"baka natraffic lang sila, tawagan ko muna"
Tinawagan ko yung number ni kuya Veron
Sana sumagot ka...
"Hello ?"
Hay salamat, kanina ko pa kasi sila tinatawagan pero hindi nila ako sinasagot
"bro, asan na kayo ?" excited kong sabi
"Ken, this is your tito, hindi na matutuloy sila Migz, dahil andito sila sa hospital"
"ano ? sa hospital po ? bakit po sila andyan ? ano hong nangyari ?"
"oo, may humarang sa kanila at pinagbubugbog ang mga anak ko, at si Monica...."
biglang bumilis tibok ng puso ko
"bakit po si Monica ? ano hong nangyari ?"
"may kumidnap sa kanya" nabitawan ko yung phone ko
Natural na sumasakit ang puso ko, lalo siyang sumakit sa narinig ko
"Ku-kuya yung ga-gamot k-ko" sabi ko
Hindi ako makahinga, lalo akong nahihirapan dahil sumasabay tong puso ko, ang sakit
Kinuha nila gamot ko
Pinainom sa akin ni Kuya Liam yung gamot at tubig
At pinaypayan nila ako
Medyo nabawasan yung sakit, nakakahinga na rin ako ng maayos
Bumagsak ang mga luha ko
"Pre, bakit ka umiiyak ?" —Lawson
"Okay ka na ba Ken ?" —Kuya Lazaro
"Kuya, ano bang nangyari ?" —Lorenzo
Umiyak lang ako
Ang tanging naririnig ko lang ay boses ni Monica na humihingi ng tulong
Kasalanan ko to !
Napahamak sila dahil sa plano ko
"si-sila ku-kuya Migz, nasa hospital.....at si-si Monica, na-ki-kidnap. KASALANAN KO TO" nagwala ako
Hindi ko alam gagawin ko
Kaya ginulo gulo ko yung mga inayos namin na para sana sa pagpropropose ko kay Monica
"KASALANAN KO TO !" sinuntok ko yung puno dun
"Bro, calm down" —Kuya Liam
"paano ako kakalma ? eh yung babaeng pinakamamahal ko nakidnap at hindi ko alam kung okay ba siya" bumagsak katawan ko sa lupa
Hindi ko kinakaya ang pangyayari
"magiging okay rin ang lahat bro" niyakap ako ni Lawson
Mas lalo akong umiyak kaya tinap tap nila likuran ko
*SA HOSPITAL
"Paaaaaaaaaa, si Migz ? asan siya ? si Monica Pa ?! Ma !?" nagwawala si kuya Veron sa kinahihigaan niya
May benda siya sa tiyan. Sabi ni Tito, nasaksak siya.
"Veron, magiging okay ang lahat" —Mama niya
Nakita ko na umiiyak si kuya Veron, kaya umiyak rin ako
Hindi ko mapigilan, kasalanan ko to eh
Tumayo si Kuya Veron
"Veron, hindi ka pa okay ?" —Tito
"hindi ako magiging okay hanggat hindi ko nakikita mga kapatid ko !" hindi nila napigilan si kuya Veron
Aalis na sana siya sa kama niya nang biglang bumukas yung pinto
Pinasok ng mga nurse yung kama kung saan nakahiga si Kuya Migz
Tinabi nila ito sa bed ni kuya Veron
Madaming nakasuksok na tubo sa katawan ni kuya Migz kaya lalo akong nakonsensya
"Migz.." nanghihinang sabi niya, dahil dun napaiyak ulit si Kuya Veron
"okay na ang anak niyo, hintayin niyo na lang paggising niya, excuse me" lumabas na yung mga nurse
"si Monica ? Ma ! si monica ? asan siya ?"
"wala siya anak, kinuha siya ng mga sumalubong sa inyo" —Tito
"ano ?"
"kasalanan ko to ! kasalanan ko to !" sigaw ni kuya Veron
Inakbayan ako ni Kuya Liam, siya ang kasama ko ngayon
"Kuya, si Monica ?" sabi ko habang umiiyak rin
"mahahanap rin siya" tinapik tapik niya shoulder ko
YOU ARE READING
United Love
HumorIn the name of Love, there is a law that says, 'You shall only love one for one true love can only be found in one’s heart' In the game of Love, there is a rule that says, 'Whoever falls in love first is a loser' But there is a fact about love that...
KABANATA XVI
Start from the beginning