CHAPTER 27: KISS UNDER THE RAIN

Mulai dari awal
                                    

Hindi ko alam kung saan ko napulot ang tanong na yon, parang may sariling isip ang bibig ko,

"Yeah" he said.

Parang may kung anong bagay ang tumusok sa puso ko noong sabihin nya iyon but still hindi ko pinahalata "G—Gaano mo siya kamahal?" tapang na tanong ko ulit.

Tumitig siya sakin at sinabing "I love her so much, she's my life"

Biglang lumungkot ang mukha ko, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inggit sa babaeng mahal niya, ang swerte naman ng babae na yon, merong isang Krypton Lee na mahal na mahal siya hindi kaya si Chlor yon? hindi rin imposible. Lalo tuloy akong na curious.

"Pwede bang malaman kung sino siya? Where is she? " sunod sunod kong tanong pero hindi niya ako sinagot, at tumingin lang siya sakin.

"B—Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" takang tanong ko.

"In your lips" he said and kissed me.

I don't know how to react, pero parang may sariling utak ang labi ko at sumunod lang sa kung anong gustong gawin niya.

My heart bumped so fast.

"You're mine Argon, Stay away from Xenon dahil hindi ko na alam ang magagawa ko kung makikita ko pa kayong magkasama " he said and then he continue kissing me again under the rain. Lalong bumillis ang tibok ng puso ko sa huling sinabi niya. Ayokong umasa, sa huli ay ako pa din ang masasaktan dahil alam ko na kahit kalian ay hindi ako ang babaeng tinutukoy niya, hindi ako ang mahal niya.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang sasabog na. Pero kahit ganito, ayokong tumigil. Handa akong isugal ang puso ko. konti nalang Krypton mahuhulog na ako sayo.

After the kissed, he holds my hand so tight. I smiled.

"Jusmiyo!" nagulat kami sa sigaw na nanggagaling sa likod namin. "Nako, kayong mga kabataan talaga, bakit kayo nag pabasa sa ulan?" Sabi ng matandang babae, nagkatinginan kami sabay tangal ko sa pagkakahaway niya ng kamay sakin at tumayo maging siya at napatayo na din.

"Nako siya sige, pumasok muna kayo sa loob nang makapagpatuyo kayo" sabi naman ng matandang lalaki samin

"S—Salamat po" halos sabay naming sabi ni Krypton at pumasok na sa loob ng kubo.

"Ako si Ising at ito naman si Bernard ang aking asawa" pakilala ni aling Ising samin. Habang iginaya naman kami ni Mang Bernard pa upo sa maliit na sofa nila.

"Nako masaya kami at may naligaw dito sa munting kubo namin" sabi naman ni Mang Bernard

"Salamat po, Ako po pala si Argon at siya naman po si Krypton, Masaya po kaming makilala kayo Aling Ising at Mang Bernard" nakangiting sabi ko sa magasawang matanda.

"Nako, Ang gwapo naman ng Nobyo mo Iha, bagay kayong dalawa " natatawang sabi ni aling Ising

" Ahh—Hin—" di ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita si Krypton.

"talaga po? maraming salamat" sabi niya at umakbay sakin. Tiningnan ko naman siya ng masama. Nginitian lang ako ng nakakaloko.

"Ang sweet naman nila Honey, naalala ko yung kabataan natin" sabi ni Mang Bernard

"Nako, maganda pa naman ako hanggang ngayon hindi ba?" tanong ni Aling Ising kay Mang Bernard

"Aba syempre naman" natatawang sagot ni Mang Bernard at sabay silang tumawa.

"Kayo lang po ba ang naninirahan dito?" tanong ko sa dalawang matanda.

"Oo, kasama naming ang dalawa naming anak, malayo pa ang bayan mula dito sa Montevilla Resort, dumito muna kayo habang nagpapatuyo dahil malakas pa ang ulan sa labas" sabi ni aling Ising habang nag titimpla ng maiinit na kape.

"Nako maraming salamat po talaga sa inyo"

"Bakit nga ba kayo napadpad sa lugar na ito iha?"

"An—" hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo na hinila lang ako ni Krypton dito dahil sa hindi malamang dahilan.

"Naligaw po kami habang namamasyal" sabat ni Krypton habang bahagyang humigop ng kape.

"Nako, ganoon ba. Oh sya sige. Maiwan muna namin kayo at ikukuha ko kayo ng damit " nginitian ko nalang ang dalawang matanda at tuluyan na itong umalis papunta sa kuwarto nila. Naiwan kami sa sala.

Habang nangangatog ako sa lamig ay sya itong prenteng nakaupo lang at nagkakape tumingin ako sa kanya ng masama, "Bakit hindi mo sinabi na di mo ako girlfriend at hindi kita boyfriend?"

Sahalip na sumagot ay tiningnan n'ya lang ako ng nakakaloko.

"Iho at Iha pagpasenyahan nyo nalang itong mga damit sa tingin ko ay kasya naman ito sa inyo, damit ito ng mga anak namin kaya lang ay wala sila dito dahil naabutan yata sila ng ulan sa daan" nakangiting sabi ni Aling Ising.

"Salamat po" sabi ko habang inaabot ang mga damit na ipapahiram nila samin.

"doon nalang kayo sa kuwarto mag bihis" sabi naman ni Mang Bernard

Iginaya naman kami ni Mang Ising sa munting kuwarto. Nagpalinga linga ako sa paligid, sa tingin ko ay silid ito ng anak nila. Tumingin ako kay Krypton na nakatingin lang sakin.

"What?" takang tanong niya.

"Paano ako makakapagbihis kung nakatingin ka?" I rolled my eyes.

"Tss. Wala namang makikita dyan" he smirked. Argg! Tiningnan ko siya ng aking death glare, Finally ay tumalikod na sya. Maging ako din ay tumalikod dahil umakmang maghuhubad na siya.

Mabilis na nagbihis ako at bahagyang inayos ang basang buhok ko.

"Ok na, pwede ka nang humarap"

Agad naman itong humarap sakin maging siya ay tapos ng magbihis.

Tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa. Then he burst laughter !

"Mukha kang manang, hahaha!" he laughs. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganito. Kaya maging ako ay napatawa din.

"Nagsalita ang hindi mukhang magsasaka, Hahaha!" sabi ko habang hawak ang tiyan sa sobrang tawa.

Matapos matuyo ang mga damit namin ay nagpaalam na din kami kina Mang Bernard at Aling Ising, sobra ang pasasalamat naming sa dalawa dahil sa kabutihang loob.

Elysium Academy (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang