Tumingin siya nang may tanong sa mga mata. Nakahawak pa rin ang kamay niya sa manibela kahit patay na ang makina.

“Do you want me to make myself clear?” nanginig ang labi ko kaya kinagat ko ulit ito.

“C’mon, Ella. Get to the point. Anong gusto mong sabihin—”

 

“Tigilan mo na ang panloloko mo.” Putol ko sa kanya. Namimilog ang mga mata niya akong tingan ngunit umiwas din agad.

“What are you talking about?”

 

“Oh c’mon, Terrence. You know what I am talking about.” Galit na galit na utas ko. “Nash told me—”

Sarkastiko siyang tumawa kaya hindi ko natuloy ang sasabihin. Umiling pa siya at hinampas ang manibela. “Nash? Natasha? Pakialamera talaga ang babaeng iyon kahit kailan.”

 

“'Wag mo siyang pagsalitaan ng ganyan!” malakas na sigaw ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil sa sinabi niyang iyon, napatunayan kong totoo ang mga sinabi ni Nash. Ang sama mo Terrence!

“Why? Kaibigan mo ba siya? Tss.” Nag-igting ang bagang ni Terrence at nakangisi siya. “Siguro. Kaya nga niya sinabi sa’yo, e.”

 

“Totoo…” hindi iyon tanong ngunit isang konklusyon. “B-bakit ginagawa mo ito? Tatraydurin mo ang kapatid mo—”

“Ella! Hindi ako ang traydor! Don’t call me things when you’re not yet sure about it! Alamin mo ang kwento!” Nagulat at napaatras ako sa pagbabago ng tono niya. Hinampas niya ulit ang manibela. Ginulo niya ang buhok niya at humarap sa akin. Inunahan ko siya sa pagsasalita.

“At anong kwento, Terrence? Na mahal ako ng kapatid mo at aagawin mo ako sa kanya? Kasi ano? Gusto mo rin ako? Mahal mo rin ako? Kaya kakayanin mong kantiin ang kapatid mo para lang mapunta ako sa’yo?!” tuluyan nang bumagsak ang luha ko. Pinalis ko agad iyon gamit ang aking palad.

“You don’t know what you’re saying, Ella.”

 

“Puwes ipaliwanag mo para malaman ko! Para maintindihan ko!” mariin sabi ko sa kanya.

Yes. I will let him explain. Gusto kong marinig ang side niya. Hindi dahil sa kanya ako kakampi ngunit dahil gusto ko siyang maintindihan. Buong buhay ko pinagsisihan ko ang hindi pagkinig sa mga paliwanag ng mga taong nasa paligid ko. Nasaktan nila ako pero hindi ko alam kung bakit. Kung para ba iyon sa ikabubuti ko at talagang kailangan lang iyon gawin. Lalong lalo na ang kay Vincent. Limang taon akong nagtiis sa hirap. Nagkalayo kaming dalawa. Bakit? Dahil hindi ko siya pinakinggan. Dahil naniwala agad ako sa nakita ko lang. I didn’t give him a chance and it only brought us in being miserable. This time, si Terrence, pagpapaliwanagin ko siya. Saka nalang ako magdedesisyon kapag narinig ko na siya.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Where stories live. Discover now