MGD 3 - Annoying Brother

349K 6.8K 758
                                    

Filler chapter! Super thanks to your votes and comments! Read "Living With Mr. Ice" if you have time. That's also my work!

***

MGD 3 — Annoying Brother

"L-liam.." banggit ko sa pangalan n'ya. Nangininig ang kamay ko noong hinawakan ko ang mukha n'ya na basa ng luha. "I-Im so sorry.." bumagsak ang mga luha ko. Nagulat ako noong hinawakan n'ya ang mukha ko at inangat upang matitigan ako. Dahan dahan n'yang pinahid ang mga luha ko gamit ang hinlalaki n'ya. Inilagay n'ya sa likod ng tainga ko ang mga mga nalaglag na buhok sa mukha ko. Dahan dahan s'yang lumapit sa mukha ko..

Ipinikit ko ang mga mata ko.. hinawakan n'ya muli ang mukha ko. Naramdaman ko na dahan dahan s'yang lumapit hanggang naramdaman ko ang mainit n'yang halik sa...forehead ko.

Nagmulat ako ng mata at nakita ko ang namumula n'yang ilong at ang mga ngiti n'ya, "Ayaw kitang makitang umiiyak ng dahil sa akin..ayaw kitang nakikitang masaktan at mas lalong ayaw ko na magtake-advantage sa'yo dahil ako ang kasama mo.." hinihigop ako ng mga mata n'ya na punong puno ng sincerity, "Hindi pa ako handa na marinig ng buong buo ang nararamdaman mo. Hayaan mo muna ako na ihanda ang sarili ko.."

"Pagpasensyahan mo ako sa mga nasabi ko kanina. I'm just scared..I'm scared of losing you.." hinawakan n'ya ang malalambot kong kamay, "Good night na. Matulog ka na..mahaba pa ang b'yahe n'yo bukas.." bumaba s'ya para pagbuksan ako ng pinto.

"Susunod ako, pangako.." itinaas n'ya ang kanang kamay n'ya. Unti unti akong napangiti, Liam bakit mo ako pinapahirapan ng ganito? Pumasok na s'ya sa kotse n'ya.

Bakit nakukuha n'ya pang ngumiti? Bakit kahit gaanong kasama ako ay nariyan palagi s'ya sa akin?

"I'll text you when I'm home.." inistart n'ya na ang makina. Lumingon ako saglit at napailing na lang.

Pumasok na ako loob ng bahay. Kaming dalawa na lang ng kapatid ang nakatira dito. Nasa Korea si Papa at may inaayos na mga dokumento. Namataan kaagad ng mata ko ang lalaking nakakapagpatrigger ng kamalditahan ko, Tristan.

Bored n'ya akon tiningnan at ngumisi, "Nakakaiyak ba ang kagwapuhan ko?" halos maningkit ang mata ko sa kayabanga n'ya. Kung hindi lang siguro ako depress ngayon ay nasuntok ko na s'ya sa mukha. Hindi ko na lang s'ya pinansin at nagtuloy tuloy na ako paakyat ng kwarto ko.

Pagkasara ko ng pinto ay may umepal na naman, kahit kailan talaga ay napakalaking epal n'ya. Hindi makukumpleto ang araw ko ng hindi n'ya ako naiinis at nabubwisit.

"Ano na naman Prince?" bored na tanong ko sa kan'ya. Tuluyan na s'yang pumasok at humiga sa kama ko. Inis kong tiningnan s'ya, pero walang nangyari. Hindi umubra ang pagtatransmit ko ng death glares.

"Alam mo narealize ko na.." inilagay n'ya sa tulisan n'yang baba ang hintuturo n'ya, "ang obvious pala kapag umiiyak ka..mas lalo kang pumapanget eh.." napatawa s'ya sa sinabi n'ya at napahinto bigla noong hindi ako tumawa.

"Wala ako sa mood para i-entertain ang kayabangan mo.." tinampal ko ang mahahabang hita n'ya para naman makahiga ako sa tabi n'ya.

