Chapter 2.

2.1K 49 2
                                    

Bigla itong napaharap sa kanya. Nakita niya na ang mukha ng dating minahal. Hindi maipagkakaila na mas gumwapo ito kaysa noon.

But it doesn't change the fact that he played her feelings that he hurt her, and now he is the reason why her family will tear apart.

"Love, you're here. Hindi ko aakalain na makikita kita rito."

Nakaramdam siya ng kirot ng banggitin nito ang laging tinatawag sa kanya nito no'ng panahon na sila pa.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Sagutin mo ang tanong ko. Ikaw ba ang lalaki ni mommy?"

Ngumisi ito. At lumapit sa kanya kaya napa-atras siya.

"What if I told you that is not true, love. You will ever believe me?"

"Huwag kang lumapit sa akin. And to answer your question, no! Sa tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mo kung iba naman ang nakita ko kanina. Of all women in the earth, bakit si mommy pa? Marami pang ibang babae dyan, Timothy, na single walang sabit. Pero bakit si mommy? Sa taong may asawa at anak, pamilyado na ang karelasyon mo, at mas matanda pa sa'yo, para mo na siyang nanay!"

"Bakit sino ba ang gusto mong maging girlfriend ko? Ikaw? Pwede naman, eh. Lalo na na-miss kita, love."

"Anong akala mo sa akin, na desperadang makipagbalikan sa 'yo matapos mo akong lokohin. No! I will never come back to you!"

Nawala ang ngiti nito sa labi nito, natigilan ito sa sinabi niya ngunit ng may napagtanto ay bumalik ulit ang ngisi nito sa labi. "Kahit ba sabihin ko na titigilan ko na ang mommy mo? Papayag ka ba?" natuod siya sa sinabi nito. Nanlaki ang mga mata niha at tinignan ito.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Ano ba ang gusto mo, Timothy?"

Lumapit ito at hinapit nito ang kanyang bewang at hinaplos nito ang kanyang labi. Nararamdaman niya ang pag-init ng kanyang pisngi.

"Ikaw. You invade me. All of me."

Kumabog ang kanyang dibdib sa sinabi nito. Parang hindi niya ma-proseso ang sinabi nito.

Gusto niya ako? Bakit? Diba siya naman ang nanloko sa 'kin? Bakit ngayon babawiin niya ako na parang walang nangyari. Na parang kasalanan ko pa?

"Stop playing with me, Timothy. Please stop seeing my mother. Iba na lang, huwag mong sirain ang pagsasama ng mga magulang ko, nagmamakaawa ako."

Ngunit hindi siya nito pinansin at hinatak siya.

"Let's go."

Hinila siya nito at papunta sa sasakyan nito. Nagpumiglas siya sa pa si Taki sa hawak nito.

"My car!"

Huli na no'ng ipasok siya sa sasakyan. Bubuksan niya na sana ang pintuan ng sasakyan ng bigla nito pinaandar ang sasakyan at pinaharurot. Napahawak siya sa seat belt na hindi niya sinuot.

"I'm sorry, love, I don't have a choice, but to do this. Don't worry about your car , kukunin ko na lang mamaya."

"But...." Tumigil siya magsalita, napabuntong hininga at humarap sa bintana.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng malaking bahay. Tumingin siya rito kaya nakita niya itong nakatingin sa kanya. Naramdaman niya ang pag-init ng pisngi niya, naiilang siya sa titig nito kaya umiwas siya ng tingin.

Tumikhim siya. "Bakit mo ko dinala rito?"

"I want to tell you something, wife."

Napatingin siya sa malaking bahay. Naka-bili na pala ito ng bahay. Katamtaman lang ang laki nito ngunit malalaman kung mayaman ang nakatira rito.

Game Of Fire Where stories live. Discover now