Gangster 38: [Night with you]

Start from the beginning
                                    

"Gusto ko ng makipagbati." Malungkot na sabi niya. Kasabay ng paghiga niya ulit sa kama ay ang pagbeep ng cellphone niya kaya agad niya itong tinignan.

"Kyaaaaaah!!!!" Halos mabingi naman kami ni Kaira sa lakas ng pagsigaw ni Ayen kaya napatakip kami sa tenga namin.

"Kailangan ko ng umalis girls. Gusto daw akong maka usap ni Onyx sa lobby. This is it. Makikipag-ayos na ako. Bye!" Hindi na kami nakasagot ni Kaira ay nagtatatakbo na si Ayen palabas ng kwarto namin. Nagkatinginan nalang kami ni Kaira at sabay na napailing.

Maya maya pa ay biglang lumitaw si Ian sa harap namin.

"Panu ka nakapasok dito?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Usapang tanga? Malamang dumaan ako sa pinto." At nagroll eyes pa siya. Agad kong nahagip ang unan sa gilid ko at ibinato sa kanya. Nasalo naman niya ito.

"Kinakausap ka ng maayos ah." Masungit kong sabi.

"Iloveyou too, Ara." And in an instant. Namula ako kaya napaiwas ako ng tingin.

Bwisit! Tumigil ka sa kalandian mo Ara. Para kang tanga.

"Ayieeeh namumula siya." Tinignan ko siya ng masama kaya napatawa siya.

"Kayong dalawa. Lumayas nga kayo sa harap ko!! Mga bwisit. Edi kayo na may partner!! Ampness." Reklamo ni Kaira habang nakatingin samin ng masama.

"Bakit ka ba kasi nandito?" Tumayo na ako at lumapit kay Ian.

"Ang ganda kasi ng dagat pag gabi." Napakunot ang noo ko sa naging sagot niya.

"So?"

"Panuorin natin gusto mo? Tara muna saglit sa labas." Hinila na niya ako pero bago pa ako tuluyang makaalis ay narinig ko pa ang pagsigaw ni Kaira.

"YUNG FEELING NA SILA MAGANDA ANG LOVELIFE TAPOS AKO MAGANDA LANG?" Napatawa at napailing iling nalang kami ni Ian.

Nang makarating na kami sa lobby ay nakita ko si Onyx at Ayen na nag-uusap. Kumaway lang ako sa kanila at ngumiti naman sila sakin.

Mabilis lang kaming makarating sa tabing dagat.

Maraming tao sa paligid. May mga ilaw rin. Pero mas maganda ang buwan na animoy mahiwagang bato na nakalutang sa dagat.

Nagulat ako noong biglang yumakap sakin si Ian.

Nakaupo kasi kami ngayon at nasa likod ko siya nakapwesto.

Nakapatong yung baba niya sa balikat ko at yung ulo ko inihilig ko sa balikat niya.

"Baby." Napatingin ako sa kanya nung tinawag niya ako.

"Naalala mo nung minsang nag-outing kayo nila Dale? Naalala mo nung gumagawa kayo ng sand castle ni Dale tapos may batang lumapit sa inyo at ginulo yung castle na tinatayo niyo?" Nanlaki ang mga mata ko.

"Don't tell me ikaw yun?" Tanong ko sa kanya at tumango siya.

"Kaya ba nung first day ko sa Royal Gates ay pinipilit mo akong tanungin kung hindi ba kita natatandaan?" Tumango ulit siya.

"Gag* ka talaga. Pasaway ka na kahit nung bata ka pa." Nakapout kong sabi sa kanya at hinalikan niya ako sa lips. Smack lang pero.

"Paraparaan?" Nakangisi kong tanong.

"I love you baby. Mahal na mahal kita. Walang duda." He whispered in my ears which leads my body to shiver. I feel butterflies inside my stomach.

"I love you too. No doubts." Ngumiti siya sakin.

Tumingin ulit kami sa dagat at naramdaman kong may isang malamig na bagay na isinuot siya sakin.

Nang tinignan ko ito ay isang kwintas na may pendant susi. Kulay gold yung kwintas.

"Susi yan sa puso ko. Ikaw lang makakabukas." Napangiti ako sa sinabi niya.

Maya maya ay may inilabas siya na isa ring kwintas na may pendant na puso. Pero hindi siya whole. Mula sa gilid kasi hanggang sa gitna ay may cut. At ayon sa hugis. Yung pendant ng kwintas ko ang makakabuo dun.

Sinuot niya ito at ngumiti ulit sakin.

"Para partner tayo." Sabi niya sabay kindat pa.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya ako na mismo ang humalik sa kanya.

Naramdaman ko namang napangiti siya sa pagitan ng halik naming dalawa.

Ghad. I love this guy. No Doubts.

--------------------------------

Author: Sino bagay kay Kaira? Comment niyo naman jan. Hahaha. Kawawa naman si Miss Pres. walang lovelife. Buti pa ako masaya kay Sehun. Hahaha xDD

~ace♥

The Gangster's Love: Great CircleWhere stories live. Discover now