Chapter 7.

1.6K 42 1
                                    

Lantang napahiga na lang siya habang tinititigan ang asawa na tumabi sa kanyang tabi. Parehas silang hingal na hingal sa nangyari.

Ang sakit ng katawan niya at nanlalagkit sa pawis at sa dugo na lumalabas sa kanya hanggang ngayon.

Niyakap siya nito at hinalikan ang noo ni Taki. Napapikit siya sa nangyari.

Para sa pamilya niya, gagawin niya ang lahat para lang isalba ito kahit ikawasak niya ulit sa lalaking nanakit sa kanya.

"MA'AM, nandito po ang mommy niyo." napatingin siya rito. Nagulat siya na bisitahin siya ng kanyang mommy.

Paano nito nalaman ang bahay nila?

Ngunit na-realize niya na kaya alam nito dahil babae nito ng asawa niya. Marahas siya napabuntong hininga. Bakit nga ba niya pinasok ang problema na ito? Dahil sa kagustuhan niya makaayos ulit ang mga magulang niya.

'Yun lang ba?

Napapikit siya sa inisip niya at iniling ang salita sa kanyang isipan. Pinuntahan niya ang mommy niya sa guest area. Nakita niya ang postura ng ina, simple lang ang suot nito ngunit makikita pa rin ang pagiging classy nito. Napatingin siya sa suot na pantulog.

"What are you doing here, mom?" napalingon sa kanya ang ina, napatayo ito at nilapitan siya. Kinuha nito ang kanyang braso at saka hinila papalabas ng bahay. "Mom, let me go!" marahas niyang binawi ang braso. "Ano ba problema niyo?"

"Umuwi na tayo Taki."

"Bakit tayo uuwi? Ma, dito ang bahay ko, kaya bakit ninyo ako pauuwiin?" kahit naman alam niya ang rason, nagbulag-bulagan pa rin siya.

"Please anak, alam kong marami akong kasalanan, but please, sundin mo na lang ako."

"Sabihin niyo muna kung bakit niyo ako pauuwiin. Kung nasabi niyo yung dahilan baka maintindihan ko pa."

Tinitigan siya nito ng mariin kaya tinitigan niya rin ito pabalik. Ang ina ang unang nagbitaw ng tingin saka marahan na umiling. "I can't..."

"You can't?" hindi niya makapaniwalang sabi. "Why you can't explain the problem? Or else..." tinitigan niya ito. Nagbaba lang ito ng tingin. "You are the problem." mariin niyang sabi. Napailing siya sa inaasta ng ina. "Alam kong maraming pagkukulang si daddy sa atin, sa inyo, but it is not okay to cheat on my dad, you cheater!"

"Nagmahal lang ako Tamaki Yvonne. Kaya wala kang karapatan na pagsabihan ako niyan at husgahan." napatawa siya sa sinabi nito.

"Really? So I don't have the rights to judge you? Because of what? Nagmahal ka lang? That's entirely bullshit mom! Everything is wrong! Your love is wrong, because you're married! So take all my hurtful words that I'm throwing at you, because you deserve it!" ang lakas ng tibok ng dibdib siya sa galit at sakit na nararamdaman niya sa ina, nasasaktan siya para sa ama niya. "Bakit niyo nagawang lokohin si dad? Kasi ang babaw lang dahil sa wala ng time, kasi nakikita ko naman kahit papaano na gumagawa ng paraan si dad para sa inyo, kasi kung mahal mo si dad, hindi mo magagawa ito! Na lokohin ang asawa mo! Nakakahiya ka! Nakakahiya kang ina!" napabaling ang kanyang mukha sa kaliwa at naramdaman niya ang hapdi na dinulot ng pagsampal sa kanya ng ina.

Napatingin siya rito, nakita niya na nanlaki ang mga mata nito, hahawakan na sana siya nito ng iniwas niya ang kanyang sarili.

" I'm s-sorry Ta-Taki."

"What are you doing here, Yvette?" napalingon sila sa nagsalita. Kitang kita niya ang kunot noo ng asawa. Nanlaki ang mga mata nila mag-ina.

"Timothy!" sabay nilang tawag ng ina.

"Leave, Yvette. Umalis ka sa bahay namin Yvette." seryosong sabi nito sa ina.

"Babawiin ko lang ang anak ko, Timothy."

"Leave!"

"No! Hindi ako uuwi hanggang hindi ko kasama ang anak ko!" sabay kuha nito sa kanya. Pilit siyang kumakawala sa ina. "We should leave, Tamaki."

Umiling siya. "Hindi ako sasama sayo, ma. Fix your problem."

Umiling ito. Hindi pa rin tumitigil sa pagkuha sa kanya. "Alam kong may kasalanan ako, pero sasaktan ka lang ni Timothy, Tamaki. Kaya makinig ka na sa akin, anak. Alam kong hindi ako naging mabuting ina, pero sumunod ka na lang kay mommy."

Kinuha siya ng asawa at tinago sa likod nito. "Ayaw niyang sumama. Hindi mo mapipilit ang ayaw sumama sayo, Yvette, kaya umalis ka na. At huwag na huwag ka ng bumalik sa pamamahay namin."

Wala itong nagawa kundi sumunod kay Timothy. Pagkaalis ng ina, pumasok sa loob si Tamaki sa loob. Ang bigat bigat ng dibdib niya. Parang hindi siya makahinga sa sobrang daming emosyon na gustong lumabas.

"Tamaki..." hinawakan siya nito sa kamay. Kinuha niya ang sariling kamay.

"Sa guest room muna ako matutulog. I want to be alone, Timothy. I need space." sabay pasok niya sa guest room. Pagkasara niya ng pinto ay saka siya napaupo. Nanlalambot ang kanyang binti. At lahat ng emosyon niya ay lumabas sa pamamagitan ng pag-iyak.

---

Editing. Sorry kung sabaw

Game Of Fire Where stories live. Discover now