"Asusss! Wala din ako sa mood para asarin ka ngayon. Be grateful and thankful ugly lazy.." hindi ko alam kung marunong makaramdam ang isang 'to. Alam ng badtrip ang tao ay nakukuha n'ya pang bumanat ng gan'yan..

"May knock knock ako.." sabi n'ya at of nowhere. Tumagilid s'ya at inilagay ang ulo n'ya sa nakatukod n'yang braso sa kama.

"Oh ano na naman?" tanong ko sa kan'ya. Nagwiggle naman ang eyebrow n'ya for the first time.

"Gwapo.." sabi n'ya ng may malaking ngiti sa labi.

"Gwapo who?" banggit ko.

"AKO. GWAPO AKO. HAHAHAHA!" tumawa s'ya ng tumawa at gumulong pa sa malambot kong kama.

"The best 'yan Tristan. Sa sobrang the best parang gusto na kitang ipagtayo ng rebulto at mag-wish na lumindol at mabasag yung rebulto. Last na 'yan..hindi nakakatuwa ang joke na 'yan.." inirapan n'ya lang ako at nag-indian seat sa kama ko.

"Asus! Hindi naman kasi joke 'yon. Katotohanan 'yan Trish, ka-to-to-ha-nan."

"Bahala ka sa buhay mo. Umalis ka dito at matutulog na ako..shoo!" itinakip ko sa mukha ko ang huggable kong pillow.

"Sige takpan mo pa ang mukha mo.." may pagbabanta ang boses n'ya, "Kapag 'yan idiniin ko..for sure, good bye Philippines ka. Hindi mo man lang naranasan na maging maganda kahit isang saglit.."

"At anong tingin mo sa sarili mo Tristan? Pwede ba tantanan mo na ako at gustong gusto ko ng magpahinga.." tumalikod ako sa kan'ya at tinakpan ang mukha ko ng malambot kong unan. Naramdaman ko naman na bumaon ang kama ko, meaning ay may gagawing kababalaghan si Tristan.

"Hmmpppp...hmmmmmp..." sigaw ko habang pilit kong inaalis ang unan sa mukha ko.

"I told you that I'm dead serious.." sabi n'ya. Wala s'yang kasing sama at talagang tinotoo n'ya yung pagpatay sa akin gamit ang isang unan. Nakahinga ako ng maluwag at naghabol ng hininga.

"You looke epic.." sambit n'ya. Tumayo naman ako sa pagkakahiga ko at dinamba ko ang likod n'ya. Nakapalupot ang mga kamay ko sa leeg n'ya at s'ya naman ang papatayin ko.

"Ackk..ackkk.." halos mamula na ang mukha n'ya dahil sa pagsakal ko sa kan'ya.

"Para 'yan sa attempted murder! Wala kang kasing sama Tristan! Wala kang kasing..SAMA!" binatawan ko na s'ya at itinulak ko sa kama ko dahilan upang mahulog s'ya.

"Tss.." pinagpag n'ya ang pwetan n'ya at hinawakan na ang door knob. Mabuti naman ay naisipan n'ya na umalis na. Nakakaiirita talaga s'ya.

Nakasandal s'ya pader habang hawak hawak ang door knob, "If you have any problem, don't be shy to tell it to me, I'm your brother and I'm damn concerned with you, sister." lumabas na s'ya ng kwarto ko.

Kahit papaano ay napagaan ang loob ko dahil sa sinabi ni Prince. Tama s'ya, kahit hindi naman n'ya nature ang pagiging sweet ay alam kong concern at mahal n'ya ako. Hindi naman kasi vocal si Tristan sa nararamdaman n'ya, kaya naman nagulat din ako sa sinabi n'ya.

Napabuntong hininga na lang ako, iwanan man ako ng lahat. Alam kong nariyan pa din ang pamilya ko. Anjan si Papa at si Prince.

Inayos ko ang comforter. Nag-isip na lang ako ng makakapagpagood vibes sa akin ng sa ganoon ay madali akong makatulog, bukas uuwi na talaga ako ng Pilipinas.

*****

Prince Tristan on the side 

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon