Accidentally Chosen

95 2 6
                                    

Copyright © by SmilesByJin 2018

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

~*~

"It was a tragedy, but it reminds me of how sweet the cake is, made with love, served with full of happiness despite the hardships of making that sweet and delicious cake."

Have you ever felt butterflies in your stomach? 'Yung tipong good vibes ang dating mo dahil palagi mo syang nakikita? 'Yung proud ka sa kanya sa mga bagay na gagawin nya? 'Yung taong mamahalin mo kahit na sobrang sakit na? At 'yung taong pipiliin mo sa kabila ng pait na ipinatikim nya sayo?

Do you believe in accidental destiny?

~*~

"Ganito na lang Ainna. The fourth person who will pass by, will be the right person for you!" excited na sabi ni Timi.

Nasa gitnang bench kami ng isang amusement park ng kaibigan ko at dahil nga kanina pa namin napag-uusapan ang about sa love hunting na tanging rason namin kung bakit nandito kami, biglaang pumasok sa isip nya ang bagay na wala namang katotohanan.

"I don't believe in that circumstance, Timi. Alam mo namang hindi basehan ang pagdaan ng isang tao ang magiging 'the one' para sa taong seryoso sa pag-ibig." I sighed. "I may be looking for someone who will capture my heart, but not in a way that you will point out someone who's not interested and some strange people around here."

"Bingo! He's the one Ainna, he is!"

Hindi ko namalayan na sa pagsasalita ko pala ay nagbibilang na agad sya ng lalaking dadaan sa harapan namin. And the one she is pointing right now is turning his back at us, naglalakad palayo samin tanda ng walang pangyayari sa kalokohan ni Timi. Nakita ko bahagya ang mukha nya pero hindi ko na lang pinansin, sa kadahilanang wala namang patutunguhan kung tatandaan ko ang itsura ng lalaking 'yon na dumaan ng walang effort.

"I told you, it won't work the way you see it with your romantic vision." tumingin ako sa kanya. "Stop reading and watching hyperbolic love stories, Timi. It can possibly make your mind explode."

Hindi ko na lang inisip ang bagay na 'yun pagkauwi ko, dahil wala rin naman akong mapapala kung iisipin kong posible ngang mangyari ang makilala ko ang pang-apat na random guy na dadaan sa harap ko. How useless is it, right? Walang nagkakatuluyan sa simpleng bagay na ginawa ni Timi.

Dumaan ang mga araw at wala pa ring tigil ang kaibigan ko sa pangungulit sakin na bumalik sa park kung saan namin nakita 'yung lalaking 'the one' ko daw. Ang corny mang pakinggan pero seryoso akong gusto ko na mahanap ang taong para sakin, pero hindi sa ganitong paraan. Not in a way that I should consider that guy as my true love. I have respect for the destiny and I will let that man come to my life at the perfect time. Hindi 'yung ganito.

I've been through a lot of relationships, hook-ups, arrangement relationships. It went fine and fun, but none of it, even at least one of it, worked out hindi dahil sakin, kundi dahil sa mga taong nakarelasyon ko. I loved them right, I cherished them the way I can. It went a total fail as if love wasn't really for me. Naisip ko na rin kung talaga bang malas ako sa pag-ibig kaya nagagawa sakin 'to ng mundo at mga lalaking nakilala ko. Wala eh, may instances talagang kapag ang tao ay hindi naghanap ng pagmamahal, dumarating sa kanila. Pero kapag naman hiniling, ayaw dumating.

But there was this guy named Lee Ramirez. Naging boyfriend ko sya for at least six months and we really loved each other the whole time. Sa previous relationships ko, sya lang talaga ang tumatak at minahal ko ng sobra dahil sa character na meron sya. Super mag-effort at ramdam kong mahal talaga nya ako. Pero dahil sa isang pagkakamali ko, he was out of rage the moment I did the most insane thing I could ever do to him.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Accidentally ChosenWhere stories live. Discover now