Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)

Start from the beginning
                                    

Tuluyan ng bumukas ang Pilunlualan at handa na nilang dalhin kay Anilaokan si diyosang Tala. Kitang-kita sa mukha ng tatlong makapangyarihang manggagaway ang kagalakan dahil ni hindi sila nahirapan sa pagsukol kay diyosang Tala. Alam nilang kalulugdan sila ng labis ni diyosang Bulan dahil sa matagumpay na pagdakip nila sa kanyang nakababatang kapatid.

Gamit ang tungkod ay pinalutang ni Arteia si diyosang Tala sa hangin upang dalhin na ito kay Anilaokan. Nakita ni Marphonia sa nagkabitak-bitak na sahig ang tungkod ni Bathala kaya hindi ito nagdalawang isip na pulutin ito. Bakas sa mukha ni Marphonia ang mga ngiti at mapapasakanya ang isang napakamakapangyarihang bagay sa buong sanlibutan. Aariin niya ito at magagamit niya bilang kanyang kapangyarihan. Magiging makapangyarihan siya at maaaring sambahin bilang isa ring diyosa. Dahan-dahan ay yumuko si Marphonia para pulutin mula sa sahig ang tungkod ni Bathala.

Napatingin si diyosang Tala kay Marphonia habang pinupulot nito ang tungkod ng kanyang ama. "...ang tungkod..." ang bulong nito na may pag-aalala.

Nanlaki naman ang mga mata ni Daleria pagkakita sa pagdampot ni Marphonia sa tungkod ni Bathala. Walang inaksayang sandali si Daleria para pigilan ang kasama.

"Huwag!!!" ang malakas na sigaw ni Daleria kay Marphonia. Ngunit akma pa lamang sana niyang pigilan si Morphonia sa pagpulot sa tungkod ay biglang sumabog ng napakalakas ang kinaroroonan ni Morphonia pagkadampi ng kamay nito sa tungkod ni Bathala. Nakakasilaw na liwanag ang pumuno sa buong paligid at tila may kung anong napakalakas na puwersa ang nagpatilapon sa dalawa pang natitirang manggagaway at kay diyosang Tala. Sa sobrang lakas ng pagsabog ay gumuho ang buong gusali. Nabalutan ng napakakapal na usok ang tumakip sa kabuuan ng lugar.

Maraming mga estudyante, mga guro at iba pang mga nagtatrabaho sa paaralan ang nagkakagulo sa labas ng gumuhong gusali. Marami ang sugatan at ang ilan ay malubha ang natamong pinsala sa katawan. Napuno ng sigawan ang buong paligid ng paaralan. Karamihan sa mga ito ay umiiyak sa takot dahil sa mga pangyayari sa gusali ng kanilang silid-aklatan. Maraming mga mag-aaral ang pinangangambahan nilang natabunan sa gumuhong gusali.

Marami sa mga guro ang nagtutulong-tulong ng gamitin na ang kanilang mga kapangyarihan para pawiin ang napakakapal na usok at alikabok. Lahat sa kanila ay nag-aalala sa mga estudyante at iba pang mga kawani sa paaralan na natabunan sa loob ng gusali. Lahat ay umaasa na may mga buhay pa rin silang maililigtas mula sa guho.

Mula sa gusali ay nagkamalay na si diyosang Tala. Hindi niya maigalaw ang kanyang katawan dahil sa mga pinsalang natamo nito mula sa pagsabog. Nakadagan sa kanyang katawan ang bahagi ng isang blackboard na yari sa kahoy at sa ibabaw nito ay mga parte ng gumuhong pader. Napakadilim sa kanyang paligid at wala siyang makita kahit man lamang na kakaunting liwanag. Ramdam din niya ang sobrang pananakit ng kanyang ulo ng mga sandaling iyon. Ano nga ba ang nangyari at nasaan siya? Oo nga pala at kanyang naalala na nagpunta pala siya sa Philontria para puntahan ang kanyang matalik na kaibigan na si Arathanias at doon ay nakasagupa niya ang tatlong manggagaway.

Unti-unti ay bumalik sa alaala ni diyosang Tala ang mga pangyayari. Pero tila huli na ang lahat para sa kanya. Hindi niya maigalaw ang kahit anong parte ng kanyang katawan. Makailang ulit na niya itong sinubukan pero wala siyang maramdaman kahit man lang ang dulo ng daliri sa kanyang paa. Hindi rin niya alam kung nakapulupot pa rin sa kanyang katawan ang ahas na pinakawalan ng isa sa mga manggagaway.

