila ako ni Sir ng upuan at pinaupo.

Grabe! Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Masahol la sa Board Exam at Interview ko ito.

Kailan ko ba ulit naramdaman ang kaba na to?

"Take a deep breath." Nakangiting saad nito sa akin. Sinunod ko naman ang sinabi niya.

"Ako na mag oorder." Narinig ko pang natatawa ito.

Ni hindi nga ako makangiti. Ang Pawis ko parang manganganag ulit ako ng Tatlo.

Nakipag usap siya sa waiter at nag order ng kung ano ano. Habang ako naubos ko na yung isang baso ng tubi sa harapan ko. Pangalawang refill na nga ng waiter ito. Nangigil talaga ako.

Daig ko pa ang isang Addict kung kabahan.
"And for the main event." Tumikhim ito kaya napatingin kaagad ako sa kanya.

"I wanted to tell you something. That's why I invited you for lunch." Panimula naman nito.

"I designed the new Marketing Advertisement for our company. I want a Family to be the Model. Kase puro artista at beautu queen ang past advertisement model natin. and.." Napatigil siya sa pagsasalita.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa aming dalawa at nagtitigan pa talaga kami.
"I want the triplets."

Para akong nawalan ng hininga sa sumunod na sinabi niya.

The Sweetest Regret (Enticed Series 2) - RAW/UNEDITEDWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu