Kabanata 3

68 1 0
                                    

Be careful next time

"Dun na nga kasi! Or dito?" Ani Kyrie.

"Wait lang nga. Naghahanap pa ako ng magandang pwesto, okay?" sagot ni Seth na ngayon ay iritable na sa pagdadrive. Halos 10 minutes na kaming naghahanap ng pwesto sa carpark. Hindi naman masyadong crowded. In fact, may tatlong slots na kaming nakita previously, pero hindi pa rin makuntento si Seth.

Dala nya kasi ang bagong BMW ng dad nya at gustong makahanap ng safe na pwesto para ipark ang sasakyan. Reasonable naman, kaya lang ay balak yatang maghanap ng isang bakanteng lote to make sure that no one would accidentally scratch his car.

"Ano ba yan, mamaya nyan maunahan pa tayo nina Isaiah," reklamo ni Kyrie habang padabog na bumalik sa pagkakaupo. Natapos man ang aming exams ay di pa rin kami maka relax at may project kaagad. Kaya heto kami on a Saturday, alipin ng school work pa rin. Buti na lang at kagrupo ko din ang aking mga kaibigan, kahit papano ay masaya ang paggawa nito at di nakakapagod.

Napagkasunduang sa bahay na lang kami gagawa, imbes na kina Marzi kung saan kami usual na nag gu-group study dahil under renovation ang bahay nila. Natuwa naman si Tita Dana noong ibinalita ko sa kanya ng dinner na pupunta sa bahay ang friends ko at aniya ay magluluto sya ng carbonara. Yun nga lang ay nagka emergency sa hotel kaya di na natuloy.

That's why we're here now searching for food.

"Chill, woman. Would you rather walk under this heat?" Tanong ni Seth at inirapan sya ni Kyrie. Kami ni Marzi naman ay umiling nalang. "Okay, here," aniya at inihinto ang sasakyan.

"Finally!" Komento ni Kyrie habang tinatanggal ang seat belt.

"Bakit ba kasi dito sa Plazuela? Eh kung sumama nalang sana tayo kina Nathan. Mas marami pang choices sa SM," tanong ni Seth habang pababa na ng sasakyan. Si Isaiah at Frances ang naatasang bumili ng mga kailangan pa naming materials na nakaligtaan noon kaya naisipang sa National Bookstore nalang bumili. We were supposed to drop them since Plazuela is just right next to SM, pero ani Kuya Nathan, sila nalang daw sasama at bibili din sila ng pizza. Susunod nalang daw sila samin pero duda ko, mauunahan pa nila kami.

At first, Ezekiel volunteered to drive us (which was a miracle since the moment he arrived, he immediately gave me the cold treatment), pero dahil excited si Seth na ipagmayabang ang kanyang 'wheels,' sya nalang daw. Kinailangan din nila si Zeke dahil nasa carwash ang sasakyan ni Kuya Nathan. Wala ding ibang available cars sa bahay dahil lahat ay ginamit. May kanya kanyang lakad din kasi ngayon sina Tito Axel, Tita Dana, Kuya Alec, Gio at Lucho.

"I'm craving for Maridel's cakes. Do they have Maridel's in SM?" sarkastikong tanong ni Kyrie at pinabayaan nalang ni Seth. "And besides, they're full in Zeke's car."

Kakasimula palang naming mag brainstorming kaninang umaga nang nagsidatingan din si Ezekiel at Brent. May group study din daw sabi nila tapos ay tumawa.

Ugh, as if I believed them. Nagpunta lang sila dun para mag games at manggulo.

"Mauna na muna kayo, daan lang ako ng coffee break tapos susunod na," sabi ko nung papunta na sa Maridel's.

"I'll go with you. Gusto ko din ng frappe eh. Seth, samahan mo nalang si Kyrie at please wag kayong mag away dito, it's embarrassing," ani Marzi at napangiwi ang dalawa. Matapos nun ay nag agree din sila at magkalapit lang naman ang coffee and cake shops.

"Hay, those two talaga. Parang aso't pusa," madramang komento ni Marzi habang papasok kami sa coffee shop. "Dapat dun sa dalawa ay ikulong natin hanggang sa magbati."

"As if mangyayari yun. Eh siguro kahit end of the world na eh may pag aawayan pa din yung dalawa," tawa ko ng biglang may bumangga sa akin at nakaramdam ako ng lamig.

Natigilan ako at tiningnan ang ngayong basa ko nang blouse habang si Marzi naman ay napasinghap sa pagkagulat.

"Sorry po, ma'am, sorry po," natatarantang sabi ng waiter habang naghahanap ng maipupunas. Napatingin ako sa nabitawan nyang tray at mga hulog na frappe.

"Ito po, tissue, sorry po di ko sinasadya," natatakot at natataranta pa ring alala ng waiter na parang anytime ba ay sasabog ako.

"It's okay, don't worry," sagot ko sa waiter at parang nabunutan ng tinik ang lalaki. Napatawa nalang ako ng bahagya.

"Oh my gosh, Ari, are you okay?" Alalang tanong ni Marzi at nag umpisa nang punasan ang damit ko. Ang manager ng shop ay dumalo na rin at nanghingi din ng paumanhin, matapos ay tiningnan ng matalim ang waiter.

"Yes, I'm good. Okay lang, though I might need a new shirt," patawa ko. Nagmistulang brown na kasi ang kanina'y puti kong damit.

"Next time kasi, please look at where you're going," baling nya sa waiter nang may mga dumating.

"Aria! Are you okay? What happened?!" Nagpa panic na tanong ni Kuya Nathan habang iniinspeksyun ako.

"I'm okay, Kuya. Wag kang mag alala, konting aksidente lang," sabi ko, pinapakalma sya.

"Anong okay? Nagswimming ka yata sa kape," komento ni Seth at sasagot na sana ako nang nakita ko ang nagtatakang mukha ni Isaiah na papasok sa shop. Sa likod nya ay si Ezekiel na nakatingin sa basa kong damit at napakuno't noo. Nagtama ang aming tingin. Oh he doesn't look pleased.

"It was an accident nga, naglalakad ako, I wasn't looking," amin ko. Aminado naman talaga akong may kasalanan ako. Kung nakatingin lamang ako sa dinadaanan ay hindi sana ako nabunggo sa waiter. Ngayon, tiyak na mapapagalitan sya dahil sa pagigihg neglectful ko.

"Sa susunod, pare, look where you're going," ani Brent.

"Nakatingin naman, kung di lang sana sya.." protesta sana ng waiter na mukhang medyo naiinis na bago sya pinutol ng matalim na tingin ng manager.

"Wait, diba classmate ka namin sa isang subject?" Tanong ni Kyrie na kanina pa tahimik at napatingin kami sa kanya. Classmate? " Eman diba? Or is it Stefan? Yung nakaupo sa likod?"

"Ethan po. Classmates tayo sa social studies," sabi ng waiter at mas napatingin ako sa kanya. Indeed, he looks familiar.

"Your staff should be disciplined, Mr. Roy," putol ni Ezekiel at napatingin ako sa kanya, gulat na alam nya ang pangalan ng manager at sa huli ay napagtanto ko na nabasa nya sa name plate iyon. "Buti nalang cold drinks yung natapon, pano nalang kung mainit yun," seryoso ang kanyang mukha at muli na namang napahingi ng paumanhin ang manager. Si Ethan naman sa likod nito ay mukhang iritado na.

"Stop it. It's my fault, okay? Hindi ako nakatingin kaya ayun. Anyway, it's not a big deal. Let's leave it." Pakiusap ko at hinawakan ang braso ni Kuya para awatin sya. My guy cousins are very protective of me at alam ko hindi nya papalampasin ang nangyari. Kahit na sabihin pang ako ang may kasalanan. Ayoko ng gulo, at ayaw kong may mapagalitan ng dahil sa katangahan ko. Nahihiya na rin ako at maraming taong nakatingin.

"Sorry po, ma'am. Di na mauulit. Diba, Ethan?" Napabaling si Mr Roy sa waiter na parang ayaw tumango. "Bawi po kami, on the house na lang po yung order nyo. Sorry po talaga," offer ni Mr. Roy habang ako ay nanginig ng konti. Malapit kasi kami sa may aircon at basa pa ang damit ko. Sana ay di ako atakihin nito mamaya.

"There's no need," sagot ni Kuya. "We can afford. And besides, we don't need it anymore," dagdag nya habang inaalalayan ako sa pag alis.

"Let's go, shobe," sabi nya at bago makalabas ay hinubad ni Ezekiel ang kanyang jacket at pinulupot sa aking balikat habang seryoso pa rin ang tingin, sa manager at waiter na sa likod ko.

"Be careful next time," sabi nya sa mga tao sa likuran ko at sumunod na rin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sold On YouWhere stories live. Discover now