Pumikit si diyosang Tala at masaganang umagos ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata. Unti-unti ay nagliwanag ang buo niyang katawan.

Sa di kalayuan ay nagkamalay na rin si Daleria. Hindi niya inaasahan na ganun kalakas ang pagsabog na gawa ng paghawak ni marphonia sa tungkod ni Bathala. Nakalimutan nito na kamatayan ang kabayaran da paghawak ng hindi kadugo ni Bathala sa tungkod.

"Marphonia..." ang mahinang sambit ni Daleria. Pilit niyang iginagala ang kanyang panangin ngunit kadiliman ang tanging nakapalibot sa kanya. "Arteia?!" ang muli niyang sigaw.

Akmang igagalaw niya ang kanyang kanang tuhod ng makaramdam siya ng matinding sakit dito. Tila may kung anong bagay ang nakatusok sa laman ng kanyang tuhod at amoy na amoy nito ang lansa ng kanyang sariling dugo.

"Lucien utrium..." Ang mga katagang nasambit ni Daleria at bigang lumiwanag ang kanyang paligid.

Iginala niya ang kanyang mga mata sa paligid na kung saan natabunan ng mga naglalakihang tipak ng semento at pader ang kanyang kinaroroonan. Laking pasasalamat niya dahil hindi siya napuruan at nadaganan ng mga ito. Halos hindi siya huminga ng makita niya ang kanyang tuhod na nababalutan ng dugo. Tumusok at lumusot ang bakal na mula sa pader sa kanyang tuhod. Halos maiyak siya sa sobrang sakit na naramdaman. Pero, mas naramdaman niya ang sakit ng makita niya si Arteia na nadaganan ng napakalaking bloke ng sementadong pader at wala ng buhay. Alam din niyang wala na rin si Marphonia. Imposible pa itong mabuhay sa lakas ng pagsabog na nilikha ng tungkod ni Bathala sa kanya. Hindi niya inaasahan ang mga pangyayari dahil nasukol na nila si diyosang Tala. Ano ang pumasok sa ulo ni Marphonia at bakit niya sinubukang pulutin ang tungkod ni Bathala gayong alam naman niya na kamatayan sa sino mang nagtangkang humawak nito. labis ang kanyang panghihinayang sa dalawang kasama na nagbuwis ng buhay para sa wala.

Ipinikit ni Daleria ang kanyang mga mata at ininda ang nararamdamang sakit sa sugat nito sa tuhod. Nag-alay ito ng mga orasyon para sa kanilang mga anito upang gabayin ang mga kaluluwa ng mga kasama niyang sina Arteia at Marphonia na kakapananaw pa lang.

Pero, panandalian lamang ang pag-aalay niya ng mga dasal sa mga anito dahil naririnig na niya ang ingay ng mga engkanto at diwatang sinusubukang alisin ang mga naglalakiang mga tipak ng pader para iligtas ang mga estudyante at iba pang gurong natabunan ng pagguho.

Maingat na iniaangat ni Daleria ang kanyang paa para maialis nito sa tumusok na bakal ang tuhod. Pilit niyang tinitiis ang napakatinding sakit na dinulot nito sa kanya. Dahan-dahan at lubos ang pag-iingat nito sa pag-angat sa kanyang paa. Pinagpawisan siya ng malamig hanggang sa tuluyan na nitong maialis ang kanyang tuhod sa bakal na mula sa pader ng gumuhong gusali.

Walang inaksayang panahon ang babaeng manggagaway. Kaagad ay gumawa ito ng Pilunlualan para makatakas na sa gumuhong gusali. Binuksan niya ang Pilunlualan patungo sa Isla ng Labuad para ibalita kay Anilaokan ang tungkol sa nanguari at kinahinatnan nd dalawang kasama.

Mula sa nakakasilaw na liwanag ay mukha ng isang matandang lalake ang bumungad kay diyosang Tala. Pamilyar sa kanya ang mukha ng matanda na bakas sa kanya ang pag-aalala.

"A... Arathanias?" ang mahinang wika ni diyosang Tala at naramdaman niyang tila idinuyan siya sa hangin. Pilit na pumipikit ang talukap ng kanyang mga mata na pilit sana niyang pinipigilan. Wala na siyang natitirang lakas para manatili siyang gising sa mga sandaling iyon. Nakita niyang tumingin sa kanya si Arathanias at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Where stories live. Discover now