Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakaramdam ng takot si Arteia pagkakita sa galit na galit na diyosa. Tila inililipad-lipad ng hangin ang mahaba at napakaputing buhok ni diyosang Tala. Ang mga mata nito ay naging puti binalutan ng liwanag ang buong katawan.

Nakaramdam ng mga paglagutok sa paligid ang ngayon ay takot na takot ng mga manggagaway. Lahat ng bakal at iba pang mga metal sa paligid ay unti-unting lumalabas sa mga pader ng gusali. Dinig na dinig nila ang mga paglangitngit ng mga metal na unti-unting nagsisigalawan na tila mayroong sariling pag-iisip na handang umatake sa tatlong manggagaway.

Gamit ang kapangyarihan ng isip ay pinakawalan ni diyosang Tala ang mga metal para atakihin ang tatlong manggagaway. Napanganga si Marphonia dahil sa bilis ng mga pangyayari at hindi na nito magawang makakilos pa. Mabilis na tumayo si Arteia at ginamit ang kapangyarihan ng hawak na tungkod. Mabilis na nakagawa ng tila malinaw na pader ang tungkod ng manggagaway at nagtilamsikan ang mga matatalim na metal bago pa man tumama ang mga ito sa kanila.

Mula sa kamay ni diyosang tala ay ang tungkod ng ama. Ginamit niya ang kapangyarihan nito sa pamamagitan ng mga naglalakihang hibla ng kuryenteng tumama sa ginawang pader ni Arteia. Pagtama ng mga hibla ng kuryente sa puwersang pumoprotekta sa mga mangagaway ay unti-unting binabasag nito ang kapangyarihan ng tungkod ni Arteia. Unti-unting napulbos ang tungkod ng manggagaway kasabay ng pagtilapon nito at tumama sa kapwa niyang manggagaway na si Marphonia.

Pinakawalan ni Daleria ang hawak nitong tela at tumama ito sa kamay ni diyosang tala, dahilan para mabitawan nito ang tungkod ng ama. Umilaw ang marka sa noo ni Daleria at umusal ng mga orasyon at saka pinakawalan ito kay diyosang Tala. Mula sa kanyang noo kumawala mula rito ang isang napakalaking kulay pilak na ahas na pumulupot sa katawan ni diyosang Tala.

Sabay-sabay na nahulog sa sahig ang mga naglulutangan na mga matutulis na bakal at mga piraso ng marmol. Bumalik sa dating kulay ang mga mata at buhok ni diyosang Tala at muli ay nakaramdam ito ng matinding panghihina. Sinubukan niyang kumawala sa napakalaking ahas na nakapuluput sa kanya. Kailangan niyang makawala dahil kailangan niyang iligtas ang ama. Pero sa tuwing nagpupumiglas ito ay nakakaramdam ito ng panghihina. Randam niya na unti-unting hinihigop ng ahas ang kanyang lakas at kapangyarihan.

Mabilis na tumayo sina Marphonia at Arteia mula sa sahig na kinabagsakan nila. Gumuhit ang ngiti sa kanilang mga labi ng makitang nasukol na ni Daleria ang diyosang si Tala. Alam nilang wala ng kawala ang diyosa kaya malapit ng matapos ang kanilang trabahong iniutos ni Anilaokan. Tila mga batang sabik sa kanilang gustong makita ang dalawang manggaway na lumapit kay daleria at sa nanghihina ng si diyosang Tala.

"Buti naman at nasukol mo ang diyosa, Daleria." ang tuwang-tuwang wika ni Arteia. Matatalim ang mga tingin ng dalawang manggagaway sa nanghihinang diyosa. Nanghihinayang...takam na takam ngunit pinipigilan ang kanyang sarili.

"Humanda na kayo, ihahatid na natin siya kay Anilaokan. Sila ng bahala sa kanya." ang utos ni Daleria sa dalawang kasama. "Marphonia, buksan mo na ang Pilunlualan papunta sa isla ng Labuad." ang dagdag pa nito.

Pagkarinig ni Marphonia sa kasama ay kaagad na umusal ng dasal at iwinasiwas ang mga kamay nito sa hangin. Unti-unting nabubuo ang maliit na liwanag sa harapan ni Marphonia. Sa bawat kataga sa kanyang dasal ay unti-unting lumalaki ang liwanag at nabubuo ang Pilunlualan.

Pilit na nagpupumiglas pa rin si diyosang Tala mula sa pagkakapulupot ng mabangis na ahas sa kanyang katawan. Sa bawat pagpupumiglas ng diyosa ay katumbas ng pagsipsip sa kanyang lakas ang ginagawa ng ahas. Kaya pilnilit niyang huminaon para hindi mawala ang kanyang lakas at mag-isip ng paraan para makawala rito. Hindi siya dapat magpapasukol sa tatlong manggagaway dahil kailangan niyang makausap si Arathanias para mahanap ang babae sa propesiya: si Odessa.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon