KABANATA XVI

Depuis le début
                                    

Habang nasa byahe kami

May humarang na black Van sa amin

Lumabas si Kuya Veron

Nagulat kaming dalawa ni kuya Migz nung sinuntok nung lalaki si Kuya

"Diyan ka lang" lumabas si kuya Migz

Nakipag usap pa ng konti si kuya Migz pero hindi ko marinig kasi sound proof tong kotse

Maya maya rin nakipagsuntukan na rin siya

Ano bang kaguluhan ang nangyayari ?

Bakit ngayon pa ? magpropropose na sa akin si Ken eh

Limang lalaki versus sila kuya

Kapatid ko sila, para na rin akong nasasaktan kapag nasasaktan sila

Pilit inilalayo ni kuya Veron si Kuya Migz sa suntukan, pero knowing kuya Migz, basagulero siya kaya hindi siya papigil..

Kitang kita ko sa mukha nilang dalawa kung gaano sila nahihirapan sa limang lalaking yun

Gumagalaw labi nila pero wala akong marinig na sound dito

Biglang tumulo luha ko nung nabasag yung eyeglass ni Kuya Migz

Bumagsak siya sa lupa

Si kuya Veron naman pinoprotektahan niya si Kuya Migz sa pamamagitan ng pag tanggap sa mga sipa na dapat para kay kuya Migz

Napaiyak na ako, dahil puno ng pasa at dugo sila

wala  bang taong nakakaita sa nangyayari bukod sa akin ?

Hindi ko na kayang pinapanood ko lang sila

Mga kuya ko sila, mahal ko sila

Lumabas ako sa kotse

Kinuha ko yung mga higheels ko

At pinagpapalo sa mga likod ng mga tarantadong nananakita sa mga kuya ko

Pero wala rin nagawa ang mga high heels ko

Nahawakan ako nung isang lalaki

Nakita ko si kuya Migz na wala ng malay at nakahiga lang

At si kuya Veron na hindi na makatayo

Sinuntok ako nung lalaki sa tiyan

Isang suntok pa lang yun pero nanghina na ako at naipit na tyan ko, what more kina kuya na nakatanggap na ng maraming suntok ?

Sa mga oras na yun,  naisip ko na baka ito na ang huling oras ko

"Hoy !" sinubukang suntukin ni kuya Veron yung lalaking sumuntok sa akin

Naging mabilis ang pangyayari....

Ang nakita ko na lang na scene is....

Sinaksak nung lalaki si kuya Veron

"KUYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA !!!!!" sigaw ko

Napaiyak na talaga ako

Tinakpan ng panyo ang bibig ko at nung naamoy ko yung panyong yun

Nagblack out na ang mata ko

Lord kayo na bahala sa amin

*****

KEN'S POV

Bakit ang tagal nila ? Saan kaya pinunta nina kuya Migz si Monica ?

"Oy Ken, akala ko ba magpropropose ka na ? 6 pm na oh ? wala pa rin yung pagproproposan mo" inip na sabi ni kuya Lazaro

Suportado sila kay Monica kaya kahit hindi ako humingi ng tulong sa kanila, nagpresenta sila na tulungan ako. What are brothers for ?

United LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant